Matagal ang kanilang pagtitinginan. Nakabukas ang baba ni Reynard at kahit anong minuto ay bibigay ang kanyang mga luha.
"Reynard...." Unang salitang lumabas sa bibig ng babae.
"Dayari..." Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Naguguluhan akong nanood sa kanila.
Binasag ko ang titigan nilang dalawa.
"Magkakilala kayo?"
Napakurap kurap si Reynard at hinarap ako. Nilingon ko si Dayari at tumango siya.
"Kababata ko siya" napatingin ako kay Dayari at kay Reynard. Kababata lang pero bakit ganito ang kanilang reaksyon?
"Kababata lang?"
"Zafi..." Si Reynard. Nakita kong pumula ang mukha ni Dayari.
"Ano? Bakit parang nakakita ng asawang matagal na nawala si Reynard?" Naguguluhan talaga ako. At kababata? Bakit naging rebeldeng ibon itong si Dayari. In fairness maganda siya. Mukha nga lang squater mundo ng mga mortal dahil sa kanyang suot.
"Well, she's my mate"
See? Narinig nyo yun?
Mate sila. Sarap batukan ni Reynard. Bakit hindi niya kayang tulungan ang mate niya.Nanliit ang mga mata ko.
"Kaya ba alam mo ang kalagayan ng mga magulang ko?" Hinarap ko si Reynard.
"Y-yes...ouch!"
Binatukan ko na. Ang gagu niya lang no?
"Bakit di mo tulungan ang mate mo para maligtas ang pamilya niya, ha? At ako pa ang hiningian ng pabor niyan" sabay turo ko kay Dayari na ngayon ay namumula na. Nahihiya panigurado.
"Dumb, ikaw lang naman ang may kakayahang iligtas ang buong mundo."
Wtf?
"Oh, hindi ka ulet maniniwala. You know, I'm not dumb,.okay. Kung kaya ko lang iligtas ang mahal ko why not, right? Think, Zafira"
Ang laki naman ng responsibilidad ko, nyetang buhay.
Naalala ko ulet si Levi. "Alam ni Levi ito?"
"Why not?"
Napakunot ang noo ko nang niyakap niya bigla si Dayari na halos matumba sila. Takteng yan
Sa nakikita ko sa kanilang dalawa ay bigla kong namiss si Leviticus. Ngumuso ako. Sana pala....
"You're thinking of me, baby" pumulupot ang kaniyang braso sa beywang ko.
"Kailan ka pa riyan?" Bigla kong sabi.
"Kanina pa akong nakamasid sayo. Tsk. You think I'll let you wander around without me?"
Kinalas ko ang kanyang braso sa akin. "You also knew her?"
Tumango siya. Napapikit ako. Bakit....? Mga wtf pala sila. Kawawa naman ang pamilya ni Dayari. Hinayaan lang nilang maging slave sa mga walanyang rebelde!
"Bakit hindi nyo sinabi sa mga pinuno. Hindi ba iyon ang hiling mo Dayari?" Tumaas na ang boses ko.
"I-ikaw ang hinanap ko"
Damn!
"Nasa kamay mo nakasalalay ang lahat, Zafira"
"Ano pang hinintay natin ngayon? Ang mamatay ang lahat ng inabuso ng mga rebelde?"
"Hell no"
"Oh edi tulungan nyo ako. Punyetang buhay"
"Huwag kang magmura! Nagmumukha kang mortal sa dating na yan" si Levi.
"Pakialam mo" saka ako naunang maglakad.
Kaya pala maraming alam si Reynard tungkol sa mga magulang ko. Kaya pala mabilis niya akong nilapitan ng nakatungtong ako sa palasyo. Para sa mahal niya pala ito. My heart aches.
Ilang taon ba niya itong tiniis? Hinanap nila ako? At ang mga magulang ko, mas lalo akong nasaktan sa isiping iyon. Kamusta na kaya sila?
Sa pag iisip ay hindi ko namalayang napabilis ang aking takbo.
