I'm a vampire. Half vampire half wolf.
Nagkatitigan kami. Nagtatanong ako sa isipan ko kung bakit ko naririnig ang sinasabi niya. Hindi naman siya nagsasalita.
"Vampire ka? Half wolf?"
Tumawa ako itutulak ko na sana siya pero humigpit lamang ang kanyang hawak sa akin. Naiinis ako.
"Ako ba ay niloloko mo, lalaki?" Seryoso na ako ngayon. "Saka bitawan mo nga ako" masama na ang tingin ko sa kanya. Kahit alam kong gusto ko sa bisig niya. Damn it. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Muli niyang nilanghap ang amoy ko saka siya umatras ng ilang inches lamang. Ngumuso ako. Lumayo nga siya ilang inch lang naman. Gagu!
"I'm telling the truth. Sige nga paano nagagawa ng tao ang nalaman mo sa aking wolf ako?"
Natigilan ako. Narinig ko kasi ang boses niya sa isipan ko. Kaya baka yun din ang totoo.
"But it doesn't justify that you really a wolf." Kibit balikat ko.
"Wait, nagsasabi ako ng totoo dito, dahil sabi mo sa isipan mo, ano ako. Kaya sinagot kita gamit ang isipan ko na wolf ako. Half. And it's not my concern right now. It's about you"
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako?
"Me? No way. I am no vampire" but i wish i am.
"Yes, hindi ka nga bampira. Wolf ka naman, tsk"
Natawa lalo ako. "Anong wolf ba pinag sasabi mo? Wala ng mga ganong nilalang sa panahon ng moderno. Hindi na sila nag eexist" hinimas ko ang sugat kanina na ngayon ay parang hindi ito nasugatan.
"Well we exist" simplehan niyang sabi.
"Hindi nga, kulit mo naman. Kakabasa mo lang yan ng mga fiction. Ganon ako minsan. Iniisip ko na bampira ako or wolf pero hindi ko naman pinagpilitan sa iba na ganon ako. Iisipin nilang baliw ako"
Nakatitig lang siya sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya. Humor is evident in his expression right now.
"I can show you right now" sumeryoso ang boses at mukha niya.
Nababasa ko rin na determinado siya sa sinasabi niya. Bigla akong kinabahan. Baka hindi siya nagbibiro. Baka totoo ang mga sinasabi niya. Ayokong malaman ang totoo. Pero kalahati ng katawan at isipan ko ay nagsusumigaw na pumayag.
Pero umiling ako. Hindi. Walang ganon sa mundong ito. Puro haka haka lamang ang lahat na iyon at gawa gawa ng malilikahaing isipan ng manunulat.
"Hindi. Ayoko. Nadadala ka lang sa mga nakikita mong television at mga nabasa mong fiction." Iiling iling kong sabi.
Nagbuntong hininga siya at hinayaan akong umalis sa harapan niya. Kinabahan ako doon. Pero impossible na isa ako sa matagal ko ng gusto na sana isa akong wolf or vampire.
Ang maniwala sa kanya ay kahangalan pagkat isa siyang mapaglarong lalaki kaya it's a big no. Mapaniwala niya ang mga bato but not me.
What if totoo?
Hindi nga totoo yun kulit!
Pero paano nga pag totoo.
Napapikit ako sa pagtatalo ng aking isipan. Walang ganong nilalang. 21st century na tayo at walang ganon sa ngayon. Malamang noon mayron pero ngayon napaka impossible.
"I won't force you to believe me. But time will come. You're going to shift and you need my help for that. I swear." Seryosong seryoso siya sa kanyang sinabi.
Inaasahan kong prank lamang iyon. Parte ng kanyang pagiging gagu pero umabot ang dalawang araw, tatlo, at hanggang sa isang linggo ay hindi niya binawi ang kanyang sinabi.
Hindi ko na siya muling nakita. And I hate myself that I wanted to see him. I don't know what happened to me.
Hanggang sa paaralan ay hindi ko na siya nakikita. May isang subject kaming magkaklase at wala siya doon. Hindi man lang siya hinanap ng mga teacher. Ang Dean na kanina'y natagpuan ko ay hindi ko rin bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala na wala ang kanyang anak sa paaralan.
Expelled na nga ako.
