Sa paggising ko ay agad akong pumunta sa banyo at naligo. Nang natapos ay dumiretso ako sa baba at nakahanda na nga doon ang agahan ko.
Hindi lamang iyon ang naka agaw ng pansin ko. Isang lalaking nakaupo sa harap kong upuan sa dining table. Naka panglubaba at nakangising nakatingin sa akin.
Ramdam ko ang excitement sa aking kaloob looban. Muntikan ko ng ipakita iyon sa kanya buti na lang at naalala ko na kaaway ko yan.
"Good morning, My lady" salubong niya sa akin. Nakayuko na siya. Nakalahad ang kanyang kamay na parang hiningi niya ang aking kamay.
Binigay ko ang aking kamay. Hinalikan niya naman iyon na ikinunot ng noo ko. Ang weird niya at gusto kong matawa sa kanyang asal ngayon.
"At bakit nandito ka?" Nakataas ang aking kilay.
Ang bilin ko sa aking mga kasambahay na kung may taong hindi nila kilala ay huwag papasukin. Nakagawian na namin iyon. Dahil na nga sa seguridad. Ngayong nandito siya ay hindi ko alam paano siyang nakapasok.
"I sneak in. Hehe"
Lalo lang akong nainis sa kanyang pag ngisi ngisi sa akin. Nakakairita. But, well it lighten my mood.
Sa isang linggong hindi niya pagpapakita ay wala ako sa gana. Na halos ba manghina na ako. Hindi ko kinaya na hindi siya makita. Gusto ko iyong nandyan lamang siya at nang iinis. Ngumuso ako. Ang weird ng pakiramdam ko.
"Bakit?"
Tinaasan niya ako ng kilay sa naging tanong ko. Yumuko ako at inabala sa pagkain ang atensyon. Naalala ko na naman ang nangyari sa paaralan. Hindi siya kilala ng lahat at sabi nila'y walang nag ngangalang Levi doon. Impossible.
"Binura ko ang mga alaala ng lahat ng tao na nakasalamuha ko" pasimple niyang sabi at nagsimulang sumubo.
Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Huwag ka ngang magbiro kapag nasa gitna ng seryosong pag uusap"
"Who said I am kidding?" Natatawa niyang sabi sa akin. Ngumuso ako.
"Kung inalis mo ang alaala nila which is so freaking impossible, bakit hindi naalala kita?" Inirapan ko siya. Duh.
"That explains it" sabay subo niya. Ang lakas talaga niyang kumain.
"Explain what?" Inis kong sabi. Ang labo niya. Baka pinili niya lamang na hindi mawala ang alaala ko dahil gusto nga niya akong pagtripan.
"Really, Zaf? Ang hina naman ng logic mo" sabay irap irap niya. Ginagaya ang ginawa ko kanina. Mas lalo akong nainis pero gustong tumawa.
"Ang labo mo kasi. Gagu"
"Woah! Ako pa ang malabo. Ikaw nga itong hindi naniniwala. Sabi ko binura ko ang ala ala ng mga taong nakasalamuha ko. Anong malabo don" sabay kain niya naman. Hindi nag papadisturbo. Napatingin ako sa lakas niyang kumain. Ilang araw ba itong walang kain?
"Eh bakit nga hindi nawala ang sa akin! Pinili mo lang yan kasi gusto mo akong pag tripan."
"Hala, feeling tao ka? Bakit tao ka ba?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Anong- Oo naman tao ako. Baliw na to!
"Isa pa, pag sinabi kong lahat ng tao. It means lahat. Walang pili pili. Bakit kaya hindi nawala ang ala ala mo sa akin?"
Tapos na siyang kumain at nakasandal sa kanyang upuan. Samantalang ako ay hindi magalaw galaw ang pagkain dahil sa kabaliwan niyang sinasabi.
"Kasi pinili mong hindi mawala para pagtripan ako" sabay nguso ko. Sumubo ako at mahinang kumakain.
"You're so cute and beautiful but stubborn" inis niyang asik.
Binalewala ko ang compliment niya sa akin. Habang kumakain ako ay nakatanaw lamang siya sa akin.
Bakit nga ba hindi nawala ang ala ala ko. Mas lalo akong ngumuso.
"Will you stop pouting, Zaf?"
