Matapos ang araw na iyon na inisip ko na lamang na pormal kahit hindi naman. Wala ako sa isipang nag lakad palabas sa gate namin. Nag aabang na ang driver ko at sinabihan ko na lang na habang hinintay ako ay kumuha na muna siya ng lasagna sa restaurant ko para hindi kami magutom na dalawa. May pupuntahan pa kasi akong business sa kabilang syudad.
Bawat business ni mama at papa ay nasa akin na. Ang kanilang mga pinagkakatiwalaan na kasamahan noong kapanahunan nila ay ngayon sila ang gumagabay sa akin. Napabuntong hininga ako. Sabi ko nga sa kanila na huwag na lang akong mag aral para naman matutukan ang pinaghirapang negosyo ng magulang ko pero ani pa nila ang sabi ng magulang ko ay hindi ako dapat huminto sa pag aaral dahil lang sa negosyo. Nariyan naman daw silang gagabay sa akin at mag take over kapag may klase ako.
Nawala ang iniisip ko ng makita si Levi na nakasandal sa gate ng University. Nakayuko siya habang nag ka cross ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Tumaas ang kilay ko.
I don't know but there's something in him that i wanna know. It's like, he is just acting brave and badboy to cover up something. And that something is..... loneliness. Well whatever. Buhay niya naman iyan.
Napairap ako. Bahala siya sa buhay niya, magkaaway kami.
"Babae!" Masigla ang boses niya na ikinabigla ko. Boses na hindi galit at hindi parang kakain ng tao. Anyare sa badboy Levi.
Pero mali ako, akala ko nawala na ang badboy na siya. Nang lingunin ko ay biglang nag switch ang kanyang expression at naging matigas iyon. See? Hypocrite. Disgusting-immature-hypocrite.
"Hm" tanging saad ko. Nakalapit na siya sa akin. Matikas ang kanyang katawan na animo'y modelo sa mga magazines. Well, kung mag audition siya ay siguro walang atubiling tanggapin siya at doble ang bayad sa kanya. But knowing him, arrogant, bully, and immature siguro hindi pa nga nakapagsimula ay na fire na siya. Dahil sa ugali.
"What are you doing here? This is my spot!" Asik niya. Wow.
Napatingin naman ako sa paligid, at inapakan ko "There's no sign here that this is yours" saka ko inangat ang tingin at tinaasan siya ng kilay.
Mas lalo niya pang pinadilim ang kanyang expression that almost made me laugh. He's trying hard to look badboy. What's wrong with him?
Napalobo ang bibig ko at hindi pinahalata na natatawa. Baka suntukin ako nito. Well, hindi rin naman ako papatalo, no.
"Fuck, you're so stubborn. Why can't you understand that this is my spot! With or without sign" umabante siya sa akin and I guess he is expecting me to step back. Acting coward and knees jellied. Hell no!
Hindi ako nagpatinag sa kanya. He's arrogant sometimes but mostly immature and bully. Na para bang nasa grade school pa siya para mambully.
Madilim ang kanyang mata na parang sinisindak ako. Tiningnan ko lang siya sa mata. Pero hindi siya makatingin sa mata ko. Parang nakatingin lang siya sa akin pero walang nakikita. Ganon.
"Look, kid. I am not claiming that this is my spot. Okay, I understand that you're immature that even this kind of stuff is so big deal to you. Dadaan lang naman ako since this is the gate for me to go home. After I went home, you can eat this spot, okay?" Pang aasar ko sa kanya pero kalmante lang. Gusto kong matawa sa kanyang expression.
"Inaasar mo ba ako babae?" Galit na siya. Ito ang totoong galit niya. Pero yung kanina? Pwe! Lokohin mo pagong!
"I am stating the fact here. You're an immature. Arrogant and disgusting."
Umabante pa siya at galit na hinawakan ang magkabilang braso ko. Sobrang higpit niyon na nagdulot ng pananakit.
"Bawiin mo sinabi mo!"
"Ayoko" kalmante lang ako.
"Bawiin mo sabi! Kung ayaw mong balian kita ng buto"
"Sige lang" pagmamatigas ko. Nabigla siya sa sinabi ko. Alam kong sa kaloob looban niya ay hindi niya magawa. Alam ko yun. He's not totally bad. He is just acting brave. And mess everything so that, well maybe, his parents notice him.
Just my opinion.
"Satisfy yourself" Bulong ko sa kanya. "Saktan mo ako, wag nalang yung ibang mahihina. Kawawa naman sila" sabay tingin ko sa kanyang mata na parang hindi nakikinig.
"I am not buying your fake self, boy. You're just pretending" muli kong bulong sa kanya. "Your brains acting brave when you're hurt is weak."
Dahan dahan niyang niluwagan ang kanyang hawak sa aking kamay. Yumuko siya.
Hindi ko makita ang emosyon niya kaya naman ay nagbuntong hininga na lamang ako.
Narinig ko ang busina ng sasakyan ko kaya iniwan ko na siya sa spot niya. Natawa ako sa sarili. Hindi ko napigilang mapatingin sa braso kong hinawakan niya. Hinimas ko yun at napangiwi sa sakit. Namumula kasi.
Napalingon naman doon si manong Eddie, ang driver ko.
"Anong nangyari, Miss?" Pag alala niya.
"Hmm, nakita mo yung lalaki kanina? Hinawakan niya ako at hindi niya namalayang napalakas ata."
Nanlaki ang mga mata niya. "Bilin ng mahal mong ina na bawal kang saktan, Miss. Pasensya na pero sumusunod lamang ako. Maaari ko bang malaman ang pangalan niyon?"
Napabuntong hininga ako. Kahit patay na si mama ay buhay parin ang kanyang mga mando, ganon din kay papa.
"Huwag na, Manong. Magkaibigan naman kami non. Ganon lang talaga siya"
Alam kong hindi ko nakumbinsi si Manong pero nanahimik na lamang siya.
"Saka mawawala din ito" ningitian ko siya na naniniguro. Ayokong pabigat sa kanila. Gusto kong hindi sila mag alala sa akin. Alam kong may mga pamilya din sila kaya ayokong makisali sa kanilang iisipin hinggil sa aking kaligtasan. Kaya ko ang sarili ko.
Isa pa mula nang magkamuwang ako ay naalala kong pag nagkasugat ako ay hindi aabot ng sampung minuto, ito ay naghihilom ni walang piklat. Nahihiwagaan ako niyon. Minsan ko ng inisip na baka lobo ako. Ganon kasi ang nababasa ko pero hindi naman.
Siguro ganon lang talaga ako ka lusog at pati mga sugat ko ay mabilis na naghihilom at hindi ako nag kakapiklat.
Walang ibang nakakaalam niyon. Ako lang. Baka isipin nilang abnormal ang katawan ko para sa isang tao. Kaya pinili ko na lang na huwag sabihin sa iba.
Nakarating kami sa isang bahay namin dito sa Southern. Bumuga ako ng malamig na hangin. Huli kong naisip na tag lamig na pala.
Inamoy ko ang malamig at sariwang hangin ngunit imbis na sariwang hangin ang maamoy ko ay isang pamilyar na baho ang nasinghot ng ilong ko.
Nandito siya? Sinundan niya kami?
Lumingon ako sa pinanggalingan ng amoy at doon ko siya nakita. Wtf.
Ano namang ginagawa niya dito?
"Manong, pakilagay nalang din ito sa loob ng bahay at dalhan niyo ako ng dalawang makapal na buta at jacket. Pang lalaki ang isa"
Nilingon ako ni Manong na nagtataka. Agad ko siyang ni ngitian sabay sabing "Nandito pala ang kaibigan ko, hindi ko namalayan. Baka lamigin e"
"Ahh akala ko para sa kanino, Miss" sabay kaming nagngitian at agad niyang tinuran ang aking utos.
Tinanaw koo muna si Manong Eddie bago ako pumunta lay Levi.
"What are you doing here? Wag mo sabihing sayo to?" Inis kong sabi. Pero hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa likod ko. Nakatanaw sa bahay namin. Pangalawang bahay.
"Where's your parents?" Kalmadong saad niya.
"Wala na sila. Bakit ka nga nandito?"
Umiling lamang siya. "Hindi ba sabi mo problema ko na ang mag saliksik ng information sa kalaban ko?"
Sabay niya ako ningisihan na nakakatakot.
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...