Kyla Sanchez's P.O.V.
Nasa tapat ako ng ICU ngayon at pinagmamasdan si Ralff. Hawak ko ang suwero sa isang kamay at nakahawak naman ang isa sa salamin na namamagitan sa 'min.
Umaasa akong magigising si Ralff at sasabihin ang totoong nangyari at kung ako nga ang gumawa sa kaniya ay sana mapatawad man lang niya ako bago ako mamatay.
Ang naaalala ko lang noong gabing iyon ay ang mga sinabi niya, yung mga paliwanag niya, at yung time na napatawad ko na siya.
We're in good terms, bakit ko siya babarilin? Wala nga akong dalang kahit anong patalim at hindi naman ako sanay humawak ng baril eh. Hindi kaya...
Naisara ko ang kamao nang unti-unting naging malinaw ang mga nangyari.
May dumating na waiter! Siya ang may gawa nito sa 'min! Kung may CCTV nga doon gaya ng sabi ni Izzy ay bakit ako pa rin ang sinisisi nila?
Bumalik ako sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone. Hindi rin ako kinakausap ni Zai nitong nagdaang araw kaya kakapalan ko ang mukha kong hingin ang CCTV Video in case na mayroon siya.
I need some clarification. Kailangan kong linisin ang pangalan ko! Parehas kaming biktima ni Ralff at kaming dalawa ang witness kaya hindi ako papayag na mamatay ng gano'n si Ralff.
I also text Harvy at sinabi kong kung pwede siyang makausap. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago matanggap ang video mula kay Zai may kasama rin itong maikling mensahe.
Zai Mendoza
Kyla, best friend kita but I won't tolerate your act. I can't defend you this time.
Pinahid ko muna ang luha, na hindi ko alam kung dahil sa lungkot o pagkainis, bago pindutin ang video.
Nagsimula ang video nang parehas kaming nagkukwentuhan ni Ralff. Malayo at malabo ang video at halos hindi mo na ma indentify ang mga mukha namin pero dahil kami lang naman ang tao doon sa rooftop ay kami lang talaga ang makikita doon.
"No way..." hindi makapaniwalang usal ko matapos mapanood ang ginawa ko.
"HINDI AKO 'YON!" Naiinis na sigaw ko habang lumuluha.
Paano ko magagawang bumunot ng baril at nanginginig na itutok iyon kay Ralff saka walang pagdadalawang isip na barilin siya sa dibdib?
Nang bumagsak na si Ralff sa semento ay kinuha ko ang kutsilyo at sinugatan ang sarili sa leeg saka ako naglabas ng panyo at tinakpan ang sariling bibig hanggang sa bumagsak din ako sa tabi ni Ralff.
Tinitigan kong mabuti ang nasa CCTV nang madapo ang paningin ko sa kamay kong kumikinang. Mabilis kong hinanap ang singsing sa kamay ko ngayon ngunit wala akong nakita, pati ang bracelet kong bigay ni Izzy ay wala.
Anong nangyayari? Ano ang totoo? Naguguluhan na 'ko!
Hindi kaya kinuha ni Izzy noong tulog ako? Binabawi na ba niya lahat ng sinabi niya sa 'kin?
Mapait akong natawa at hinayaang lamunin ang isip ng mga kasinungalingang hindi ko alam kung saan nanggaling.
▪︎▪︎▪︎
Two days na 'kong nakalabas sa hospital pero walang tigil pa rin akong naghihintay sa labas ng ICU para abangan ang paggising ni Ralff.
Mula ng umuwi ako ay akala ko madadatnan ko sila sa bahay. Noong na discharge kasi ako sa hospital ay si Dr. Reyes ang naghatid sa 'kin at wala man lang sumalubong.
Sabagay, ano bang aasahan ko? Galit sila sa 'kin sa pagaakalang ako ang gumawa no'n kay Ralff. Tinanong ko rin si Dr. Reyes kung nasa kaniya ang singsing at bracelet ko sa pagbabakasakaling tinanggal lang niya ito habang tinetest ako, pero sabi niya ay wala naman siyang nakuha mula sa katawan ko.
Wala sa hulog na umalis ako ng bahay at dumaan sa isang pharmacy para bumili ng gamot para sa sakit ko. Hindi ko alam kung bakit umiinom pa ako ng gamot gayong mamamatay na rin naman na ako.