Narinig kong sabi niya sa aking isipan. Iniwaksi ko iyon at nagpatuloy sa pag aaral ko.
Hindi ko na nakayanang hindi magtanong sa mga kaklase ko.
"Uhm, excuse me. Narinig nyo ba ang nangyari doon kay Levi?"
Nagtinginan ang lahat ng mga kaklase ko sa akin. Nalilito sa aking sinasabi saka sila mahinang natawa. Namula ang pisngi ko. May nasabi ba akong joke?
"Levi? May nag aaral ba dito na may ganyang pangalan?" Sabi ng president namin. Saka siya ngumiti sa akin.
"Ah oo yun bang bully? Na nantrip ng mga estudyante?" Ani ko.
"Ha? Wala namang bully dito sa campuss, Gab" nalilito nilang sabi sa akin.
Anong wala? Napagtripan nga ako non e.
Hanggang sa pag uwi ko ay iniisip ko ang mga naging sagot at reaksyon ng mga kaklase ko. Bago ako kinuha ng driver ay dumiretso muna ako sa faculty. At nagtanong.
"Miss, nakapasok ba ulet yung na suspend?"
Tinaasan ako ng kilay ng guro na iyon. "Anong pangalan?" Tanong niya.
Sinabi ko ang pangalan at hinanap niya sa may listahan. Pero umikot ang kanyang mata sa akin. "Walang nag aaral na Levi dito."
Nanlaki ang mga mata ko. Anong wala meron kaya. Ang sama naman at nilimot nila yung tao kahit suspend.
"Yung anak ng Dean, miss. Na bully siya?"
Desperadong desperado akong malaman kung nasaan siya.
"Miss, wala nga. Walang Levi kaming kilala na nasuspend. At isa pa walang anak ang Dean natin. Umuwi ka na lang"
Wtf! Ano! Walang anak? Ano pala niya si Levi? Katulong? Pamangkin? Ano?
Kinabahan na ako. Nababasa ko ito sa mga novels ko noon. Nawawala ang isipan ng mga tao na nakasalamuha ng isang bampira o wolf. Para sa kapayapaan. Hindi ko alam kung bakit nanindig ang balahibo ko.
Hanggang sa pag uwi ay yun ang iniisip ko. Matapos kong gawin lahat ng aking assignments ay yun ang nagpapagod ng aking isipan hanggang sa makatulog ako.
Muli akong nagising sa kumalabog sa veranda. Noong una ay sa kusina ngayon naman ay sa veranda. Kumunot ang noo ko at tiningnan iyon.
Sumiwang ang buwan sa bukas na veranda sa kwarto ko. Hindi ko alam kung naisarado ko ba ito.
Bago ko ito muling sinarado ay napatingin ako sa malawak na bakuran namin. Nasa malaking bahay ako since malapit ito sa school.
Hindi ko alam ang nangyari sa akin ng nakaramdam ako ng pakiramdam na gustong tumakbo ng tumakbo sa bakuran ko. Pinilig ko ang aking ulo at pinigilan ang sarili. Gabi na kasi. Baka bukas na lang. Hindi ko alam, pero ngayon ko pa ito nararamdaman.
Nahahalina ako sa lapad ng bakuran at gusto kong talunin ang taas ng kwarto ko papunta doon.
May isang boses akong narinig sa sarili ko. Let's run, Zaf.
Napaigtad ako niyon. Sino yun? Ngunit hindi na muli iyong nagsalita. Ang weird ng mga nangyayari sa akin. Simula ata nong nagkatagpo kami ni Levi.
Sa pagbigkas ko ng pangalan niya ay may parang nanlumo sa kalooban ko. Muli akong naweirduhan sa katawan ko. Ano ba ang nangyayari.
Sa kagustuhan kong tumakbo sa bakuran ay pinigilan ko ang sarili at hindi na muling tumingin doon. Sinarado ko ang veranda at muling natulog.
Ang inaasahan ko ay makatulog ako ngunit bigo ako sa sariling expectations. Hindi na muli akong nakatulog at kung saan saang parte na lamang napunta ang aking tenga sa pakikinig sa mga crickets sa labas.
Hindi ako naweweirduhan sa talas ng aking pandinig dahil ganon na ako simula nong nakamuwang ako sa mundo.
Hanggang sa napagod muli ay nakatulog din ako sa wakas.
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...