Kyla Sanchez's P.O.V.
"Kyla? Ayos ka lang?" Napa-ayos ako ng upo at hinabol ang aking hininga, saka ko inikot ang paningin sa paligid. Nasa isang kuwarto ako kung saan pinapalibutan ako ng mga kaibigan ni Izzy.
"Kyla! Kanina pa nagdudugo ang ilong mo!" Mangiyak-ngiyak na pinahid ni Zai ang ilong ko. Kinuha ko naman sa kanya ang tissue at ako na mismo ang nagpunas.
Panaginip lang ba 'yon?
"Kyla? Naririnig mo ba kami? May masakit ba sa'yo?" Tanong ni Charles, kita sa mga mata nila ang pag-aalala kaya tumango ako.
Para kasing totoo...
"Anong nangyari sa 'kin?" Tanong ko na siyang nag pasinghap sa kanilang lahat.
"W-wala kang maalala? K-kahit ano? Anong pangalan mo?" Nagmamadaling tanong sa 'kin ni Charles. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa because this is a...serious matter.
"What I mean is bakit kayo nandito? Ano yung nangyari habang wala akong malay?" Nawalan ba 'ko ng pulso? or something?
"Wait! Can I have a glass of water?" Inunahan kong magsalita si Izzy dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko. Agad naman nila akong binigyan ng bottled water.
"Napansin ko kasing binabangungot ka, pinipilit kitang gisingin nang dumugo ang ilong mo, pinapawisan ka na rin noon kaya tinawag ko na si Charles, I was worried na baka..." hindi na itinuloy ni Izzy ang sasabihin niya gayong tila alam naman namin kung ano ang isusudlong ni Izzy doon.
"Na baka...?" curious na singit ni Zyrille na agad namang tinapik ni Charles sa tiyan, pinapatigil.
"Na baka mamatay ako?" walang hiya kong sabi matapos uminom ng tubig.
"Akala ko rin eh..." mahinang dagdag ko. "Hoy! ANO KA BA?" Mahina akong hinampas ni Zai sa braso, marahil ay narinig ang sinabi ko.
"Bakit? Ano bang napanaginipan mo?" Tanong ni Harvy. Nagsi-ayusan naman sila ng tayo na parang magkukwento lang ako ng isang alamat.
Ikinuwento ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari sa panaginip na iyon. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpaalam na agad kami para umuwi. Sa paglabas pa lang ng bahay ay kumakabog na ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay mauulit na naman iyon.
"You okay?" Mas lalong nagkawala ang puso ko sa biglaang pag-akbay sa 'kin ni Harvy. Hinihingal kong hinimas ang dibdib ko sa sobrang takot at gulat.
"Ano ka ba naman! Harvy! Papatayin mo ko sa nerbiyos!" Mabilis na sabi ko.
"Oh, sorry" Pinasakay na niya ako sa passenger seat ng kotse ko habang si Izzy ang umupo sa driver's seat.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang pauwi kami. "Ipagpapaalam kita bukas. Huwag ka munang pumasok," Tumingin ako kay Izzy dahil sa desididong desisiyon niya. Tinitigan ko pa siya, hinihintay na bawiin ang sinabi niya ngunit hindi na siya nagsalita kaya marahang tumango na lang ako at ibinalik sa labas ng kotse ang tingin.
▪▪▪
Paano pala kung may dalang mga patalim o baril yung mga nagtangkang dumukot sa 'kin?
Palaisipan kong tanong habang mabagal na kumakain ng lugaw na gawa raw ni Harvy, ayon na rin sa note na nakita ko sa may ref. Ininit ko na muna ito dahil tanghali na akong nagising.
Panay naman ang text sa 'kin ni Harvy kahit alam kong oras ng klase nila ngayon.
[Kyla! Mahirap talaga ang LDR! Tiis-tiis lang muna, ha?]
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasía"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...