Zafira Gabriella Brooks
Ako lang ang naiwan sa loob nang lahat sila'y nakialam sa nangyari sa labas. Wala akong pakialam sa mundo kaya imbis na gumaya sa kanila ay nag basa na lamang ako ng storya na kung saan ang paborito kung genre, ay mga lobo at bampira. It's so interesting and how i wish i am a wolf or much more better if I am a vampire. Ang ganda ko siguro pag bampira ako.
Hindi ko napigilang mapangit sa sarili. Kontento na talaga ako dito na kahit libro, novels, at mga comics lang ang hawak ko ay masaya na ako.
Mapayapa kong binasa gamit aking mata ang librong hinawakan, walang disturbo dahil nasa labas lahat ng kaklase gaya ng nasa ibang section.
Ilang pahina pa lamang ang nabasa ko ay kumalabog ang dibdib ko kasabay niyon ay ang pag lakad ni Levi sa direksyon ko. Alam kong nakatingin siya sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, alam ko ring umaapoy ang kanyang blue na mata ngayon.
I just know, kibit balikat ko sa sariling isipan.
Nang naramdaman ko na ang kanyang presensya sa harap ng inuupuan ko ay hindi ako nagkamali sa sinasabi kanina. Nag aapoy nga sa galit ang kanyang mata at nakakamatay iyon. Well, exaggerated.
Inangat ko ang aking tingin sa kanya at buryo lamang iyon.
Hindi niya ako masisindak.
"What's your name?" Ang lamig niyang magsalita, na tila ba galing siya sa freezer. Ang corny ko mag joke. Tsk.
"Zafira" walang ganang sambit ko at muling nag basa. I'm aware with my environment.
Every two set of eyes are looking at us, expecting Levi to crashed my bones like what he did to the poor girl, lately. And I guess he's done with her and he is here right now in front of me to make me his new toy or target. Nagkibit balikat ako.
I'm not interested with his game so no no.
Pahaklit niyang kinuha ang libro kong binasa. Napasinghap ang audience. Mapakla akong natawa sa isipan ko. Ang tagal namang dumating ng teacher namin.
"May teacher ba tayo ngayon?" Tanong ko sa president naming gulat sa biglaang pagtatanong kong kalmado sa gitna ng kapahamakan ko dulot nitong lalaking to.
"A-absent si Miss, Gomera" utal niyang sagot sa akin.
Bigla silang lahat sa pinakita kong pagkakalma kahit nasa harap ko na ang kinatatakutan ng lahat na mga weakshit dito sa University.
So walang reporting na magaganap ngayong first subject dahil walang teacher. Great!
Sa kalagitnaan ng pagsasaya ko ay ang pag hampas ni Levi sa armchair ko dahilan ng pag talon ng mga gamit ko doon.
Ngayon ang kalmante kong postura ay nabahiran na ng pagka inis. Pero hindi ko pinahalata, pag nahalata niya iyon ay iisipin niyang nagtagumpay siya sa paninindak sa akin.
Ha! Manigas ka jan, Levi!
"Aren't you afraid of me?"
Ha? Siya katatakutan ko? Bakit? May powers ba siya tulad ng bampira? Wolf ba siya? Kung ganon ay hindi rin ako takot sa ganon. Sorry ka na lang, Levi.
Pero imbis na sabihin sa kanyang mukha iyon ay pinili kong maging inosente na lamang.
"Hindi, bakit naman ako matatakot sayo? Wala namang nakakatakot sayo" magaan ang pagkasabi ko niyon na hindi niya iisiping insulto yun sa record niyang pagiging bully.
Dumaan ang gulat at kunting saya sa kanyang mata pero agad iyong napalitan nga asar at galit.
Oh?
"Hindi ka ba takot na masaktan?" Bulong niya sa tenga ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
Pinantayan ko ang kanyang titig at inosenteng sumagot. " Ahh, hindi mo naman ako sasaktan, right?"
Gulat ang rumerehistro sa kanyang mukha at hindi na niya muling naiangat ang kanyang mukha. Nagkatitigan kami.
Nakita ko ang buong mukha niya, simula sa labi na nakaarko iyon animo'y pana ni kopido, mapupula ang mga iyon, ang kanyang ilong na sobrang nipis at taas, at pisngi niyang maputi at manipis din na, nakadepins dahil sa kanyang panga na perpekto, at ang kanyang mga makakapal na pilik mata, na nakapalibot sa blue niyang mata.