Inangat ko ang tingin sa kanya. Ngayon ay iniwas niya ang kanyang mukha sa akin. Kitang kita ko din ang pamumula niyon.
" Pati pag nguso ko pinakialaman mo. Alam mo lalaki. Ginugulo mo ang buhay ko. Umalis ka kaya sa buhay ko"
Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Naka smirk. Damnit! So hot. Wait! Ano bang nangyayari sa akin.
"Kaya mo ba? Isang linggo lang akong nawala hinahanap mo na agad ako e." Humor is evident in his face.
"Asa ka."
Iniwas ko na lang ang tingin tungo sa pagkain ko. Paano niya nalaman? Baka may connection siya doon sa mga pinagtanungan ko. You know he's popular and bully. Maybe he threatened those guys tapos pinilit na magsabi ng totoo na hinanap ko siya.
Bakit ko nga ba siya hinanap.
Sabi niya kasi wala na siyang mauwian. Kaya nag alala ako.
"Nag alala ka sakin?" Nanlaki sa gulat ang kanyang mukha.
"Paano mo nalalaman ang mga iniisip ko? And for your fucking information, boy that's my privacy!" Kinabahan na ako sa kanya. Nababasa niya ang lahat ng iniisip ko.
"I told you I'm a vampire half wolf. You don't believe. Ayan tuloy nabibigla ka sa pag basa ko ng isipan mo" kalmanteng sabi niya.
"I won't believe you. You're bully and immature. Mapaglaro. Kaya sino ang maniniwala sayo? Baliw siguro tulad mo"
Tumayo ako at tinalikuran siya. I heard him growl in anger. Kinabahan ako doon. It sounds like wolf. Na nakikita ko sa tv. Damn.
Iniwaksi ko ang lahat ng iyon at dahil walang pasok ay dumiretso ako sa music hall. Pinatugtog ko ang piano doon. This serve as my stress reliever.
Habang naaliw ako sa pag papatugtog doon ay hindi ko namalayang nakatanaw siya sa akin. Nang natapos ang isang kanta ay pumalakpak siya. Naglakad tungo sa akin at masayang nakatunghay sa akin.
"Wow, you're amazing"
Tumabi siya sa akin at tinipa ang keyboard doon isa isa. Tila may hinanap. Hanggang sa sabay sabay na niya iyong tinipa.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ang siya ay nass piano ang atensyon. I won't lie this time. He is good looking guy. Maamo ang kanyang mukha kapag hindi siya nag ngingisi. Kapag naman ngumingisi siya ay tila may balak na kalokohan.
Natapos ang kanyang paglaro sa piano at tumingin siya sa akin. Imbis na mahiya ako ay nakipag titigan ako sa kanya. Sinasaulo ang angle ng kanyang mukha.
Natahimik ang buong paligid at tanging paghinga lamang ang aming naririnig. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Hinawakan ang kamay ko at inamoy iyon. Sumunod ang tingin ko doon. Magaan ang kanyang paghalik niyon. Ninanamnam ang amoy niyon, habang nakapikit.
"I miss you" Bulong niya. Habang ang labi ay nasa kamay ko pa. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa akin. Mapupungay ang mga matang tumunghay sa akin.
"I miss you in my arms" muli niyang pag sasalita ng hindi nakatanggap ng kataga galing sa akin.
Kumalabog ang puso ko. His effects on me is something I can't name. Nagagalak ako. Ramdam ko rin ang pangungulila ko. At kapag nandito siya sa tabi ko ay napupunan niyon ang nararamdaman ko.
"The palace is looking for you, for us"
Nasa pisngi ko na ang mga labi niya. Nakapikit siya at dahil sa haba ng kanyang pilik mata ay nararamdaman ko ang bawat pag mulat at pikit niya.
Humihele ang kanyang boses sa akin. Tila inaantok ako niyon.
"The palace need us, Zaf. Please believe me this time. Bago pa malusob ng mga rebeldeng bampira at lobo ang Palace."
Hindi ko alam ang kanyang sinasabi. Pero sa pagkakataong ito ay naniwala ang kahati ng aking isipan.
"You're life here in mortal world is in danger. We need to go home."
Nanginginig ako sa kanyang sinasabi. Bakit guminhawa ang kalamanan ko nang binigkas niya ang tungkol sa pag uwi namin.
Saan naman tayo uuwi?
YOU ARE READING
A White Warrior
Hombres LoboSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...