KABANATA V

938 68 139
                                    

Hindi galit kung hindi malaking pagkadismaya ang kasalukuyang nararamdaman ni Ferdinand, kay Imelda higit sa kanilang lahat

'Hayaan mo muna ako matapos magsalita Ferdinand'

Pasalamat si Jose at napapagitnaan sila ni Imelda kung hindi ay tinalon na siya ni Ferdinand at saka niya ito tinanggalan ng hininga

'Huwag kang mag-alala'

'Magkakampi tayo'

Napangisi lang si Ferdinand dito

'Anak ka ng kalaban'

'Alam mo ang mga bagay na hindi naman dapat'

'Paano ako maniniwala sayo?'

Tumingin ito kay Imelda

'Sa inyo....?'

Nasaktan si Imelda sa pahiwatig na iyon ni Ferdinand

'Kumalma ka Ferdinand'

Lumipat naman ang masamang tingin nito kay Mang Vicente

'Totoo ang sinabi ni Jose'

'Hindi tayo magkalaban'

'Ano sa tingin mo at bakit galit na galit ang mga tao sayo dito ng dumating ka?'

Tinawanan ito ni Ferdinand

'Sa takot na mahuli namin kayo?'

Si Imelda naman ang hindi na makapag pigil

'Kung ganoon...'

'Bakit kailangan pa kita iligtas?'

'Bakit ka pa namin hinayaan na mabuhay?'

Nangingilid na may luhang tanong ni Imelda

Pumikit si Ferdinand para pakalmahin ang sarili. Hindi niya kayang makitang nasasaktan si Imelda

'Hindi ko alam, Imelda...'

'Hindi ako sigurado'

Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Imelda kay Ferdinand. Sa lahat ng mabuting pinakitungo nila sa kanya ay pinagdududahan pa sila nito?

'Kuya pogi...'

'Maniwala ka'

'Iisa lang ang kaaway natin'

Tumango si Ferdinand at saka ito ngumiti kay Alita

'Pasensya na...'

Tumingin ulit ito ng seryoso kay Jose

'Sige, magpatuloy ka'

Naiinis si Imelda sa inasal na iyon ni Ferdinand. Hindi dahil kung bakit si Alita ang nakapagpakalma dito, kung hindi ang maliit na tiwalang pinaramdam nito sa kanya

'Nakikipaglaban ang aking ama sa mga sundalong Pilipino sa Mindanao'

'At doon din niya nais ako manatili'

'Pero nagpaiwan ako dito sa Luzon'

Masama pa ding nakatingin si Ferdinand kay Jose

'Isa akong 'translator', para sa pinaka pinuno ng mga dayuhan'

Tiningnan isa isa ni Ferdinand sina Imelda para tingnan kung makakita siya ng kahit kaunting pagsalungat sa sinabi ni Jose. Wala

'Paano ka naging kalaban ng mga hapon, kung pinagsisilbihan mo sila?'

Madiing nakasarado ang mga kamao ni Ferdinand. Hindi siya nakukumbisi sa mga pinagsasabi ni Jose

'Dahil iyon ang pinaka magandang paraan para matalo sila'

You Will Always Be My HeroWhere stories live. Discover now