A/N: Hoy! Kayo ah! Idea pa lang yung, 'You keep me safe, I'll keep you wild', hindi niyo na kinakaya. What more pa, kapag na publish ko na? Hahaha 😈
Kalmahan niyo lang. Makakarating din tayo don
Back to this, may nagbabalik 😆
Enjoy reading!
'Hiya!'
Mabilis na pinatakbo ni Imelda ang kanyang kabayo habang pinapanood siya ni Ferdinand na kabang kaba
'Ang galing ko na!'
Napahawak sa dibdib si Ferdinand ng makabalik na ulit si Imelda
'Imelda, mag dahan dahan ka!'
Napasapo ng mabilis si Ferdinand kay Imelda ng walang ingat itong bumaba ng kabayo
'Ang galing natin, Bella...'
Masayang pinapanood ni Ferdinand habang hinihimas ni Imelda ang kanyang kabayo
Si Bella, isang puting kabayo na ibinigay ni Ferdinand sa kanya
'Pasado na ba ako?'
Nag papa-cute na tanong ni Imelda. Inirapan lang siya ni Ferdinand bago itinali ang kabayo sa ilalim ng puno
'Oo pero, wag mo naman masyadong bilisan ang pagpapatakbo'
'Baka mahulog ka'
Nginitian lang ito ni Imelda bago pinasok ang kanyang braso sa braso ni Ferdinand at saka hinatak ito para maglakad
'Oo na po...'
Nakasimangot pa din si Ferdinand kaya madiin na pinisil ni Imelda ang pisngi nito
'Ang cute mo kapag naka simangot'
Natawa si Imelda ng mas lalo pang sumimangot si Ferdinand sa kanya
'Ah... ako cute...'
Napasigaw si Imelda ng binuhat siya ni Ferdinand at saka siya inikot
'Sige na! Hindi ka na cute!'
'Ibaba mo na 'ko!'
Nakapikit na pakiusap ni Imelda dahil medyo nahihilo na siya
Marahan na ibinaba ni Ferdinand si Imelda bago ito niyakap. Mahigpit din na nakayakap sa kanya si Imelda habang parehas silang tumatawa
'Masaya ka ba Imelda?'
Huminga ng malalim si Imelda bago mas idinikit pa ang kanyang pisngi sa dibdib ni Ferdinand
'Oo naman...'
'Kaya lang...'
'Sana, nandito din sina Alita'
Tumingin si Ferdinand ng humarap ito sa kanya
'Hindi ba... nabanggit sayo ni Jose na pupunta siya dito?'
'Gusto ko na kasi malaman kung ano ng balita sa kanila'
Hinawi ni Ferdinand ang buhok na hinangin sa mukha ni Imelda bago ito nagsalita
'Siguro marami lang nangyayari...'
'Pero, baka malapit na din iyong pumunta dito'
Napapikit si Ferdinand ng mapuwing ito sa buhangin na pumasok sa kanyang mata. Muli na naman natawa si Imelda sa kanyang itsura
'Ang cute mo talaga!'
At saka ito tinulak bago tumakbo
'Imelda!'
![](https://img.wattpad.com/cover/297989026-288-k113641.jpg)
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...