Kyla Sanchez's P.O.V.
Matapos mag-isip-isip ay nagugutom akong lumabas ng kuwarto. Tinignan ko muna ang oras sa dala kong cellphone bago lumiko sa kusina.
12:03 am
Bukas ang ilaw doon kaya inakala kong nandoon si Ralff ngunit bigla na lamang bumukas ang pinto, dahan-dahan pa iyon kaya kinakabahan akong lumingon.
"Ralff?" tinawag ko ito nang mamukaan, umayos naman ito ng tayo at nginitian ako saka awkward na kumaway. "Hi?"
"Saan ka galing?" lumapit ito sa 'kin at nginisihan ako.
"Sa kapit bahay mo. Nagluto ako dahil alam kong magugutom ako, I'll just wash up," saad niya at umalis sa harap ko. Kita ang pawis sa noo't leeg niya pati na rin ang namumula niyang labi na parang nilagyan ng lipstick at gulo-gulo ang kaniyang buhok.
"Seryoso pala siya doon?" bulong ko sa sarili at hindi pa rin makapaniwalang pumunta sa kusina.
Should I eat with him? Matapos niyang makipag- 'ano'?
"Hi, Kyla! Did you wait for me para ipagsandok ka ng pagkain?" binigyan niya ako ng mangkok na may lamang carbonara.
"Hindi ah! May iniisip lang ako," binigyan niya rin ako ng tinidor at isang baso ng tubig na siyang ipinagpasalamat ko.
"Ano na naman iyon? Tungkol pa ba kila Izzy o dahil na sa 'kin?" pinagtaasan ko siya ng kilay at pinaglaruan sa kamay ang tinidor na hawak.
"Ay Kyla, alam mo namang nagbibiro lang ako eh! Kung gusto mo ay ikuha pa kita ng kutsilyoooahh!" tumayo ako na siyang nagpatakbo kay Ralff paalis sa kinauupuan niya habang tumatawa.
Hindi ko na siya hinabol at nagpatuloy na lang sa pagkain, ilang segundo lang ay bumalik na ito at kumain na rin.
"Kyla, may proposal ako sa 'yo," seryosong saad niya at medyo lumapit pa. Hinintay ko lang siyang magsalita dahil kinakabahan ako sa pagkaseryoso ng mukha niya.
"A cruise ship party!" inilabas niya ang dalawang ticket at inilapag sa harap ko.
"Bukas ng gabi agad?" gulat na tanong ko.
"Kung ayaw mo ay yung kapitbahay mo na lang ang yayayain ko."
▪▪▪
Napilitan lang akong mag pack ng mga gamit but at the same time ay gusto ko ring mag unwind kaya pumayag na ako sa gusto nito.
As I've said, I want to experience everything before I die.
Bago pa magtanghalian ay naka handa na ang mga gamit ko para sa 2 days and 2 nights na party sa cruise ship. Hindi ko naitanong kung gaano kalaki ang cruise ship or kung anong klaseng party iyon but I remained silent. Gusto kong ma surprise...
Umuwi si Ralff kanina yatang madaling araw dahil hindi ko na siya naabutan paggising ko kaya mag isa akong nagluto ng lunch ko at naghintay na lang ng oras.
By 7 pm ay susunduin niya raw ako dito at ang alis ng cruise ship ay 10pm.
I ate light food by 6pm dahil alam kong sa mismong barko na kami maghahapunan, hinihintay ko si Ralff dito sa mismong pinto ko na dahil hindi na ako makapaghintay.
At exact 7pm ay may kumatok sa pinto ko na agad ko namang binuksan. "Kapag sinabi mong 7pm ay 7pm talaga, ano?" puna ko rito.
"Nandyan na ko sa labas nang mga bandang 6:40pm naghintay lang ako ng oras. Hinihintay nga kitang buksan yung pinto kasi akala ko ay excited ka," panunura pa nito bago kunin ang trolley bag ko.
Hinayaan ko siyang dalhin at ilagay ang bagahe ko sa likod ng kotse niya habang naguusisa ako rito sa loob.
Maayos naman at mukhang normal, pero napansin ko sa likuran ang isang bag. Iyon lang ba ang dala niya?
Pagpasok niya ay tinanong ko siya agad ngunit sabi niya ay hindi na raw iyon kasya sa trolley niya kaya hiniwalay na lang.
"Malapit na tayo pero maaga pa naman, gusto mong kumain?" tanong nito at huminto sa gasolinahan.
