A/N: These two! My gad, when can these two get a break? 🥺
Enjoy reading... and crying!
Kanina pa naiinis si Josephine dahil lahat ng kasamahan niya sa pagamutan ay hindi pa dumadating, mag isa tuloy siya na nagbubuhat ng mga karton karton na kagamitang medikal
'Hay salamat, at dumating ka na din Imelda...'
Napatingin si Imelda sa bagong hatid na mga medical supplies
'Dali... tulungan mo nga ako buhatin at isalansan ang mga ito...'
Pinagpatuloy pa ni Josephine ang pagbubuhat ng karton habang hindi naman gumalaw si Imelda sa kanyang kinatatayuan
'Imelda?'
'Pwede paki tulungan naman ako?'
Naiinis na sabi ni Josphine habang buhat ang tatlong karton
'Ano Josephine... hindi kasi ako pwede magbuhat'
Napahinto si Josephine sa paglalakad at tiningnan si Imelda na nahaharangan ng kanyang karton na buhat
'At bakit biglang hindi ka na pwede magbuhat?'
Walang maisip na dahilan si Imelda kaya kumuha na lang siya ng maliit na karton at iyon ang binuhat
'Salamat Imelda ah...'
'Ang laking tulong niyan'
Nakairap na sabi ni Josephine. As if naman. Ang daming malalaking karton e, yung talagang pagkaliit liit pa talaga ang kinuha ni Imelda
'Huwag ka na nga magbuhat, Imelda'
'Buksan mo na lang yung mga karton na pinasok ko sa imbakan at isalansan yung mga gagamitin natin'
Mabilis na nagtungo sa storage room si Imelda at sinunod si Josephine. Panigurado naiirita sa kanya si Josephine dahil hindi man lang niya ito matulungan pero, kasi... kailangan niya mag ingat
'O, ano Imelda?'
'Pati ba naman pagsasalansan, hirap ka pa?'
Napatigil si Imelda sa pagkatulala ng pumasok si Josephine at nakita siyang walang ginagawa
'Josephine... pasensya na'
Inilingan lang siya na Josephine at pinagpatuloy ang pagsasalansan
'Ano ba nangyari sayo?'
'Huwag mo sabihin pinahirapan ka ni Ferdinand?'
'Sabihin mo sa kanya, magdahan dahan naman sayo para nakaka kilos ka pa din'
Natawa si Josephine ng magsalubong ang mga kilay ni Imelda
'Anong pinahihirapan?'
Mas lalo pa tuloy tumawa si Josephine
'Ito naman... kunwari pa'
Hindi talaga maintindihan ni Imelda. Halos wala na nga siyang kilos dahil si Ferdinand na lahat ang gumagawa sa bahay, at saka si Manang
'Ewan ko sayo, Josephine'
Napahalakhak na si Josephine sa napaka inosenteng itsura ni Imelda
'Naku Imelda... wag ako ah'
'Hindi makabuhat?'
'Sabihin mo nga... ano ba ginawa sayo ni Ferdinand at hindi mo pwede magalaw iyang mga binti mo at kamay'

YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...