In the modern world, I guess believing wolves, vampires, giant, human-raven, and the likes are crazy. When I was in grade school I read some novels and stories about those creatures and it wakes my interest up. I even wish I'm an wolves, or vampires.
I even watched those twilight fanfiction and drools over Edward.
I am so fun of vampires along with werewolves.
I never thought that my wish of becoming one of them is in my hand right now.
Ang akala ko ay hanggang sa mga nobela lamang sila, sa libro, at mga comics. Hindi ko inakalang hanggang sa kapanahunang moderno ay matatagpuan ko sila. Nakakapangtaas ng balahibo. Ang isiping isa ka sa kanila ay nakakamangha pagkat nakakapanganib.Nagising ako sa kalabog sa kusina. I groaned. Ang aga aga naman ng mga pusa dito nambubulabog. Imbis na bumangon at tingnan ang kung ano sa kusina at tinago ko ang sarili sa ilalim ng aking kumot at muling natulog. Ngunit nang muling may kumalabog at sumunod ang mga nababasag na kagamitan ay napabalikwas na ako.
Kamot kamot ko ang aking batok ay tinungo ko ang kusina. Napahinto naman ako nang may nahagip na anino. Matatangkad na tao ngunit nang muli ko lingunin ay hindi ko na muling namataan. Inisip kong baka dahil lang sa bagong gising ako. Habang paparoon ako sa kusina kung saan nagpatuloy ang mga kalabog ay nakakunot noo na talaga ako. Ngunit nang binuhay ko ang ilaw doon ay wala namang kakaiba.
Humikab ako. Sa antok ay bumalik ako sa silid at ipinagwalang bahala. Ngunit nahinto ako sa malamig na hangin na humampas sa buo kong katawan. Nanayo ang mga balahibo ko sa batok kasabay niyon ang pag lipad ng kurtina sa may bandang veranda ng bahay.
Nakapasok ang ilaw sa malaking buwan na nakasiwang sa nakabukad na veranda.
Hindi ako matatakutin na tao kaya pinilig ko ang ulo ko at inisip kung binuksan ko ba ito? O nakalimutan kong isarado? Ewan. Baka nga. Kaya naman ay sinarado ko na lamang iyon at bumalik sa kwarto. Hanggang sa kwarto ay ramdam ko pa rin ang lamig sa hangin kanina na ikinataka ko. Hmm.
Nagkibit balikat na lamang ako.
Nawala tuloy ang antok ko.
Tiningnan ko ang orasan at napabuntong hininga. Mag aalas cinco na pala. Nireview ko na lamang ang dapat kung iulat bukas sa school. Napanguso ako. Ilang minuto pa ang ginugol ko para sa powerpoint.
Nang matapos ay agad akong nag luto ng aking agahan, matapos ay naligo saka nagbihis at kumain.
Napabuntong hininga ako nang natunton ko ang room ko. Nasa pinakataas na bahagi ng building kasi ang room ko ngayon sa first subject. Hindi ako nagamit ng elevator dahil na rin sa puno ito.
Napatingin ako sa reflection ko sa harap ng naka off kong phone. Agang aga ang haggard ko. Ano ba yan, Zafira. Ngumuso ako saka tuluyan na ngang pumasok sa loob.
Wala akong masyadong kaibigan dito. Hindi naman sa loner ako o walang may gusto sa akin dahil pangit ako o ano, basta lang walang tumatagal sa akin. May mga nakikipag usap naman pero alam mo yun? Side friend lang, kumbaga.
Hindi naman sa nagrereklamo ako at nag paawa dito, but that's the truth, nagising ako sa mundong hindi ko nasilayan ang ina ko. Like para akong predator na bigla bigla nalang sumulpot dito.
Pero ang weird kasi may bahay ako, malaki pa. May bank account, at 1 billion ang laman noon. Sakto lang na makapag aral ako sa pribadong paaralan at kahit hindi na ako magtrabaho ay kaya akong buhayin non.
Sabi nga ng isang abogado na siyang gumagabay sa akin mula nong bata ako ay kayamanan iyon ng mga magulang ko na kilalang business man/woman nong kapanahunan nila. Nong naakidente ay automatic na napasa'kin ang yaman nila. Well, nakapangalan sa akin lahat kaya wala ng problema sa pagtransfer nong nawala sila.
Hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang na sinasabi nila. At hindi ako malungkot doon kasi nasanay na. Mula ng magkamulat ako ay mag isa ako at isa sa isang araw lang ako binibisita ng abogado namin at mga anak nila kaya.....yun.
Kaya hindi na rin ako magtataka na wala akong kaibigan. Wala akong grupo kahit mayaman ako, hindi kasi ako sanay at panatag akong mag isa kompara sa marami.
Masaya naman ako sa buhay kong ito. Wala talaga akong reklamo niyon.
"May ginawa na namang kabulastugan ang anak ng Dean" rinig kong bulong ng mga kaklase ko.
Busy ako sa pag review ng mga gagamitin sa reporting. At ang kanilang tinutukoy na anak ng Dean ay si Levi. Isang gagong palaboy laboy sa mundo.
Napairap ako sa kanila. Hindi pa ba sila nasanay doon? Napailing ako. Dapat sa ganyang mga tao ay hindi pinapansin. You know? Kung pansinin niyo ang ganyang nilalang ay mas lalo lamang silang magpapansin at masisiyahan sila na nakuha nila ang atensyon mo. Kaya dapat hayaan sila at iwasan. Not worthy.
"Oo nga, rinig ko ang kanyang ginawa sa babaeng nerd, binato niya ng history book. Imagine, ang kapal kaya ng book natin sa history. Siguro may saltik yun sa utak, no? Nakakatakot " dagdag pa nong kasamahan niya.
What the f-!
Binato ng history book? Ang kapal non! Wala siyang sinasanto. Basta nakita ka niyang vulnerable ay agad niyang kunin ang pagkakataon para mapagtripan ka. He is so immature piece of shit! Anak pa siya ng Dean dito! Wala bang naturong maganda ang mga magulang niya?
Nagpupuyos ako sa inis at init ng ulo, naiimagine ko lang ang babaeng umiiyak, puno ng pasa dahil sa pagbato niya ng libro ay gusto ko na siyang bugbugin at gulpihin ang kanyang mukha. How could he do that to his target! Grabe na siya. Below the belt na!
Kinalma ko ang sarili ko. Ayokong makisali, gustuhin ko mang ipagtanggol ang babae. Hindi ko gustong magambala ang kapayapaan ng aking buhay at isipan dahil lang sa immature na lalaki. Disgusting. Ganyang tao dapat ang naging biktima sa mga chop chop na nangyayari ngayon at hindi yung mga inosente, tulad ng biktima niya.
Nanatili akong kalmado sa upuan ko nang biglang nagkagulo sa labas at nagtakbuhan ang mga kaklase ko sa labas upang makatsismis.
Alam ko na ang nangyayari sa labas......
Levi, disgusting immature piece of shit!
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...