🥧 20 🥧

15 8 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

"Kyla, anong tawag sa mga fans nang BTS?" pabulong na tanong sa 'kin ni Izzy.

Malapit na kami sa moa at kanina pa nagse-search si Izzy tungkol sa BTS at kung ano raw ang mga hitsura nito.

Hindi ba't nakapasok na sila sa kuwarto kong puno ng mukha nila?

"Army," walang sawa naman akong sumasagot sa tuwing nagtatanong siya.

Mga bandang 8:30 am ay naka-rating na rin kami sa Moa. Dahil maaga pa kami ay sarado pa ang mall kaya naman nag ikot-ikot muna kami sa paligid at nag picture-picture.

"Humawak ka dito,ayan, tapos iganito mo ang kamay mo," nagsisilbing photographer si Izzy at hindi ko alam na may talent pala siya sa modeling o mga photographing na iyan.

"Ayan! Sa lahat ng model ko ikaw lang ang nakakaganang kuhanan," nakangiting sabi niya matapos akong kuhanan.

"Hindi nga ako photogenic. Paano mo naman nasabi 'yan?" saad ko.

"Kung alam mo lang kung gaano ka kaganda sa mga mata ko! Atsaka hindi ang physical appearance ang nagdadala ng salitang ganda! Yung panloob ang secret recipe kaya mas lalong gumaganda ang isang tao, kaya ka lalong gumaganda," tumalikod ako sa kaniya nang hindi na mapigilan ang ngiti.

"Sobrang cringe mo! Lumayo-layo ka muna, I need space!" sigaw ko sa kaniya habang nakatalikod at pumunta sa gawi nila Zai.

"Kyla, space lang sa keyboard ang kaya kong ibigay sa 'yo!" sigaw niya at hinabol ako, mas bumilis ang takbo ko at sumingit sa picture ni Matte.

"Ito naman, nagpi-picture yung tao! Pang-profile ko nga 'to eh!" tinawanan ko siya at umalis na para ulitin ang picture sa kaniya.

"Napakarami niyo namang dala!" reklamo ni Dariel na nag-insist na buhatin ang bag ni Zai.

Umupo kami sa bench para magpahinga at kumain ng snacks dahil nagutom kami ka-iikot dito.

"Siyempre kapag napansin kami nila Jungkook sasama na kami sa kanila papuntang korea!" biro ni Zai.

"Tama!" pagsang-ayon ko pa habang ngumunguya ng chips na baon namin.

Inabangan na rin namin ang pagbubukas ng mall para kumain ng tanghalian at makabili ng mas maraming pagkain para sa mahabang pila mamaya. Si kuya Jud, na siyang naghatid sa amin, ay umuwi na dahil mamayang gabi pa naman daw ang uwi namin.

Nang bumukas ang mall ay nakipag-unahan pa kami sa mga tao roon, na sa palagay ko ay mga nandito rin para sa concert. Agad naming hinanap ang jolibee na si Harvy ang nag-suggest na sinang- ayunan naman namin. Mura daw kasi.

"'wag ako, baka pagkaguluhan ako, magselos pa si Kyla," agad sumalampak si Izzy sa upuan para iwasan ang pag-order.

"Bakit ka naman nila pagkakaguluhan? Si Taehyung ka ba?" wika ko.

"Matte, ikaw na umorder tutal single ka naman," sabi ni Zai at nag-abot ng bayad, wala namang reklamong tinnggap ito ni Matte.

"Harvy, samahan mo 'ko. Tutal, single ka rin naman!" Saad ni Matte at pinilit si Harvy na tumayo.

"Sige na nga! Baka dito ko na matagpuan ang true love ko," ganadong sumama si Harvy kay Matte para umorder.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon