🥧 33 🥧

7 6 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Naisip kong ilang linggo na akong hindi pumapasok sa school, pinapabayaan ko na ang sarili, at parang ang hina-hina ko na.

Wala na akong makitang dahilan para magpatuloy, should I end this?

Ilang araw ko na ring tinigil ang pagdalaw kay Ralff, nawawalan na kasi ako ng pananampalatayang maayos pa ang kung anong nasira.

Nadedepress na 'ko rito dahil wala akong makausap kundi ang sarili ko, pinapaniwala sa mga salitang ako mismo ang gumagawa. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang tama o mali eh.

Hindi ko alam kung anong oras na pero nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito, indikasyong may nag text.

Zai Mendoza

Kyla, I know na sobrang sakit sa 'yong mawalan ng magulang pero ibang usapan na kung gaganti ka gamit si Ralff. Kung sana nag usap na lang kayo ng maayos at walang nangyaring barilan ay hindi sana madadamay pa si Tita Ilona.

Kinabahan ako sa nabasa. Anong nangyari kay Tita Ilona? Kaya ba sila galit sa 'kin?

Nang maisip na ako ang puno't dulo ng lahat ay sinisi ko na rin ang sarili. Galit na rin ako sa sarili ko. Bakit pa kasi ako pumayag na makipagkita kay Ralff?

Paano kung set up pala iyon ng mga magulang ni Ralff sa 'kin para mas pahirapan pa ako at makahanap ng dahilan para saktan o kung ano mang ginawa nila kay Tita Ilona?

Nagsasabi ba ng totoo sa 'kin si Ralff? Totoo ba lahat ng sinabi niya sa 'kin? Naghihintay lang ba ako sa wala?

Kung gano'n ginawa nilang pain si Ralff, nagawa nilang saktan si Ralff para lang magawa nila itong-lahat ng ito?

Muling nag text si Zai sa 'kin.

Zai Mendoza

Wala na rin si Tita Ilona. Pinatay ng tauhan nila Ralff.

Si Izzy... gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang kumustahin, kaya lang kapag nakita niya ako ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya.

Siguradong galit sa 'kin iyon, nasa akin ang sisi nilang lahat dahil ako nga daw ang may gawa no'n kay Ralff. Sapat na ba 'yong ebidensiya?

Bakit hindi muna nila kami tinanong kung ano bang nangyari? Ah, kung act lang ni Ralff yung mga sinabi at pinakita niya sa 'kin, baka baliktarin niya rin ang pagkukwento, sinong talo?

Ako na nagsasabing hindi ko ito kayang gawin sa kaniya... ako na nagsasabi ng totoo...

Hinayaan ko muling umiyak ang mga mata kong pagod na pagod na. Halos sumakit na ang ulo ko at sumabay pa ang hika. Sa sobrang sakit ay hindi ko na nga magawang kunin ang nebulizer ko.

Kinuha ko ang cellphone at wala sa sariling nag search ng mga painkillers, baka sakaling mapawi nito ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi na kasi sapat ang mga ibinigay sa 'kin ni Dr. Reyes. Nang makahanap ay dahan-dahan akong tumayo at nag ayos, hinayaan ko na ang histsura kong namumutla na sa sakit.

Bumaba ako sa building at pumunta sa pinakamalapit na pharmacy dito. "Ate, mero'n po kayong Oxycodone?" tanong ko sa tindera.

"Oo mero'n, patingin muna ng reseta? Delikado kasi ang gamot na ito, ine." agad akong nag isip ng rason para mabigyan ako.

"Pero naiwan ko po sa bahay, dayo lang po ako rito at hindi ko naman po alam na aatake ang sakit ko," kung may nakakaalam lang na umaarte ako rito ay baka palakpakan ako nito.

Kagat ko ang labi habang nakatingin sa 'kin si ate, nag iisip siguro kung bibigyan ba ako o hindi. "S-sige na po, sobrang sama na po talaga ng pakiramdam ko."

Hindi ko alam kung arte pa ba iyon dahil halata na sa hitsura ko ang sakit, mahigpit na nga ang hawak ko sa poste dahil pakiramdam ko ay bubuwal na 'ko.

"Oh ito, siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo, ha?" binigyan niya ako ng botelya na naglalaman ng gamot na hinihingi ko.

"Maraming salamat po!" matapos ko magbayad ay hindi ko na yata kayang humakbang paalis dahil tila ako malalagutan ng hininga sa bawat galaw ko.

Pinilit kong bumalik sa loob at napaupo na lang nang makapasok na 'ko sa elevator, thankful because I'm the only one here.

Nang nasa pangatlong floor na ay bumukas ang pino at may pumasok na matandang babae, napansin niya ako kaya huminto ito sa harap ko.

"Ayos ka lang, hija? Namumutla ka na ah?" tinignan pa niya kung may lagnat ako.

"O-okay lang po. Bumili na po ako ng gamot, maya-maya ay magaling na po ako," hindi makatinging saad ko.

Gusto kong maiyak dahil siya ang unang beses na nagtanong sa 'kin kung ayos lang ako. Hindi ako makatingin dahil natatakot akong malaman niya ang mga masasamang ginawa ko.

Siguro deserve ko 'to, ano?

"Patingin ako ng binili mo," inilabas ko sa plastic ang Oxycodone at ipinakita sa kaniya.

"Diyos ko mahabagin, nakamamatay ang gamot na iyan! D'yan namatay ang apo ko! H'wag mo inumin iyan!" humigpit ang hawak ko sa gamot at lalo lang umusbong ang kagustuhan kong inumin ito.

"G-gamot ko po ito. Alam ko kung paano ito inumin dahil halos tatlong buwan ko na po itong ginagamit," pagsisinungaling ko pa.

Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong lumabas at dumiratso sa unit ko.

Kagat ko ang labi habang hinihintay mapuno ang baso ng tubig. Nang mapuno ito ay hindi ko na alam ang ginagawa ko, nanginginig kong kinuha ang bote ngunit dumulas ito sa kamay ko at gumulong pa.

Muli ko itong kinuha at hindi na magawang tumayo, nakaupo ako sa sahig at may pagmamadaling buksan ito. Wala na ako sa katinuan ko, parang gusto ko na lang tapusin ang lahat.

Wala naman ng saysay, mabuti pang mauna na tayo sa brain tumor ko, hindi na ako makapaghintay ng 5 years para mamatay.

"Diyos ko mahabagin, nakamamatay ang gamot na iyan! D'yan namatay ang apo ko! H'wag mo inumin iyan!" narinig kong muli ang sabi ng matanda at mapait na tumawa.

Well, that's my goal.

Nanlalabo ang matang ibinuhos ko ang laman ng bote sa kamay ko, nagawa ko pa itong bilangin at ibalik ang iba. Tatlo lang ang kaya kong lunuking ng sabay-sabay, ayos na siguro 'yon para ma overdose ako at tuluyan ng sumama kila mommy.

Ayoko na dito...

"KYLAAA!"

"WHAT THE FVCK? SPIT IT!" May malakas na pwersang lumapit sa 'kin at pilit binubuksan ang bibig ko at dinukot ang gamot na lulunukin ko na sana.

Enjoy!!
- 1mgnry_Grl

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon