EPILOGO

1.4K 93 601
                                    

A/N: And like every story, there is always an ending... so here we are, in the final page of Ferdinand and Imelda's painful but beautiful journey

Thank you everyone who stayed with me on this one! You guys made writing this so much enjoyable. You truly are the best! ❤️❤️❤️

ENJOY READING!

Tahimik at parehas na nakapikit na ninanamnam nina Ferdinand at Imelda ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng malakas na pag-alon at hampas ng tubig

Matapos ang nakakapagod na paghahabulan nilang dalawa sa may dagat, ay nakaupo na sila sa buhangin na magkasandal ang mga ulo

'Sana lagi na lang ganito'

Napatingin si Ferdinand kay Imelda na nakapatong ang ulo sa kanyang balikat

'Tahimik at mapayapa'

Patuloy pa din ni Imelda na hindi idinidilat ang mga mata

'At higit sa lahat... ang palagi kitang kasama'

Napangiti si Ferdinand sa tinuran na iyon ni Imelda

Hanggang sa oras na ito ay hindi pa din siya makapaniwala na pagkatapos ng kahalayan na ginawa niya kay Imelda, ay nagawa pa din siya nitong patawarin... tanggapin, at mahalin

'Imelda...'

Napaangat ng tingin si Imelda kay Ferdinand at mabilis siyang nakaramdam ng labis na kasiyahan sa mga ngiti na nakaguhit sa napaka gwapo nitong mukha

'Salamat'

Tanging isang magandang ngiti lamang ang naisagot ni Imelda kay Ferdinand bago niya hinawakan ito sa pisngi

'Imelda...'

Nakapikit na tawag ni Ferdinand sa kanya habang mas idinidiin pa nito sa kanyang palad ang pisngi nito

Natutuwang pinapanood ni Imelda ang mapayapang mukha ni Ferdinand. Hindi siya makapaniwala na kagabi lamang nang tuluyan na nilang tinuldukan ni Ferdinand ang masama at masakit na karanasan nila... niya

At ang sa wakas ay ang kanyang pagbibigay niya ng sarili... ang pagsuko niya ng kanyang katawaan sa lalaking kanyang pinaka mamahal

'Hello, Ferdinand Jr.'

Biglang sabi ni Ferdinand habang himas himas nito ang patag pa na tiyan ni Imelda

'Junior?'

Nakasimangot na tanong ni Imelda

'Oo...'

'Sundalo ang magiging panganay natin'

Natawa naman si Imelda dahil mukhang seryoso si Ferdinand sa sinasabi nito

'Paano kung babae yan?'

Mas napalakas pa ang tawa ni Imelda ng sumimangot si Ferdinand at napaka cute nito na nag-isip

'Edi... Imelda junior'

Nangiti din si Ferdinand ng napahalakhak si Imelda

Napaka sarap talaga sa kanyang pandinig ang mga tawa nito na parang kinikiliti

'Imelda din?'

Naka malaking ngiting tanong ni Imelda

'Ano ulit pangalan ng mother mo?'

Tanong ni Imelda kay Ferdinand

'Josefa'

'Okay!'

You Will Always Be My HeroWhere stories live. Discover now