Maya maya ang tingin ko sa kapatid ko na kanina pa manghang mangha sa mga ginawa ng dalawang mandirigma. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya kundi katarantaduhan.
"Shut it already bro" saway ko sa kanya pero tila hindi niya ako naririnig.
Panay parin ang talak niya. Natahimik lang siya nong umihip nang malakas ang hangin. Napatigil kaming lahat saka napatingin sa harapan.
"Wha the hell is that?" Bulong ko.
Mabilis na nag iba ang timpla ng mukha ni kuya na labis kong pinagtaka. Ganon din ang expression ng Commander at Captain.
"The hell are they doing here?" Pagalit na sabi ni kuya.
Tanaw na namin ang aming palasyon. Sa malaking kalupaan nito doon nag landing ang dalawang malalaking ibon.
Ibon? No.
It's a fucking dragon! Damn it! Anong kailangan nila sa amin?
"Seriously tho? Anong kailangan nila sa atin?"
Pag tutukoy ni kuya sa mag asawang dragon.
Hindi umimik ang mag asawang mandirigma at seryoso lang palagi ang expression. Nilingon ko si Zafira at pareha lang kanyang expression sa kanyang mga magulang. Napanguso ako. May pinag manahan.
"Ang mag asawang dragon." Bulong ng Captain.
Pabulong. Tiningnan ko silang pareho sa mata ni hindi ko makitaan ng takot ang mga iyon.
"Huwag lang talaga silang mag simula ng laban. Ayokong madamay ang mga inosente." Si Kuya na ngayon ay seryoso na talaga. Nawala na ang pagiging pilyo niya.
"May mga kailangan lang resolbahin ang mga dragon hinggil sa nangyayari sa atin ngayon. Siguro ay nagsumbong ang mga nakaligtas na rebelde sa kanila." Ang Mama ni Zafira.
"Alam naman nating ayaw ng gulo ng mga dragon. Hindi maaaring itulak ang kanilang mga pasensya, kung meron man sila niyon." Pagpapatuloy nito.
"Huwag kayong matakot. Ipagpatuloy ang paglalakad."
Iyon nga ang nangyari. Habang papalapit kami sa aming kaharian ay rinig namin ang ismid ng dalawang dragon.
I stared at them blankly the moment they saw us coming.
Si mommy ay agad nanlaki ang mga mata nang nakita kami. Mabilis siyang nakalapit sa amin. Ang buong akala ko ay ako ang kanyang yayakapin ngunit hindi. Ang Commander pala.
Natawa si Zafira sa naging akto ng Reyna. Ngumuso ako. Kainis lang.
"I knew it!" Patili niyang sabi.
Agad naagaw ang atensyon namin sa dragons na nakatingin na sa amin. Naghahandang lumaban o sadyang ganyan lang ang kanilang mga tindig.
"Mom, the fuck are they doing here?" Nagtagis ang bagang ko. "I'm not expecting any bloody come back, Mom." Tamad akong tumingin sa dalawang dragon.
"Ssshh, baby. Hindi sila nandito para makipaglaban. Look at them."
Agad naman akong napatingin pero mas lalo lang along na buryo nang wala man lang nagbago sa kanilang tindig at expression. Ganon parin. Tila ready na ready nang lumaban.
Ngumuso si Zafira nang bigla siyang niyakap ni Mommy. Naiilang siyang ngumiti.
"I'm glad you're back. With your family." Ngiti ni Mommy na agad naman niyang sinuklian nang pekeng ngiti.
Giniya niya kami sa loob. Naiwan ang dalawang dragon sa labas. Panay lingon ako sa kanila. Baka sakaling aatake sila pag nakatalikod kami.
"Hindi yan." Si kuya sa likuran ko.
"Naniniguro lang, Kuya."
Tumango lang siya sa sinabi ko saka nauna nang naglakad sa akin. Sinalubong siya ng kanyang anak at asawa. Iniwas ko ang tingin ko doon.
"Magbihis muna kayo at pagkatapos ay sabay tayong mag agahan." Sabi ni Papa.
Ngumuso ako. Ayokong magkalayo kami ni Zafira. Naiiyak ako. Damn.
