A/N: And... the drama continues
Enjoy reading!
Tahimik na nakaupo sina Imelda at Jose sa ilalim ng puno. Si Imelda ay nakasandal ang ulo sa balikat ni Jose habang hinihamas naman ni Jose ang buhok nito
'Handa ka na sabihin kung ano nangyari?'
Hindi umimik si Imelda kaya hinawakan ni Jose ang baba nito at hinarap sa kanya
'Niloko ka ba ni Ferdinand?'
Umiling lang si Imelda
'Sinaktan ka niya pisikal? Binastos?'
Umiling ulit si Imelda
'Imelda...'
Dumiretso na ng upo si Imelda at inilipat ang tingin nito sa dagat
'Jose... wag ka na magalit kay Ferdinand'
'Maaari bang hayaan mo lang muna kami?'
Hayaan? Hindi yon magagawa ni Jose. Kahit ayaw sabihin sa kanya ni Imelda ang totoong ginawa ni Ferdinand, alam niya na malaki ang pagkakasala nito
Mula pagkabata ay kilala na niya si Imelda. Matapang itong babae at hindi basta basta umiiyak kahit pa binu-bully o pinagtutulong tulungan ito ng kanilang mga kalaro. Hanggang sa kanilang paglaki ay ganoon pa din si Imelda, kaya ng makita niya itong mag isang umiiyak sa tabing dagat ay alam na agad ni Jose na labis itong nasasaktan
'Sumama ka na sakin ha?'
Kinuha ni Jose ang kamay ni Imelda ng hindi ito sumagot sa kanya
'Sa amerika... dadalhin kita don kasama si Mang Vicente at Alita'
'Nakausap ko na ang pinuno ng mga amerikano...'
'Madadala na kita doon'
'Doon... makakapamuhay na ulit kayo ng normal'
'Makakapag turo ka na ulit at malayang makakakilos'
'Makakasama mo na ulit sina Alita'
'Ipapaasyal ko kayo nila Alita kahit saan'
('Amerika?')
('Makakapamuhay na ulit sila ng malaya?')
('Makakasama na niya ulit sina Alita?')
Masarap pakinggan para kay Imelda ang minumungkahi ni Jose. Nagsasawa na siya makulong sa isang lugar na parang isang bilanggo. Nagsasawa na siya na palaging nagtatago at natatakot na baka isang araw matagpuan sila ng mga hapon
'Sasama ka sakin diba?'
Napatingin si Imelda kay Jose at ngumiti siya dito
'Jose...'
'FERDINAND!'
Napalingon ng sabay sina Imelda sa sigaw ni Ramon at nakita ang mabilis na paglapit ni Ferdinand sa kanila habang nakasunod naman ang kanilang mga kaibigan
Mabilis na binangon ni Jose si Imelda at saka ito inilagay sa kanyang likod
'Imelda...'
Pilit na inaabot ni Ferdinand si Imelda habang hinaharangan naman ito ni Jose
'Ano ba Ferdinand?!'
Malakas na itinulak ni Jose si Ferdinand dahil ayaw nito magpaawat
'Hoy! Sumusobra ka na ah!'
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomantizmSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...