Kyla Sanchez's P.O.V
"A trip to Paris, France," basa ko sa text ni mommy.
Nag missed call siya para magising ako at makita ang text niya. Sinapo ko ang ulo dahil bahagyang kumirot ito sa pagpupuyat kagabi saka muling tinignan, anong ibig sabihin nito?
Baka naman wrong send?
Tinry kong tawagan si mommy habang nakahiga at nakapikit, inaantok pa.
["How's your sleep?"] agad na tanong ni mommy na parang inaasahan ang tawag ko.
"Inaantok pa pero I got confused," sagot ko habang nakapikit pa rin.
["What? Where?"]
"Sa text mo po sa 'kin," nakangusong sagot ko. Umaasa na hindi iyon wrong send at talagang para sa akin iyon.
["I know what you are thinking. Mamayang 9 pm philippine time ang flight niyong tatlo,"] mula sa pagkakapikit ay napadilat ako at napaupo pa ng maayos.
"W-w-what? For real?" malakas na tanong ko. Sumilay na ang ngiti sa labi.
["Yep! See you soon! Mauna na ako, ha? Marami pa 'kong work."]
"Okay mommy! See you. Bye!" nakangiting pagpapaalam ko pa.
["Before 9 pm ah!"] pahabol ni mommy bago pinatay ang tawag.
Bumalik ako sa pagkatihaya at ngumiti ng pagkalaki-laki, ninanamnam ang masarap na pakiramdam saka muling inalala ang nangyari kahapon sa concert.
"Siguro ay nagkakamali lang talaga ang psychiatrist na 'yon. Ang saya-saya ko nga! Wala akong iniindang problema," sabi ko sa sarili habang prenteng nakahiga.
Kung panaginip man ito ay huwag niyo na akong gisingin!
"Wait--hindi ko maalalang naglakad ako mula van hanggang dito? Did I sleep walk?" nagtatakang tanong ko sa sarili.
Nang hindi na maalala ang nangyari kagabi ay hindi ko na ito pinilit at nagtungo na lang sa banyo para maligo nang mapansin na suot ko pa rin ang damit na ginamit ko kahapon.
Sobrang pagod?
Nagtagal ako sa cr dahil sa mas masarap mag-isip sa cr at nakare-relax ang paligid.
Matapos ang hindi mabilang na minuto sa cr ay masaya akong namili ng susuotin saka malakas na kinatok ang pinto ni Izzy at Harvy na tulog pa.
By the way, it's already 1 in the afternoon at wala pa kaming nakakain na kahit ano, sabagay halos 3 am na yata kami naka-uwi.
"Kung sino ka man, putangina magpatulog ka!" rinig kong sigaw ni Harvy nang katukin ko siya. Tinawanan ko siya saka sinigawan pabalik. "Pupunta tayong France, Harvy! Sa eroplano ka na matulog!"
Naghintay ako ng ilang minuto at hindi nga ako nagkamaling bubuksan niya ang pinto at itatanong kung nagbibiro ako. "Kapag binawi mo 'yan ililibre mo ako ng buong isang buwan!" pagbabanta pa niya.
"Go and ask your mom!" ngisi ko at kinatok naman ako pinto ni Izzy.
"Kapag hindi totoo ay ikaw ang manlilibre ng tatlong pizza ngayon," saad niya at dinuro pa ako.
"At kapag totoo ay ikaw ang manlilibre ng tatlong pizza!" saad ko rin.
"Deal!" wika niya at sinaradong muli ang pinto.
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasy"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...