🥧 30 🥧

8 6 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Walang emosyon kong tinitigan si Izzy, matagal at hinahanap ang pwedeng maramdaman sa oras na 'to.

Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak sa 'kin ni Izzy at wala sa oras na nag sunod-sunod ang pagluha ko.

Agad akong niyakap ni Izzy nang magsimula akong humikbi. Naramdaman ko rin ang paghaplos ni Harvy sa ulo ko bago ako mamanhid.

Ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay ang mga oras na kasama ko sila. At ang huling beses na nakasama ko sila. Iyon na pala ang huli, sana pala ay tinagalan ko na, sana pala mas pinahaba ko pa ang pag-uusap namin. Natatakot akong kalimutan ang mga ngiti nila, natatakot akong mag-isa.

Bakit gano'n? kapag namamatayan tayo ang una nating maiisip ay ang mga memories natin with them?

Alam kong narito ang mga kaibigan ko para samahan ako pero sa oras na 'to feeling ko nag-iisa na lang ako sa mundo at walang kakampi.

Ang saya-saya ko na kanina eh. Bakit nga ba hinayaan ko na naman ang sarili kong maging sobrang saya? When I let my guard down, it always ended tragically.

Kailan ba 'ko magiging masaya na hindi aalalahanin ang mangyayari pagkatapos? A never ending scenario... I hate this.

Tumigil na ako sa pag-iyak dahil nailabas ko na yata lahat ng tubig sa katawan ko. Nakatulala lang ako sa kisame habang naka sandal. Hindi ako iniwan ni Izzy and I really owe him one.

"Kyla, inaasikaso na ni mommy yung mga kailangan natin. Lilipad tayong France para... makita mo sila... sa huling pagkakataon," mahinang bulong ni Izzy.

Hindi ako sumagot at akala ko ay naubos na ang luha ko ngunit muli na naman itong tumulo at inalala ang mga oras na nahahawakan at nakakausap ko pa sila.

When we first went to La Ciel de Paris Restaurant gusto niyang makita ko kung gaano ito kaganda tuwing gabi but we came at sunset and she said 'Maybe, next time'. Then, the next time came and I am with my friends but it's lunch time so 'marami pa namang susunod'.

Akala ko mayroon pang next time? Oo, marami pang susunod pero paano kapag nakita ko na iyon sa unang pagkakataon ngunit wala kayo? Hindi niyo masasaksihan yung reaksiyon ko. Baka imbis na matuwa ako ay umiyak lang ako habang inaalala kayo.

Ayokong maniwala hangga't hindi ko nakikita sa personal pero hindi rin naman sila mukhang nagbibiro.

At the moment, I knew that I cannot escape. Maybe I can but not so long, at the end of the day I'll still go back and find myself thinking about it.

Nakatulog ako no'n sa sobrang pagod kaiiyak at maaga ring nagising dahil naalala kong ngayong araw din ay lilipad kami patungo sa France. Kaya bago pa kumatok si Izzy ay nakahanda na akong umalis.

"Gigisingin pa lang sana kita. I cooked breakfast kumain na muna tayo," inakay niya ako pababa sa kusina at pinaghanda ng pagkain.

"Nasaan si Harvy?" tanong ko.

"Naliligo na, sasamahan muna kitang kumain," ngiti niya sa 'kin na nginitian ko rin.

Nang dumating naman si Harvy ay umalis na siya para maghanda na rin. Hindi nila ako hinayaang maiwan mag-isa, dahil alam nilang malulungkot lang ako.

Nagpahatid kami kay Kuya Jud sa airport at sinabing hihintayin niya kaming makapasok sa arrival area bago siya umuwi, na lagi naman niyang ginagawa tuwing umaalis kami.

"Feeling ko may problema," saad ni Izzy habang naglalakad kami.

"Bakit?"

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon