🥧 23 🥧

15 7 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

On the other day, si Harvy ang namili nang pupuntahan namin. Hindi siya pumayag na hindi sasama dahil magde-date lang daw kami. Kaunti na lang ay iisipin kong kontra-bida siya sa amin ni Izzy.

Saka hindi na namin kasama si Ralff, kaya malaya si Harvy'ng guluhin kami maghapon.

Pauwi na kami ngayon matapos mamasyal ngayong araw. Medyo maaga pa pero umuwi na kami para magpahinga dahil mas malayo na raw ang pupuntahan namin bukas.

Tsaka medyo wala akong sa mood ngayon dahil nawala yung peripheral vision ko. Ayoko namang sabihin at baka masira pa ang vacation namin.

Normal pa ba 'to? Kanina pa kasi nawala at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.

Dahil maaga kaming umuwi at kahit wala ang peripheral vision ko ay hindi ko sinayang ang pagkakataon na magpakuha sa veranda namin kung saan tanaw ang Eiffel Tower.

"A city of love with my favorite person, I'll never ask for more..." wika ni Izzy matapos akong kuhanan habang hawak ang librong dala ko.

"Hey, hey! What's going on here?" singit ni Harvy na kalalabas lang sa kuwarto niya.

"Tutal nand'yan ka na, take us a picture!" binigay niya ang camera kay Harvy at pumwesto sa tabi ko.

"What the? Kalalabas ko lang, magseselos na naman ako. Ganito ba talaga ang trabaho ng third wheel?" bubulong-bulong na sabi ni Harvy habang itinatapat sa 'min ang camera.

"Oh game na! Mabilis lang ah, 1...2...3..." sunod-sunod ang pagkuha ni Harvy at isinauli muli kay Izzy.

"Kami naman, as a friend!" pumuwesto naman si Harvy sa puwesto ni Izzy kanina. Ako naman ay nagtatakang tinignan sila.

"Bakit ba parang nagpapa-picture kayo sa 'kin?" takang tanong ko.

"Oo nga , 'no? Sino ka ba?" biglang saad ni Harvy at lumayo nang bahagya sa 'kin. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Izzy at nang tignan ko ito ay nakatapat sa 'min ang camera.

Kinikilig ba siya sa 'min ni Harvy? Yuck.

"Harvy, halatang-halata ka naman. Kalmahan mo lang nasa harap mo 'ko," sabi ni Izzy at binigay sa 'kin ang camera.

He's still have a crush on me?

"Bakit, natatakot ka ba?" tanong ko habang tinitignan ang mga picture.

"--na maagaw ka ni Harvy sa 'kin? Bakit ako matatakot? Si Harvy lang naman 'yan," prenteng wika ni Izzy.

"Picturan mo na nga lang ako ng solo!" sabat ni Harvy. Nginisihan ko siya bago itapat sa kaniya ang camera.

"Dito ka, tapos dapat kasama 'to," sinunod ko ang gusto niyang anggulo.

"Medyo itaas mo, tapos, dapat kita ang jaw line ko d'yan ah."

"Against the light dapat, para mukhang silhouette," napaka-dami namang request!

▪▪▪

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon