A/N: We're back! I know, I wasn't able to update for a long time so to make it up to you guys, I made this chapter longer!
Also, read end note and as usual,
Enjoy reading!
'Ate! Dali tikman mo kung ayos na ba ang lasa nito?'
Napabitiw si Imelda sa kanyang hinihiwang mga gulay at napaikot na lang ng mata sa nagmamadali nitong kapatid
'Ito na. Ito na'
Nginitian lang ni Alita si Imelda ng inirapan siya nito bago tinikman ang kanyang nilulutong poqui poqui
'Hmmm... ang sarap!'
'YES!'
Nabigla si Imelda sa paglundag ni Alita sabay napailing na lang ito ng natatawa bago muli siyang bumalik sa lamesa at muling naghiwa
'Ikaw Alita ah... nakakapansin na ko'
'Kahapon ka pa excited sa pagpunta ni Miguel dito'
'Umamin ka nga, may gusto ka sa kanya no?'
Hindi sumagot si Alita kaya tumayo si Imelda at lumapit ito sa kapatid para asarin ito
'Yiiiee... nagdadalaga na ang kapatid ko'
Namutla lang si Alita at sumimangot pero hindi pa din ito sumasagot kaya mas lalo pa siyang inasar ni Imelda
'Alita, ang tagal niyong nawala ni Miguel...'
'Baka mamaya may-
'Wala!'
Namumulang sigaw ni Alita kaya napatawa na ng malakas si Imelda. Tulad niya ay mestiza din ang kanyang kapatid kaya mas halatang halata kapag nahihiya ito
'Sows, dali na'
'Mag kwento ka na'
Hindi na mapigil ni Imelda ang kanyang pagtawa dahil sa pagkahiya ni Alita. Hindi siya sanay na mahiyain ang kanyang kapatid, napaka mapang asar kaya nito sa kanya! Well, payback is a bitch
'Ano? Nag kiss na kayo?'
Patuloy na pang aasar pa ni Imelda habang sinisiko niya ito sa baywang at habang tinataasan niya ito ng dalawang kilay
'Ano ba ate?!'
Inis at nahihiyang sabi ni Alita kaya niyakap siya ni Imelda
'Ayos lang magsabi ka sa'kin'
'Mas gusto ko nga kung open ka'
Mabuting pinag isipan ni Alita ang sinabi ng kanyang ate bago siya tumingin dito at nahihiyang tumango
'Oo... hinalikan niya ako'
Nginitian lang ni Imelda si Alita bago mas mahigpit pa itong niyakap
'Dalaga ka na nga'
'Ano naman ginawa mo? Hinalikan mo din siya?'
'Hindi'
Napakunot noo si Imelda bago niya hinarap ulit ang kapatid niya sa kanya
'Sinampal ko siya'
Napatawa ng malakas si Imelda at napahawak ito sa kanyang tiyan sa sobrang pagtawa
'Ang sakit ng tiyan ko sa'yo Alita!'
'Maldita ka talaga!'
'Bakit mo naman iyon ginawa?'

YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...