🥧 34 🥧

9 7 0
                                    


Kyla Sanchez's P.O.V.

"Kyla," hindi ko pinapansin si Ralff, hindi dahil pinigilan niya ako sa tangka kong pagpapakamatay kahapon, kundi dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Natatakot akong baliktarin niya ang nangyari, o baka nga nakausap na niya sila Izzy at binaliktad na ang kuwento.

"Kyla--"

"Hindi ko alam kung bakit mo pa ako pinigilan kagabi," putol ko sa pagtawag niya.

"What's with you? Akala ko nga ay may kasama ka sa condo mo kagabi kaso nagtaka ako, na kung may sakit ka ay pwede mo namang utusan ang kasama mo. Kaya sinundan kita..." nagsimula na siyang magkuwento kaya natignan ko siya sa mata.

"Paano ka nakapasok?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

"Really? Alam mo pa ba ang ginagawa mo? You didn't lock the door, but I'm thankful because you didn't," naglapag siya ng mainit na inumin sa harap ko pero tinitigan ko lang ito.

"Ano pang ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko.

"W-what? Galit ka pa rin ba sa pagpigil ko sa 'yo o dahil doon sa mga sinabi ko sa 'yo nang gabing 'yon?" nagtatakang tanong niya.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya, it's now or never. "Anong nangyari nang gabing 'yon?" diretsong tanong ko.

"Hindi mo maalala?"

"Hindi ako sure sa naaalala ko," mabilis na sagot ko dahil gusto ko ng marinig ang ikukwento niya.

"Dahil ba sa sakit mo?" nagulat ako sa tanong niya at hindi agad nakapagsalita.

"P-paano mo nalaman?"

"Nakakalat sa lamesa kagabi yung papers, hindi ko maiwasang basahin, sorry." paghingi pa niya ng tawag.

"Just... don't tell to anyone," mahinang pakiusap ko at lumingon pa sa paligid na parang may makakarinig sa 'min ngayon..

"Alam kong hindi ka pa ready'ng sabihin sa kanila, but this is very alarming, Kyla." saad pa niya.

"I know," at wala akong balak sabihin sa kanila.

"Buti na lang ay naitago ko sa drawer mo bago dumating si Harvy," mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"P-pu-pumunta si Harvy? Hindi ba siya galit sa 'kin?" mabilis na tanong ko.

"Why? Bakit sila magagalit sa 'yo, eh wala ka namang ginagawang masama," muli akong tumahimik sa sinabi niya.

"Ako ang pinagbibintangan nilang bumaril sa 'yo, may ebidensiya sila." inilabas ko ang cellphone at pinanood sa kaniya ang CCTV.

"What the hell? Alam mo bang bago ako mawalan ng malay ay natanaw ko pa sa malayo ang sniper na bumaril sa 'kin?" hindi ako nakapagsalita pero gumaan ang pakiramdam ko.

Ralff is on my side!

"And?" tila interasadong tanong ko.

"I saw the whole thing, kung paano ka daplisan ng kutsilyo sa leeg at yung pagtakip sa 'yo sa bibig nang waiter, and what happened? Hindi ka nila pinaniwalaan?" marahan lang akong tumango habang lumuluha.

Finally! Si Ralff ang lilinis sa pangalan ko.

"Hush now, akong bahala. Lilinisin ko ang pangalan mo at magiging maayos na ulit ang lahat," tinapik-tapik ako nito sa balikat bago tumayo at magluto ng tanghalian namin.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon