🥧 17 🥧

15 9 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

"OHMAYGHADD! AYOKO NA!" kinakabahang sigaw ni Zai habang nakakapit sa braso ni Dariel.

"Medyo magaling pa naman yung 11A-ABM," panunura pa ni Harvy.

"'Wag ka na nga magsalita! Hindi ka nakakatulong," nguso pa ni Zai.

"Nananahimik si Kyla ah. Nag-iisip na siguro kung sino tatamaan mamaya sa mukha," natatawang sabi naman ng katabi ko.

"'Wag mo 'kong igaya sa'yo," irap ko sa kan'ya.

"Kyla hindi ka ba kinakabahan?" tanong ni Matte.

"Konti," tipid kong sagot.

"Pwede ba 'yon? Ikaw, kinabahan ka na ba ng konti?" Curious na tanong ni Harvy sa nakasalubong naming babae. Binigyan lamang siya nito ng kinikilig na ngiti at nagtatatakbo palayo.

"Nagtatanong ako ng maayos tapos tatakbuhan lang ako?" nakangusong sabi ni Harvy.

Pag dating namin sa volleyball court ay naghanda na agad kami para sa laban. Habang hinihintay ang 11A-ABM ay hiniram muna namin ang bola at nag practice.

"Game na! Umayos na kayo!" sigaw ng referee sa 'min.

'Prrrtt!'

Nag serve ako na agad na ni receive ng kalaban, ni-receive din iyon ni Zai at nagpaulit-ulit ang ganoong eksena. Totoo yung sinabi ni Harvy na magaling sila at determinadong manalo, gaya namin.

5 - 7

Lamang sila at nag-iisip na ako ng pwede naming gawin kahit malayo pa sa 25 points ay feeling ko matatalo nila kami.

9 - 9

Patas ang laban na siyang lalong nagpainit ngayong hapon na ito.

"Kyla, set," bulong sa 'kin ni Sarah na tinanguan ko lang.

Nang pumunta sa'min ang bola ay nag-set ako na agad ini-spike ni Sarah na parang gigil na gigil kaya walang naka-receive niyon.

"Nice, gigil na gigil! Walang aawat kay Sarah ah!" natatawa kong sabi.

10 - 9

'Prrrtt!'

Nag serve ang kalaban, ni-receive iyon ni Zai and the rest are history. Nag patuloy ang pag puntos namin at ang paghabol ng kabila. Talagang nagkakasundo kami sa court na parang ine-enjoy na lang namin ang laban.

24 - 19

Last na lang at matatapos na ang first set.

'Prrrrtt!'

Nag serve si Zai ng bola na agad namang ni-receive ng kalaban. Noong pumunta sa side ko ay sinubukan ko ulit mag set saka tinawag si Sarah para iispike.

Naghiyawan ang mga nanonood pati na rin kami dahil sa pagkapanalo sa first set. Pumunta kami sa side nila Izzy para magpahinga at paghandaan ang second set. Inabutan ako ng tubig ni Izzy at pinaupo sa kaniyang tabi.

"Kyla, sino ang gusto mong matamaan sa mukha?" seryosong tanong sa 'kin ni Izzy.

"Ikaw," saad ko habang nagpupunas ng pawis.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon