"Pwede bang papasukin mo ako riyan?"
Kinunutan ko ng noo si Levi.
"Nababaliw ka na ba? Mag isip ka kung paano tayo makalabas dito! Akala ko ba nandito kayo para tulungan kami?"
Pinakawalan ko na si Ina at ngayon ay nag tatalo kami ni Levi sa planong gagawin kung paano kami makakalabas dito. Ang buong akala ko naman kasi ay nakaplano na sila. Iyon pala hindi pa.
Wala talaga akong maaasahan sa werewolfvampire na ito. Nakakabwesit.
Natahimik kaming pareho ng narinig namin ang sigawan ng mga kawal.
Maraming paa ang nagtatakbuhan. Parehas kaming naalerto sa mga nangyayari.
"Anong nangyayari-" pagtatanong ko.
"Ssshhh" ani Ina. Naging mailap ang kanyang mga mata sa aming paligid gayong sobrang dilim dito.
Natahimik ang lahat pati ang mga kaaway sa labas. Naging kalmado kami at nakahinga ng malalim.
Subalit....
"ILAG!"
Sigaw ni ina ang nakapagpakilos naming lahat.
Isang malaking pasabog ang natamo namin.
Sumabog ang selyang kinaroroonan namin. Halos hindi ko na maimulat ang aking mata sa alikabok ng paligid. May likido ang nahawakan ko sa aking gilid ngunit binalewala ko iyon.
Mabilis akong tumayo galing sa pagkatilapon. Kahit may sakit sa katawan ko ay patuloy ako sa pag kilos ng mabilis. Agad kong dinaluhan si ina na ngayon ay halos hindi na maimulat ang mga mata dahil sa pag ka tapon niya.
Isa iyong bomba na sumabog.
Gusto kong maiyak sa nangyari ngunit pinalakas ko ang aking loob at kinarga si Ina. Nanunuot ang galit sa aking kalamanan.
Kung saan nag susuot si Levi ay hindi ko na alam. Ang importante ngayon ay ang mailabas ko si ina dito na ligtas.
Dahil sa pagsabog na iyon ay nasira ang prisohan na kinaroroonan namin ni ina at ngayon ay nabigyan kami ng laya na makaalis.
Sa pangalawang beses ay nakarinig ako ng ingay sa likuran namin. Tila iyon balloon na nilagyan ng butas dahil sa tunog nito. Ngayon ay alam ko ng bomba ulet iyon. Hindi ko alam kung anong klaseng bomba iyon bakit ganon ang ingay.
Insaktong nakalabas kami sa masikip na pasilyong iyon ay sumabog ang kaninang weirdo'ng tunog.
"Zafi..."
"Sshhh" hindi ko pinatapos si Ina at nag patuloy ako sa pag takbo gamit ang aking lakas bilang lobo.
Sa malayong bahagi ng lugar ay palipat lipat ang amoy ni Levi. Pakanan at pakaliwa. Hindi ko mawari kung saan siya pupunta.
"Ako na ang bubuhat sa kanya"
Sa gulat ko ay nanlaki ang aking mga mata nang nasa gilid ko na siya at binabawi si Ina sa aking bisig.
I growled in anger. Saan siya nanggaling. Takteng yan! Akala ko namatay na siya. Buset na bampira.
"Nasa paligid lang si Dayari at Reynard" malamig niyang sabi. Seryoso siya at matatalim ang kanyang tingin.
Puno ng awtoridad ang bawat bigkas niya ng salita. Imbis na matakot ay mas lalo ko lamang naramdaman ang pag kagusto ko sa kanya. Parang may mga paru paru sa aking tiyan na dahilan ng pag ngiti.
Seriously, Zafira? In the middle of the war, may gana pa talaga akong kiligin? Nakagat ko na lamang ang aking labi para pigilan ang sarili.
Bumalik sa dating seryoso ang aura ko nang narinig ulet namin ang pag sabog sa di kalayuang lugar galing sa kinaroroonan namin.
Nagpatuloy kami sa pag takbo gamit ang aming abilidad, ngunit hindi nakatakas sa akin ang pag ungol ni Ina.
Levi growled and warned me not to look back. May naramdaman kasi akong kakaiba sa likuran namin. Huli na ang lahat ng nilingon ko iyon at tila hipnotismo ang nangyari sa akin.
Nawala ako sa sarili at isang magandang babae ang nasa aking harapan. Hindi ko lubos marinig ang kanyang boses ngunit base sa kanyang mga labi ay tila naririnig ko ang malambot niyang pagbigkas sa mga pangalan ko.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin, na alam kong malalambot. Nahahalina ako sa mga ito at akmang aabutin ko na iyon ay siya ring pag sa bandang dibdib ko.
"Anak...." Boses lalaki iyon.
Kumukunot ang noo ko. Wala na akong naiintindihan sa lahat. Sa kabilang tenga ko ay ang malambot na boses ng babaeng aking kaharap ngunit sa isa naman ay ang lalaking boses.
Sumasakit ang ulo ko sa kanilang boses na nag tatalo sa isipan ko.
"Samahan mo ako sa lilim ng paraiso...." Malambot na boses ang narinig ko galing sa kaharap kong babae.
Mataas ang kanyang tila ginti na buhok. Abot talapakan iyon. Ang kanyang suot ay tila diwata diya niyon, lalo na't mahahaba ang kanyang tenga. May parang damo sa kanyang noo na kung sa modernong panahon ay headband iyon.
Napangiti ako, ngunit sa pangalawang pagkakataon muling nagsalita ang lalaking boses. Sinabing huwag akong mahumaling sa babaeng nasa harapan ko.
"Pakiramdam mo ang lobo mo anak....." Lalaki at babae ang nagsabi niyon. Nabosesan ko ang babae. Si ina... At sa isang segundo lamang ay kumawala ang lobo sa akin at hinarap ang babaeng bampira na kanina ay isang magandang diwata.
Naramdaman ko agad ang presensya ni Dayari at Reynard sa itaas kaya pasimple ko silang tinignan.
"Anak ka nga'ng talaga ng asawang mandirigma"
Inismiran ko siya saka matalim na tiningnan. Matandang rebeldeng bampira ang kaharap ko ngayon. At base sa kapangyarihang nadarama ko sa kanya ay hindi siya basta bastang matanda lang.
Nakita ko sa kanyang daliri ang simbolo na nagsasabing isa siyang Reyna. Napalunok ako.
Dahan dahan siyang umabante kaya ganon na lang ang pag atras ko.
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...