Ano pampatagal mabuhay? Pampahaba ng paghihirap?
Dumiretso ako sa ospital para tignan ang kalagayan ni Ralff. Mula sa malayo ay tanaw ko na ang dalawang lalaki sa pinto ng ICU. Mukhang mga body guard base sa mga tindig nito.
Bago ko pa masilip sa bintana si Ralff ay maagap na itong lumapit sa 'kin at sinabihang h'wag ng pumunta pa. Siguro ay alam na rin nilang ako ang may gawa no'n kay Ralff, well, siya lang ang nakakaalam ng tunay na nangyari... kasi kahit ako ay naguguluhan na rin kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
Umuwi ako nang maaga dahil sa hindi man lang ako pinayagang silipan si Ralff. Ayokong umupo na lang sa isang tabi dahil siguradong lalamunin lang ako ng pagiisip ko.
Sa ganitong pagkakataon ay ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko. Wala akong kakampi, walang nakakaintindi sa 'kin, akala nila ako yung masama.
Nag-iikot-ikot ako sa bahay pero lalo lang yata akong nangulila dahil sa bawat sulok ng bahay ay kung hindi mga ala-ala namin nila mommy ay mga pinagsamahan naman namin ni Izzy ang nakikita ko.
This life is torturing me! Kung panaginip man 'to, gusto ko ng magising!
Bago lumubog ang araw ay narito ako sa lugar na natagpuan namin, dito sa lagpas lang ng park, kung saan din kami minsan nanonood ng sunset. Wala na akong pake kung maalala ko sila, gusto ko lang ulit maramdaman 'yon.
Yung satisfaction, yung genuine smile, the laugh... the whole thing!
Babalik ba 'yon kung nabahidan na?
Matapos kong manood ng sunset ay tahimik akong umalis at pumunta sa condo, dito na muna ako magpapalipas ng araw dahil masyadong malaki ang bahay na 'yon para sa 'kin.
Kumakain ako ng hapunan dahil kailangan kong uminom ng gamot. Hawak ko ang camera at tumitingin sa mga picture namin.
Did Izzy even loved me? Bakit hindi man lang niya ako pinakinggan? Si Harvy? Hindi ba't mas mature siyang mag isip kaysa kay Izzy? Bakit hindi man lang niya pinansin ang message ko?
▪▪▪
"ARGH!" Gumising ako na halos sumabog na ang ulo ko sa sobrang sakit.
Mangiyak-ngiyak at halos hindi ko na maidilat ang mata ko sa sakit, gumapang ako pababa sa kama at hinanap ang binili kong gamot kahapon.
Nang makainom ay hindi na ako nakabalik sa kama dahil nag tuloy-tuloy na ulit ang pagluha ko, sa ngayon ay hindi ko na mapangalanan kung ano ang iniiyak ko.
Hindi na ako pumunta sa ospital ngayon dahil baka masayang lang ang effort ko at pigilan lang ako noong mga body guard. Alam kong nakarating na 'to sa mom ni Ralff at sigurado akong siya ang may kagagawan kaya may nagbabantay do'n.
Naglilinis ako ng condo ko pero panay ang pagtulo ng luha ko dahil kahit dito ay naaalala ko sila. They made a big impact to me, how can I move forward?
Tulala ako habang pinupunasan ang bintana na katabi ng kuwarto ko, naaalala kong ito ang favorite part nila dahil maganda ang view. Huminga ako ng malalim at tumingala para muling pigilan ang luha.
Maybe, kung magtatagal pa ang ganito ay baka closure na lang ang ioffer nila sa 'kin.
Sa kahit anong anggulo ay hindi ko na makitang magiging maayos pa rin ang lahat. Paano na 'ko? Ah, oo nga pala... hindi na rin naman ako magtatagal dito, I should do a lot of things! I should enjoy the remaining days of my life!
Should I try again? Pumunta kaya ako sa tambayan nila? Siguradong mayroong tao doon, pero h'wang na lang siguro.
What did I do to deserve this?
Bakit gano'n na lang sila kung pagbintangan nila ako?
Hindi ba nila ako kilala? Hinding-hindi ko kayang gawin 'yon!
Sure na 'ko, hindi ako 'yon! That was fake! Baka in edit nila or what-- pero sigurado akong hindi ako 'yon.
Why in a world full of lies, the one who tells the truth will always the loser?
Enjoy!
- Imaginary Girl
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasia"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...