CHAPTER 3

12 3 0
                                    

Hindi sekreto ang ano ang meron ako. Pero hindi rin hinahayaang malaman ng kung sino ako. Isa ako sa anak ng pinaka ma impluwensyang tao sa buong mundo. Namatay ang parents ko dahil sa isang ambush, dahil sa katunggali nila sa negosyo. So far iyon ang nalalaman ko. Bata pa ako nang nangyari iyon. Kaya wala akong magulang habang lumalaki ako. Tanging kasambahay, abogado, driver at gwardya sa bahay at business namin ang nakakasama ko.

Sa kadahilanang baka hanapin ako ng mga may pakana sa pagkamatay ng mga magulang ko ay higpit na pinagbabawal ang ikwento at malaman ng kusa kung saan ako nanggaling at kung ano ang kaya ko.

Kaya ang makita siya rito para magsaliksik tungkol sa kaaway niya, which ako, kinabahan ako.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Nawala na ang postura kong kalmado lamang.

Kung hindi ako mag iingat ay hindi lang sarili ko ang maipahamak ko. Pati na ang mga tauhan ko at may pamilya sila.

"Nothing." Nang iinis niyang sabi. "You love your life?"

Confused. "uh-huh?"

Natahimik siya at nakatingin lamang sa akin. Hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos at lumingon ako doon. Sa loob ng bahay ay papababa na si Manong Eddie dala ang mga inutos ko.

Binalik ko sa kanya ang tingin. Nanlaki ang mga mata niya. "Narinig mo?"

Confused again."Si Manong? Oo? Natural may tenga ako, tsk"

Natawa siya. Full of relief.

"Ang layo kaya nong bahay nyo tas si Manong nasa loob, tas narinig mo pa?" Masayang masaya siya sa sinasabi niya. Baliw ba siya?

"Then? What's so special?" Naguguluhan ako.

Natigilan siya at bumalik sa dati ang kanyang expression. "Nothing"

Natahimik muli siya at tila malalim ang iniisip.

Nilalamig ako. "Pumasok kaya tayo?" Wala sa sarili kong sabi.

Natigilan siya. "You let your enemy enter your mansion?"

Exaggerated. Anong mansyon? Maliit nga lamang iyan!

"Wow! Maliit pa yan sa lagay na yan?" Pasigaw niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Wait, I'm thinking out loud? Bakit niya nalaman ang iniisip ko? Damn?

"Are you a mind reader?" Hinawakan ko siya para mapigilan sa pag lalakad. Ngumisi siya sa akin na tila ba may tinatago. "Kinda" sagot lamang niya saka nagkibit balikat.

Pinilig ko ang ulo ko at naguguluhan sa kanya. Nakapasok kami sa bahay. Nakasuot na siya ng kanyang jacket na bigay ko pati bota. He looks cute with those.

Napabuga siya ng kape at agad namula ang pisngi.

"You really are immature and unformal, kid" inirapan ko siya. Nasa hapag kami. Mataas na hapag kainan. Siguro'y insakto ang 150 ka tao. Pero ang laman lamang niyon ngayon ay kaming tatlo ni Manong Eddie at Levi.

Pinakilala ko na siya kay Manong. Hindi ko naman pwedeng sabihing kaaway ko sa school kaya sinabi ko nalamang na kaibigan ko.

"I am not. Your mind are too open. Please learn how to close it."

Confused for the third time. What? Pansin ko ang pag tingin ni Manong sa kanya. Wala namang emosyon iyon na madalas niyang ginagawa pag may stranger.

"You're weird." Sabi ko sa kanya. Sabay kuha ng tinapay na galing pa sa Europe.

"You too" he smirk and I rolled my eyes for that.

Ilang minuto pa ang ginugol namin doon. Biglang tumunog ang intercom doon hudyat na nadon na ang mga tauhan namin sa negosyo.

"What's that?"

Sinenyasan ko si Manong na ipadala sa attic si Levi ng hindi siya mangulit sa gagawin naming pagpupulong.

"Hey!" Sigaw niya pero hindi ko siya nilingon habang papaakyat sila sa attic namin.

Isa isang nagsidungguan ang mga nakacoat na businessman/woman. Parehong naka coat ang lahat na animo'y uniform nila ito.

Nang nakarating sila sa harap ko ay nag form sila ng linya at dahan dahang bumati.

