A/N: Naka ready na ba ang panyo? Paki na lang kung hindi pa 🤧
Enjoy crying!
Napaka lakas ng bumubuhos na ulan na sinasabayan pa ng sunod sunod na kulog at kidlat
Isa ito sa mga ayaw na ayaw Imelda, ang kulog at kidlat. Bata pa lang siya ay marami na siyang hindi magagandang karanasan na nangyari tuwing may malakas na bagyo
Ang pagkawala ng kanyang ina nung siya ay siyam na gulang pa lang, ang pinaka masamang nangyari sa kanyang buhay. Hinding hindi niya iyon makakalimutan
Malakas na bumabagyo din ng panahon na iyon at wala ring tigil ang pag kulog at kidlat. Simula noon ay takot na takot na siya tuwing bumabagyo
Mukhang ang sumpa nga na iyon ay dinala na niya hanggang sa kanyang pagtanda...
'Ferdinand....'
'Pinagsamantalahan mo ako...'
Sabay na gumuho ang mundo nila Ferdinand sa naging rebelasyon ni Imelda
Napapikit ng madiin si Imelda ng mabilis na nagliwanag ang buong kabahayan dahil sa biglang pagkilat
At tulad ng mabilis na pagdating at pagkawala ng kidlat ay ang pagbabalik kay Ferdinand ng mga alaala ng gabi na hinalay niya si Imelda
FLASHBACK
'Ferdinand...'
'Huwag mo itong gawin...'
'Nagmamakaawa ako sayo...'
FLASHBACK
'Tama na...'
'Takot na takot na 'ko...'
FLASHBACK
'Ayoko na sayo Ferdinand...'
'Ayoko ko na sayo...'
END OF FLASHBACK
'Hindi...'
Napakadiin na hinahawakan ni Ferdinand ang doorknob habang palakas ng palakas niya na iniuuntog ang ulo sa pintuan
'Hindi...'
Napako na din si Imelda sa kanyang kinatatayuan at patuloy lang na umiiyak
'Ferdinand...'
Nanginginig na ang kanyang buong katawan at gustong gusto na niyang lapitan si Ferdinand at pigilan ito sa ginagawa nitong malakas na pag untog, subalit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa
'Ferdinand, tama na...'
Mas lalo pang nilakasan ni Ferdinand ang pag untog sa kanyang ulo at saka tumigil bago napaka lakas na sinuntok ang kanyang mukha
'Ferdinand!'
Mabilis na tumakbo si Imelda at mahigpit na niyakap sa likuran si Ferdinand para pigilan ito sa pagsapak na ginagawa nito sa mukha
'Hayop ka, Ferdinand...'
'Demonyo ka!'
Galit na sigaw ni Ferdinand
Hindi magawang mapigilan ni Imelda si Ferdinand sa sunod sunod at malalakas na pagsuntok na ginagawa nito sa sarili
'Tama na...'
'Tama na, Ferdinand'
Unti unting napatigil si Ferdinand dahil sa mahigpit na pagyakap ni Imelda at sa malakas na pagiyak nito sa kanyang likuran

YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...