Kyla Sanchez's P.O.V.
Ilang saglit pa ay nandito na nga kami sa Louvre Museum.
Madaling araw pa lamang ay dilat na kami at excited nang mamasyal kaya naman maaga kaming naparito sa Museum.
Sa labas ay nagtagal kami kapi-picture sa pyramid at doon sa labas ng museum. Matapos no'n ay pumasok na rin kami.
I'm not into art but I really love this place. I'm a living art too, so, I belong here.
Syempre hindi magpapatalo ang dalawang kasama ko. Ako ang ginagawa nilang model minsan, si Izzy ang photographer habang si Harvy naman ang nagtuturo kung anong post ba ang gagawin ko.
"Take a look. 100 pesos ang isa," binigay sa 'kin ni Izzy ang camera para makita ang mga kuha nila sa 'kin.
"Anong 100? baka gusto mong burahin ko mga pictures niyo dito?" pagbabanta ko pa. Pero seriously, ang gaganda ng kuha nila na nakakahinayang burahin.
"Libre mo na lang kami," sabi ni Harvy na sinang-ayunan ni Izzy.
"Hindi mo pa pala ako nalilibre, ah!" bigla kong naalala ang usapan namin ni Izzy.
"Bakit mo kasi pinaala!" binatukan ni Izzy si Harvy.
▪▪▪
Habang iginagala ko ang aking paningin sa paligid ay napapansin kong nawawala ang peripheral vision ko.
Medyo nagpanic ako sa isiping mabubulag ako nang walang dahilan. Kinusot ko ang aking mata at kinalma ang sarili. Baka sakaling pagod lang dahil kanina pa naman kami naglalakad-lakad dito.
"Kyla," mahinang tawag sa 'kin ni Izzy sabay hawak sa braso ko. Ang kasabay ko kasing maglakad ay si mommy.
"Bakit?"
"Pinagtitinginan ako ng mga babae rito. Lumapit lang ako sa 'yo para malaman nilang taken na 'ko," mahinang bulong niya sa 'kin habang palihim na iginagala ang tingin.
Tinignan ko rin ang paligid at totoong pinagtitinginan nga siya. Nagtama pa ang tingin namin nung isang babae.
"Sana pala ay nagdala ako ng cardboard na may nakasulat na 'I'm single and ready to minggle'. Sayang ang daming chicks," Nakabusangot na wika ni Harvy.
▪▪▪
Mga alas tres ng hapon ay natapos na kaming mamasyal rito sa Louvre museum at narito na kami sa tapat nito kung saan maraming kainan. Pumasok kami sa La Café Marly at umupo sa maramihan, tanaw pa dito ang Louvre kaya walang paawat na nag picture ulit kami pagkatapos umorder.
"Doon lang pala magiging ganap na lalaki ang anak ko, sana noon pa lang ay pinatira ko na sa inyo," sabi ni Tita Ilona habang si Harvy ay kinukuhanan kaming dalawa ni Izzy.
"Mukha ba akong bakla?" may halong galit na tanong ni Izzy.
"Mukha ka raw may gusto sa 'kin, kaya parang gano'n na nga," nakangising sabi ni Harvy.
"Shut up," napipikong wika naman ni Izzy na pinagtawanan namin.
Kumain at nagkwentuhan lang kami hanggang mag-alas singko dahil naisipan nilang mag-swimming party.
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasía"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...