Sa murang edad ay natuto ako sa lahat ng gawain sa aming negosyo. Kaya naman ngayon college na ako ay mas lalo akong hasa sa pagpapalakad ng negosyo.

How much more if I graduated. I smirk.

"Maupo po kayo"

Mando ko sa kanila. Kahit naman na ako ang may ari ng kompanyang pinagtatrabahuan nila ay hindi ibig sabihin na mawala na ang galang ko sa kanila. Kaya kahit sabihin nilang wag nalang akong mag "po" ay hindi ko ginawa. After all, mas matanda naman sila sa akin.

Sinimulan namin ang pag pupulong, isa isa nilang inulat sa akin ang mga nangyayari sa kanilang isa isang asign na trabaho. At nasisiyahan akong walang masamang nangyayari sa negosyo ng mga magulang ko.

Hanggang sa huling ulat ay mabuti ang naging takbo ng negosyo ng mga magulang ko. Kung sana nandito sila ay mas lalo lang itong mabuti. At sana kung nasaan man sila ngayon ay proud sila sa akin.

Proud sila sayo. Napaigtad ako sa boses na narinig ko sa isipan ko. Pinilig ko ang ulo ko at napapikit. Takteng isipang yan pati si Levi nakikialam na! Hindi ko naman siya masyadong iniisip ah. Baliw na ata ako.

Nagsitayuan ang lahat pati ako, syempre. Nagkamayan kaming lahat at nagpasalamatan.

"Huwag muna kayong aalis. Nagpaluto ako ng hapunan nating lahat"

Nagsaya ang lahat. Oo, nagpaluto ako, Hindi masyadong halata dahil nasa malayo layong parte ang kusina sa aming pinag pupulungan kaya yun.

Kumain kaming sabay lahat. Nag siuwian na ang lahat nang naalala kong may kaaway pala ako ditong tinago. Wtf!

Oo kinalimutan mo ako. Wala kang puso. Hindi mo man lang pinakain. Muli kong pinilig ang ulo ko. Hindi ko maaaring marinig ang boses ni Levi sa isipan ko. Pati pag mamaktol niya ay naririnig ko. Ano bang nangyayari sa akin?

"Manong pakibaba ng kaibigan ko"

Ilang minuto at bumaba na sina Manong kasama si Levi. Walang gana siyang naglalakad at tila nababagot.

"Kumain ka na" wala sa sarili kong sabi sa kanya. Ningisihan niya ako ng nakakainis kaya umiwas na lamang ang mga mata ko.

Ayoko ng gulo. Lalo na sa pamamahay ko.

Pinakain siya ni Manong at ganon na lang ang pagkabigla ko sa lakas niyang kumain! Nanlaki ang mga mata kong tanaw siya.

"Hinay hinay lang naman!" Gulat kong saway sa kanya. Inangat niya lamang ang kanyang tingin at nag smirk sa akin. Saka niya pinatuloy ang pagkain. Tila hindi siya nabubulunan noon.

Ibang klase.

"Ganon talaga kumain ang mga l-"

"Ginoo...." Pag putol ni Manong Eddie sa kanya. Naguguluhan ako sa kanilang dalawa. "Kumain na lang po kayo" sabay ngiti nito sa binata.

Napairap ako sa kawalan. Ang weird nilang dalawa.

Matapos niyang kumain ay dumiretso ako sa kwarto ko doon at nagbasa basa ng mga libro ko nong kabataan ko. Hindi talaga nagbago ang taste ko pagdating sa libro. Gustong gusto ko talaga iyong mga fiction. Mga hindi totoo. Yun bang mga vampires, wolves, duwende, mga human-raven and the likes. You know it's quiet interesting.

Ano kaya feeling kapag isa ka sa kanila?

Isa ka naman talaga sa kanila, tsk. Napatalon ako sa higaan nang narinig ang boses ni Levi sa isipan ko.

Nagulo ko ang buhok ko sa inis. Bakit pati dito ay naririnig ko ang boses niya? Nakakainis! Simula ata nong nag kaengkwentro kami ay hindi na niya tinatantanan ang isipan ko.

Iniwaksi ko na lamang iyon at patuloy sa pag babasa. Buti na lang at hindi na ako ginambala ng sariling isipan na maririnig ang kanyang boses. Nakakarindi kaya no.

Isang kaaway ko ba naman siya e.

Dahil siguro sa pagod sa ginawa ko ngayong araw ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.

A White WarriorWhere stories live. Discover now