Ambilis mo naman!
Singhal ni Levi sa akin ngunit binalewala ko.
Si Reynard at Dayari ang sinundan ko pagkat alam ni Dayari kung saan ang lungga nila.
Kailangang mauna si Zafira sa pintuan nang sa ganonon ay maayos ang pagtanggap nila. Boses ni Dayari ang narinig namin.
Ako pala talaga ang hinintay nila. Ano naman ang kanilang mapapala sa akin.
Biglang nawala si Dayari, Reynard at Levi sa likuran ko, ayon sa plano, pero ramdam ko parin ang kanilang presensya.
Kapag nakapasok na ako ay kailangan kong hanapin agad sina Ama at Ina.
Nasa harapan na ako ng portal tungo sa mundo ng mga rebelde. Huminga ako ng malalim at nilahad ang palad doon. Dahan dahan nitong nilukob ang buo kong katawan saka tuluyan na nga akong kinain nito.
Napapikit ako sa nakakahilong sensyasyon. Nang muli akong nag mulat ay nakita ko ang isang bayan. Malaking bayan. O syudad.
As expected, madumi ang lugar na ito. Iyong parang esquater sa mundo ng mga mortal. Subalit maraming pagkain ang nagkakalat. Maraming prutas. Pero madumi. Nasa semento at nasa lupa ang iilan nito.
Nagkakalat ang langaw. Paroon at parito.
Kahit dito din pala sa mundi nila ay may langaw.
Tinagilid ko ang aking ulo saka ako naglakad. Walang ibang makikita kundi ang mga basura at mga prutas na nagkalat sa daan.
May rebelde sa likuran mo, babe.
I heard him chuckled. Pa simple akong lumingon sa aking likuran ngunit wala naman akong nakikita.
Humarap ka. Nasa harapan mo na siya. Tinig iyon ni Reynard.
Tumikhim ako saka kalmadong humarap.
Isang bata ang bumungad sa akin.
"Hi" pagbabati niya.
"Hello, ate. Saan ka pupunta? Saan ka galing at bakit nandito ka?"
Ang dami naman niyang tanong.
"Dito lang naglalakad. Papahangin. Ikaw ba?"
Masuri ang kanyang mga matang nakapako sa akin. At gaya nong lalaking nakatagoi namin ay pa tagilid tagilid ang kanyang ulo. Parang ni measure niya ang tangkad at timbang ko.
Ganito ba talaga sila lahat? Ang weird ng reaksyon.
Narinig ko silang nagtawanan. Mga walangya!
"Ah dito lang nag lalaro at nakita ko po kayo. Napakagandang babae niyo naman po, ate"
Napangiti ako sa kanya. Ang bait naman nitong rebeldeng ito. Kung hindi lang siya nakatira dito ay maganda din naman siya. Kaya lang ang dudumi ng kanyang damit. Esquater nga ika ko.
Shit mag ingat ka, Zaf. Hindi bata 'yan. May kasamahan siya sa palagid.
Alarmang sabi ni Dayari.
Alam ko. Kanina ko pa nararamdaman ang mainit na lumukob sa kapaligiran. Alam kong hindi siya nag iisa.
At alam ko ring hindi siya tao. Pagkat habang tinitigan ko siya ng matagal. Lumalabas ang kulubot niya sa kanyang balat.
Masasayang ngiti ang kanyang binigay sa akin. At hindi ko na maibalik ang mga ngiting iyon. Nanlamig ako. Nawawala sa sariling emosyon , lalo na nong nagsisulputan ang mga kasamahan niya.
My wolf growled. Kinalma ko ito at inutusang huwag mag take over. Pagkat hindi pa naman nila kami nilulusob.
Pwedeng madaan sa istorya ang lahat.
Hindi pakikipag digma ang ipinunta ko dito kundi ang makuha ang aking mga magulang.
YOU ARE READING
A White Warrior
Manusia SerigalaSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...