A/N: Balik na ulit tayo sa seryoso, sana may humihinga pa sa inyo after ng final-final chapter ng GITM,IWI Hahaha
Enjoy reading!
Magkahalong saya at lungkot ang parehong nararamdaman nina Ferdinand at Imelda sa pagdating ni Jose. Masaya si Imelda dahil sa wakas ay nakabalik na ito pagkatapos ng mahabang panahon. Si Ferdinand naman ay makakasama na ulit ang kanyang mga kasamahan para matuloy ang kanilang mga plano. Pero malungkot sa parehong dahilan, ang pagbalik ni Jose ay nangangahulugan din ng nalalapit ng pag alis ni Ferdinand
'Ate?'
'Kuya pogi?'
Naghiwalay ng tingin ang dalawa sa pagtawag sa kanila ni Alita
'Mabuti naman nakabalik na siya, Alita'
Nakangiting sabi ni Imelda habang nakatingin lang sa lupa si Ferdinand
'Magbibihis lang ako at susunod na din kami ni Ferdinand'
Nagtaka si Alita sa sinabi ng ate niya. Bakit sila lang ni Ferdinand? Ibig sabihin ba ay pinapauna na siya nito? Magbibihis talaga siya na si Ferdinand ang kasama imbes na siya?
'Ah, sige...'
'Mauna na ko?'
Nakangiting tinanguan lang ni Imelda ang kapatid
Mabuting pinapanood ni Alita ang ate niya at si Ferdinand. Gusto sana niya magbiro at asarin ang dalawa kung hindi lang niya nakikita ang lungkot sa mga mukha nito
'Sige...'
Nagdadalawang isip ng lumakad paalis si Alita. Sigurado siya na pag uusapan ng lahat ang ate niya at si Ferdinand sa sabay nilang pagdating na mga bagong ligo. Gustuhin man niya na sabihin iyon kay Imelda ay mas minabuti na niyang huwag na lang dahil mukhang parehas na nasasaktan ang dalawa sa dinala niyang balita
'Hay, pag-ibig nga naman'
Naiiling na sabi ni Alita bago tumakbo pabalik sa bahay nila
.
.
.
'Tulungan mo na 'ko magbihis Ferdinand'
Napatingala si Ferdinand kay Imelda. Marami siyang pwedeng biro na sabihin sa request na iyon, subalit hindi niya magawa. Matinding kalungkutan ang kanyang nararamdaman kaya hindi niya makuhang ngumiti man lang
'Pwede bang ako na ang magtuyo sayo?'
Tanong ni Ferdinand pagkakuha niya ng sinabit niyang tuwalya
Hindi tulad ni Imelda ang klase ng babae na hahayaan lang ang kahit sinong lalaki na humawak sa kanya. Pero hindi naman kasi kahit sinong lalaki lang si Ferdinand. Aminado siya na malaki ang pagka gusto niya dito, at sa kung anong dahilan na hindi niya maintindihan ay, pinagkakatiwalan niya ito
'Oo, hindi ko pa din kasi maayos maikilos ang mga binti ko'
Kamay naman ang ginagamit sa pagtuyo at hindi binti, pero wala ng maisip na dahilan si Imelda para hayaan si Ferdinand sa nais nito
'Ang kapal at ang ganda ng mahaba mong buhok'
Napangiti si Imelda sa pagpuri na ginawa ni Ferdinand sa kanyang buhok
'Salamat...'
'Yung sayo din, makapal'
Tiningnan ni Imelda kung napangiti din niya si Ferdinand subalit walang emosyon na pinagpapatuloy lang nito ang pagtuyo ng kanyang buhok
![](https://img.wattpad.com/cover/297989026-288-k113641.jpg)
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomansaSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...