"M-mom, can I--"
"No. Hayaan mo siya mag isa." Matalim ang mata ni Papa na pumutol sa akin.
Nilingon ko si Zafira. Kanina pa siya tahimik. Ngayon naman ay matalim ang tingin sa akin. Napabuntong hininga ako.
"Magbibihis lang naman ako, Levi. Masyado ka namang oa." Pambara niya sa akin.
Ang unfair talaga. Bakit parang mamatay matay ako pag nagkalayo kaming dalawa. Pero parang wala lang sa kanya.
"Sige na lang" ngumuso ako na ikinangiti niya.
"Grabe 'to. Hindi naman kita iiwan." Tumawa na talaga siya. Mas lalo lang akong nainis. Katawa tawa ba ang nararamdaman ko? Nakakainis.
"Sige na." Saka siya umalis kasama ang kanyang mga magulang.
Tapos na akong maligo. Nakapag ayos na din ako sa aking sarili. Mag dadalawang oras na at hindi pa rin lumabas si Zafira. Nandito naman na ang kanyang parents. Bakit hindi pa siya lumabas. Naiinip na ako. Gusto ko na siyang makita.
"Na saan na po ba ang anak ninyo? Bakit matagal?"
Nakita kong ngumiti ang Captain. Pansin ko rin. Masyadong nagmana si Zafira sa kanyang ina. Minsan lang nangiti. Namana niya naman sa kanyang ama ang porma ng labi lalo na pag ngumingiti.
"Nasa loob pa. Tagalan ata sa pag bihis."
Ngumuso ako. Hindi ako kakain hangga't wala pa siya. Hindi ko kakayanin.
"Kalma anak. Hindi mawawala si Zafira." Humagalpak ng tawa si Mommy.
"Sanay kasi siyang siya ang masusunod. Kaya ngayon, anong pakiramdam na ikaw yung napapasunod?" Pangungutya ni kuya sa akin.
"Akala mo naman hindi ka under ng asawa mo!" Banat ko pabalik.
"Huy bunganga mo ah!" Inambahan niya pa ako ng tusok sa kanyang tinidor.
Binato ko siya ng apple na agad niya namang nasalo. Mabilis niyang binato pabalik sa akin iyon. Binato ko ulet sa kanya ito.
"Tumigil ka nga. Immature. Baka iiwan ka ni Zafira niyan." Sabay bato niya ulet sa prutas.
Mas lalo akong nagalit kaya mabilis ko siyang pinuntahan sa pwesto niya at dinampot ang kwelyo niya.
"Bawiin mo sinasabi mo." Madilin kong bulong sa kanyang tenga. Tatawa tawa lang siya. Halatang nag eenjoy sa ginawa sa akin. Langya!
"Ayoko nga."
"Damn!" Tinapon ko siya sa ding ding. Tumilapon siya doon at mabilis siyang tumayo. Humagalpak ulet siya ng tawa kaya lalo akong na inis. Ramdam ko ang init ng aking mga mata kasabay ng pag pula nito.
Handa ko na siya atakehin ulet ng natigil ako sa papalapit na amoy.
Lumingon ako sa banda doon at nakita ko nga si Zafira na walang emosyon ang mga matang nakatingin sa akin. Nilipat niya ang kanyang tingin kay kuya na pinagpag ang damit dahil sa alikabok.
"Uh-oh." Pang aasar niya ulet sa akin.
"Zaf..." Isang kisap mata lang ay nasa leeg na niya ang ilong ko. Inaamoy ang bango niya na nakakapag kalma sa galit ko ni kuya.
"What's wrong?" She said softly.
I purred. As if a little kitten.
"Si kuya kasi..." Sumbong ko sa kanya na parang bata.
I heard her chuckled.
"Saka ang tagal mo. Kanina pa kita gustong makita. Hmm. Bango mo. I want to eat....you."
"Shut up." Tinulak niya ako saka siya nag lakad tungo sa lamesa. Binati niya ang hari at reyna pati na rin sina kuya.
Matalim ang tingin ko kay kuya na tatawa tawa lang.
"Stop it you two." Mando ni Papa.
Hinawakan ni Zafira ang kamay ko kaya agad akong nakalma.
YOU ARE READING
A White Warrior
Hombres LoboSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...