Hindi ko rin nagawang kunin ang paningin sa kanyang matang may bahid iyon ng lungkot, pagkadismaya, at pangungulila.
Kumurap ako dahil sa panandaliang pagbabago niyon ng kulay. Galing sa blue ay naging pula.
Baka, joke lang ng mga mata ko yun. Minsan kasi may nakikita akong maliliit na bagay na imposibleng makita.
"Sigurado ka bang hindi kita sasaktan?" Aniya.
Ako na mismo ang lumayo sa kanya at nagbuntong hininga.
"Hmm, nasa iyo naman iyan. Just think before you act. Wala naman akong atraso sayo. Baka nga ikaw pa merong atraso sa akin" sabay tingin ko sa libro ko na inapakan niya at napunit ang cover niyon. Sumakit ang dibdib ko sa nakita. Inapakan niya lang naman ang kaibigan ko. Fuck you, Levi!
"Wala akong atraso sayo" madiin niyang sabi habang diniinan pa lalo ang pag apak sa libro ko. Napapikit ako sa kanyang ginawa. How dare he!
"Well, wala pa. Pero pag ipagpatuloy mong apakan ang libro ko ay magkakaroon ka na nga ng atraso sa akin" nanggagalaiti na ako sa inis. Kanina pa ako gustong pumutok sa galit at mabigwasan ko na siya.
"Huwag mo akong hamunin, babae" nakakaasar ang kanyang ngiti. Mas lalo lamang akong nagalit at rinig ko ang pag singhap ng mga kaklase ko.
Nginisihan ko rin siya. Ngayon ay nakatayo na ako at pinantayan ang kanyang titig.
"Hindi kita hinahamon, lalaki. Ikaw ang nanghamon dito. Kung maaari sana'y wag mong gambalain ang payapa kong pag aaral" sabay ngiti ko sa kanya.
"Gusto ko ang pagiging palaban mo, babae"
"Hindi nga lang kita gusto, lalaki" sabay ngisi ko din na gaya sa kanya.
Dumilim ang kanyang tingin sa sinabi ko at alam kong gusto na niyang manakit.
Tinitigan ko siya sa kanyang asul na mata at ganon din siya sa akin. Hindi ko mawari bakit habang tinitigan ko siya ay ganon na lamang ang paglakas ng tibok sa puso ko. Ang it's frustrating. As if I am afraid of him. Hell no!
Umiwas ako ng tingin sabay ngisi. "Alam kong sawa ka na sa mga pinagtitripan mo, pero hindi ibig sabihin non na maghahanap ka ulet ng iba pa. Hindi ka ba nahihiya? Kolehiyo ka na at lalaki pa, pero bully ka?" Kinunot ko ang aking ilong "Isn't it disgusting?"
Mas lalong suminghap sa gulat ang mga audience. Siguro hindi sila makapaniwala na sinagot sagot ko ang anak ng Dean. Wala rin namang pakialam ang Dean sa kanya na parang hindi siya anak nito.
"Bakit ako mahihiya, kung ang pagtitripan ko ay ang sing ganda at tapang mo? Siguro nga'y mas lalong maging intresante ang araw araw kong pag punta dito dahil nakakita na ako ng katunggali ko"
Nawala ang emosyon sa mukha ko na, kinaatras niya. Hindi ko alam bakit siya napaatras ng isang hakbang.
"Wala akong ginawang masama sayo. Lubayan mo ako at hindi mo magugustuhan kung anong mangyayari sa pamilya mo pag ginulo mo pa ako.
"Who are you kidding, lady? Sino ka ba?"
Walang kaalam alam ang lalaking ito.
Nginisihan ko siya. "It's your job to search an information of your enemy, right kid?" Tinawag ko siyang kid dahil pambata ang ugali niya.
Mas lalo siyang nainis. "Consider this day as your lucky day. I'll make you win this time" inis niyang saad at pahampas na nilagay ang librong punit sa lamesa ko.
Sinundan ko siya ng tingin nang hindi ko na tanaw ang bulto niya ay don lang ako nakahinga ng normal. Having him near me is suffocating.
Huli na ng naramdaman ko ang kaba dahil sa lalaking iyon.
I am expecting tomorrow, there's something shit will happen to me. Damnit!
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...