🥧 40 🥧

7 1 0
                                    


Kyla Sanchez's P.O.V.

"Ralff, please." bulong ko rito habang hawak na rin ang papel at pilit inaagaw iyon.

"Kyla, kahit lumuhod ka sa harap ko hindi mo ko mapipigilan sa bagay na 'to," seryosong saad nito.

"Let me see," agad ibinigay ni Ralff ang envelop nang hingin ito ni Izzy.

Natulala ako habang binubuksan niya iyon. Sinimulan niya itong basahin at pinalibutan naman siya nila Charles para makibasa.

Nang makita kong unti-unting nagsalubong ang kilay ni Izzy ay dahan-dahan rin akong umatras, tumalikod at balak na sanang umalis ng pigilan ako ni Ralff.

"Natatakot ako," naiiyak na sumbong ko sa kaniya.

"it's okay, kasama mo ako." hinaplos nito ang buhok ko at iniharap ako sa kanila.

"What the hell? Stage 3 na?" gulat na reaksiyon ni Harvy. Yumuko naman ako at hindi makatingin sa kanila.

"Wait-- ano yung pinainom niyo kay Kyla? Wine? Shit, bawal ang alcohol, Ralff!" sisi ni Charles kay Ralff.

"What? Is that alcohol? I thought that's healthy?" walang ideyang sagot naman nito.

"Yes, but not if you have a tumor! Anyway, kaunti lang naman ang nainom mo, hindi ba?" nag-angat ako ng tingin kay Charles na nag-aalalang tumingin sa 'kin. Marahan lang akong tumango at yumuko ulit.

"Kyla, 35% percent? Tinaningan ka na ba ni Dr. Reyes?" tanong naman ni Izzy na may hawak nang papel.

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya, nagtitigan kami ng ilang segundo doon hanggang sa huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa kamay.

"Excuse us," paalam nito at hinatak ako paalis doon.

Umakyat kami sa pinaka taas ng cruise ship, tanaw sila mula dito pero sure akong hindi naman nila maririnig ang usapan namin dahil sa tunog ng tubig pati na rin yung hangin.

"Answer me," saad niya pag-upo namin, ramdam ko ang tingin niya habang ako ay nakatingin sa harap kung saan tanaw ang buwan at ang pag reflect nito sa tubig.

"Yes, 5 years... or more." sagot ko.

"Ayos ka lang?" kagat ko ang labi dahil sa simpleng sinabi niya, umabot iyon hanggang sa kalamnan ko kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko at hindi ko na napigilan ang pagluha.

Parang iyon yung hinihintay kong marinig noong mga araw na 'yon, narinig ko na rin sa wakas!

"Ngayon? Oo, maayos pa... maayos na," tatango- tangong sagot ko habang pinupunasan anng luha ko.

"Paano bukas? Sa mga susunod na araw?" Hinuli nito ang kaliwang kamay ko kaya lumingon ako sa kaniya na nakatingin pa rin sa 'kin.

"Mayroon pa naman tayong 5 or 6 years," wala sa hulog na sagot ko.

"Kyla, hindi naman after 5 years or 6 or 7 na one day hindi ka na lang magigising eh. Paano yung mga symptoms? I know na pinagdaanan mo na yung iba pero, kailan pa nagsimula?"

"I don't know... I can't remember. It just, one day sumakit na lang yung ulo ko, bigla na lang akong nasuka, and the rest is history."

"Napapansin ko na 'yon. Kung bakit iyon pa yung bagay na ipinagsawalang bahala ko," pahinang sabi niya at nag-iwas ng tingin.

"Wala tayong kasalanan, choice natin 'to. Panindigan natin," saad ko at lumingon pabalik sa buwan.

Ilang minuto kaming tahimik ngunit wala akong awkwardness na nararamdaman.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon