CHAPTER 15

9 4 0
                                    

Ilang segundos lang ay nasa kwarto na kami. Marahan niya akong nilapag sa kama. Hindi ako gumalaw. Hindi ko siya tiningnan. Naalala ko na naman kasi iyong babaeng kayakapan niya.

"Huh? Bakit mo ako iniiwasan?" Pangunguna niyang salita.

Wow! Ako pa ang umiiwas?

"Sino ba itong may kaharutang ibang babae?" Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Sino itong piniling makipag yakapan sa ibang babae at kinalimutang may akong naghihintay doon sa parking area?" Walang gana akong tumayo habang siya ay natitigilan sa kanyang kinatatayuan.

"At heto ka ngayon? Umaaktong kasalanan ko ang lahat? Nag galit galitan? Para saan yan? Para ipalabas na ako ang may kasalanan sa hindi pagpapakita ko sayo?" Tila tinatamad kong sabi sa kanya.

"Kung ganon naman ay magaling kang lalaki para mapaniwalang......" I sighed "I'm your mate? I'm too dumb to believe it." Saka ko siya tinalikuran at pumunta sa banyo.

Tumulo ang luha ko. Ang lahat ng poot ay tila nag kakaisang bumugso sa akin ngayon. Simula sa pagiging lobo ko, sa lungkot para sa mga magulang ko, sa mga hangal na pinuno at ngayon ito.

Pinilig ko ang aking ulo. Anak ako ng mandirigma, kaya dapat hindi ako nagpapatinag sa ganito kababaw na bagay.

Hinubad ko ang aking damit at lumusog sa bathtub. Kumalat ang masarap na pakiramdam dala ng katamtamang init ng tubig sa aking katawan. Napapikit ako sa dala nitong kapayapaan sa akin.

Hindi ko kayang pigilan ang sarili na hindi isipin ang buhay ko sa malaking bahay noon. Kahit mag isa ako sa malaki kong kwarto ay hindi ko kailanman nararamdaman ang pag iisa. Tila ba may nakabantay sa akin sa malayo. Pati ang init ng kape tuwing pinagtitimpla ako ni Manang Anny ay namiss ko.

Kahit iyong sa paaralan. Wala man akong naging malapit ma kaklase ay namimiss ko ngayon. Iilang araw pa nga lang ako dito at ganon na ang kagustuhan kong bumalik doon. Tama ang kanilang sinabi. Hindi madaling waksiin ang bagay na nakasanayan mo na.

Ngunit gaano man ang kagustuhan kong bumalik doon, narito ang katotohanan ko. Narito ang buhay ko. Dito ako nagmula.

Pumikit ako saka bumuga ng hangin. Pagod ang mga talukap ko ngunit naramdaman ko na lamang na naging aktibo ito sa kadahilanang may tao sa labas ng banyo. I can hear his footsteps!

Lumubog ako lalo nang narinig ang katok ni Levi sa pinto. Napakurap kurap ako nang nakitang pinihit niya ang siradura at walang ano ano'y binuksan ito.

"What the hell?" Sigaw ko sa kanya.

Ang inaasahan ko ay iinisin niya ako gamit ang kanyang ngiti ngunit ang bumungad sa akin ay ang malungkot na mga mata.

Suminghot singhot siya at pinahid ang luha sa kanyang mata.

Bakla ampota! Anong iniyak iyak niya!?

"I'm sorry" he mouthed and pouted. Yumuko siya at nilalaro ang kanyang kuko sa kanyang mga daliri.

Kumunot ang noo ko. Para siyang batang nanghihingi ng lollipop. Damn ang cute naman. Natawa ako sa aking isipan. Tinikhim ko na lamang imbis na itawa.

"What?" Kunwari kong sabi. Inosente akong nag angat ng tingin sa kanya. Nasa baba ko lang ang tubig at nakababad ang katawan ko sa ilalim.

Nag iinit parin ang mukha ko. Bakit ba kasi siya pumasok.

"I said I'm sorry" hindi siya nag angat ng tingin sa akin kaya malaya akong napangiti sa tuwa. Nakakatawa siya tingnan.

Natahimik ako. Ganon din siya. Hindi niya makuhang tumingin sa akin. Alam kong nag sisisi siya. Kaya nga hinayaan ko siya kanina nang sa ganon ay malaman laman niya ang kanyang nagawa.

A White WarriorWhere stories live. Discover now