Kyla Sanchez's P.O.V
"Ang landi!"
"Hindi naman masyadong kagandahan ang pangit pa ng ugali!"
"Sure akong siya pa ang pumilit kila Izzy na tumira sila sa iisang bahay."
"Huy, sa tingin nyo ba nagalaw na nila Harvy yan?" Lumingon ako sa nagsalita. Anong nagalaw?! Gusto ko silang sagutin kaso baka mag mukha akong guilty, eh wala naman kaming ginagawa sa bahay kundi magsigawan doon.
"Sure thing~" Akmang lalapitan ko ang mga babaeng sadya yatang pinaparinig sa amin nang akbayan ako ni Izzy.
"Don't make the things worse," Bulong ni Izzy kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
Habang paakyat na kami sa hagdan ay inalis na rin ni Izzy ang pagkaka-akbay niya sa 'kin pero kumapit naman sa bag ko. Hindi naman siguro ako masyadong amazona para hawakan niya ng ganito 'di ba?
Pagkapasok nila sa room ay natahimik ang lahat, napahinto rin ako sa pinto at nag-aalangang pumasok, ikinakahiya na nila ako, tama ba? Hindi pa naman nila ako masyadong kilala para sabihin nilang hindi ko magagawa iyon.
"Hayaan mo makakalimutan din nila yan," Bulong ni Harvy saka ako tinulak papunta sa upuan namin. Nakayuko lang ako at nag-iisip na naman ng kung ano-ano.
Ayokong makita ang mga mapanghusga nilang tingin. Oo, tama naman na nakatira nga kaming tatlo sa bahay ko, pero hindi naman nila alam kung ano ba talaga ang ginagawa namin. Its either bad or good samin-samin na lang 'yon. Pwera na lang talaga kung ipagkakalat nilang dalawa.
Pero paano nga ba nila nalaman na sa iisang bahay lang kami nakatira? I mean hindi naman namin tinatago ang tungkol doon pero iniisip ko lang na ganito nga, mag sasabi sila ng kung ano-ano, magagalit sila sa 'kin, at higit sa lahat baka i-bully pa nila ako.
Ang walong oras na klase ay sobrang tagal na sa 'kin, kung wala lang siguro sila Zai ay baka hindi ko na kayanin at magkulong na lang sa cr maghapon.
Katatapos lang ng break time namin at dahil maraming estudyante sa labas ay hindi ako sumama sa kanilang bumili kaya naiwan ako sa room nagpa- iwan din si Harvy para daw may kasama ako. Lumapit pa nga sa 'min si Charles at tinanong kung totoo raw ba ang mga chismis na naririnig niya. Bago magsalita ay nag-aalangang tumingin sa 'kin si Harvy at nang tumango ako ay umamin din siya pero itinanggi ang part kung saan nagalaw nila ako.
Tama yung sinabi sa 'kin ni Izzy noong unang beses na nagkita kami dito sa room.
"huwag na 'wag mong ipagkakalat na nakatira tayo sa iisang bahay? Malinaw? Mabilis kumalat ang issue at habang kumakalat iyan nag-iiba ang takbo ng istorya."
"Ma'am cr lang po," Lumapit ako kay Ms. De Leon at nag paalam. Agad naman siyang pumayag dahil nagle-lecture lang naman kami ngayon.
Tuloy-tuloy lang akong lumabas at dumaan sa tahimik na hallway, the thing is ayaw ko lang na makita pa ako ng iba kaya naisipan kong mag cr sa oras ng klase para walang tao sa daan.
Mabilis akong nakarating sa cr at binilisan na lang ang paggamit ng cubicle. Naka-ramdam ako ng mga babaeng pumasok kaya medyo kinabahan ako sa pwede nilang gawin sa 'kin kaya huminga muna ako ng sobrang lalim, pinaniniwala ang sarili na hanggang salita lang sila at hindi nila ako sasaktan.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay napaatras ako dahil sinabuyan nila ako ng juice sa mukha. "Opps akala ko basurahan, malandi pala. Let's go girls." Inihinilamos ko ang kamay ko sa mukha bago tumingin doon sa babaeng nagsaboy at nagsalita. Namamangha akong tumawa na siyang nagpalingon sa kanilang lima, "Anong connect ng basurahan sa malandi?" Nagtatakang tanong ko at nagtaka rin sila sa sinabi nung babae.
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasía"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...