"Aayaw pa ba ako eh inihinto mo na yung sasakyan?" sabi ko at tinanggal ang seatbelt.
Ako ang namili ng kakainan namin, yung mabilis lang maluto at kainin para hindi kami maiwan ng cruise ship.
Nang mag insist si Ralff na bayaran ang kinainan namin ay hindi na ako umangal pa. "Ikaw ba ang nagbabayad sa pagkain niyo ng mga babae mo?"
"What? Bilang lang sa kamay ko ang inilibre ko ng dinner, kama agad!" hinabol ng kamay ko ang braso niya dahil halos isigaw niya iyon.
"Nakakahiya kang kasama!" naglalakad na kami sa parking at papunta na sa cruise ship. 9pm pa lang at sa tingin ko ay makakaabot naman kami dahil kita ko na ang malawak na karagatan sa kabilang kalsada.
Nang umalis na kami sa gasolinahan ay saka naman kami naipit ng traffic. "Ano, kaya pa ba? Takbuhin na lang natin at iwan mo na lang dito ang kotse mo. Bumili ka na lang ng bago," panunura ko dito nang hindi na ito mapakali sa kinauupuan niya.
"Shit, anong oras na?" natatarantang tanong nito ng umusad ang traffic at kulang na lang ay paliparin ang kotse.
"9:40 pa lang naman. Saka hindi ka naman siguro iiwan no'n dahil ikaw ang nagpa reserve, hindi ba?" saglit itong natigilan at tinignan ako saglit.
"Paano mo nalaman?"
"Nadulas ka kanina kaso hindi mo napansin kasi ang daldal mo. Pero ang sabi mo ay party? Ibig sabihin ay nag imbita ka ng mga friends mo?" hindi niya ako sinagot kaya hindi ko na siya kinausap mukhang nagmamadali talaga siya.
"We'll see," saad niya at inihinto ang kotse sa kung saan.
"yon ba yung sagot mo sa sinabi ko kanina? Nagla lag ba utak mo?" sagot ko at nagsimula na kaming maglakad takbo papunta sa daungan.
"Alam mo Kyla, ewan ko sa 'yo." surang saad nito na ikinatawa ko.
Ichineck ang mga bag namin at pinahalata ni Ralff na nagmamadali siya dahil ang tagal tagal kumilos nung lalaking nagchecheck nito.
"Kyla, kaya mo bang tumakbo? 9:55 na!" nang pinapasok na kami ay sabay kaming tumakbo, nakita ko na mula sa likod namin ay hinabol din kami nang security na parang may ginawa kaming mali.
"Ralff, hinahabol tayo!" sigaw ko rito, medyo nauuna siya dahil siguro mas mabilis siyang tumakbo.
"Hayaan mo!" sigaw nito pabalik at tumawa.
Iisa lang naman ang cruise ship na narito sa daungan kaya iisa lang naman siguro ang tatakbuhin namin ni Ralff.
Hinihingal kaming huminto sa harap ng medyo maliit ngunit maluwag na cruise ship. Kasya na siguro sa 20 hanggang 30 katao.
Lumapit sa 'min ang guard at nagtanong kung bakit kami tumakbo. "Baka iwan po kami nung cruise ship eh, sorry po HAHAHA!" nagawa pa nitong tumawa kaya siniko ko siya.
Tinulungan kaming iakyat ang mga bagahe namin. "Thank you po," pasasalamat ko pa dito matapos ibalik sa 'kin ang trolley bag ko.
Nang iangat ko ang nakangiti kong mukha para tignan ang cruise ship ay nawala ang ngiti ko sa unang bumungad sa 'kin. Actually, hindi ko alam kung anong ipapakita kong reaksiyon.
Halo-halo at nag uunahan ngunit tanging pagmamahal ang nauna. Lalo na nang humakbang pa ito palapit sa 'kin, tinitigan ang buong mukha ko at saka ako niyakap ng mahigpit.
Mahigpit ngunit hindi nakakasakal, masarap sa pakiramdam... Ipinikit ko ang aking mata at binitawan ang trolley saka siya niyakap pabalik kasabay ng pag agos ng hindi mapigilang mga luha.
A moment of silence as I let my heart pound uncontrollably, I also feel his heart in the same ferocity.
Naramdaman ko ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko at ang paglapit ng bibig niya sa tenga ko,
"I miss you... so much"
Enjoy!
-Imaginary Girl
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasy"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...