Kyla Sanchez's P.O.V.
"Kyla! Buksan mo ang pinto!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw at pagkatok sa pinto.
"Kyla! Bilis, excited na 'ko!" Bumangon ako at dumiretso sa cr para maligo, hindi alintana ang pagtawag ni Zai sa labas.
Mawalan pa siya ng boses d'yan.
Paglabas ko sa cr ay tahimik na ang pinto kaya nagmadali na akong nag-ayos at binuhat ang mga kahon sa kama saka bumaba para tawagin si Zai.
"Pakain ako ah?" nadatnan ko si Zai na kau-upo lang at kumuha ng hotdog.
"Zai, napaka-aga mo naman ngayon," lumapit na rin ako sa kanila, umupo, at nakikain.
"Tumakas lang ako sa 'min eh HAHAHAHA," tinitigan ko siya, nakangiti siyang kumakain ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at hindi mapangalanang sakit.
"Sinong nagluto? Bakit sunog!?" Reklamo ni Zai habang ini-scan ang hotdog na kalahati ang sunog.
"Ikaw na nga itong nakikikain ay nagrereklamo ka pa! Masarap kaya ang sunog!" Confirmed, si Harvy ang nagluto.
Pagkatapos naming kumain ay hinatak na ako ni Zai sa taas at hinayaang si Izzy ang mag hugas ng mga pinagkainan.
Pumunta kami last week sa divisoria para umupa ng gown pero wala akong nagustuhan kaya ang ending ay sinabi ko kay mommy na magpapatahi na lang ako. Dumating na kahapon lahat ng isusuot ko , kumpleto na mula sa ball gown, sa talent na gagawin ko, at sports wear. Yung sa casual wear ay naghalungkat na lang ako ng damit sa cabinet ko.
Noong isang linggo ay nagsimula na rin kaming mag practice ng talent ko at talaga namang umaayaw na ako. Parang ayoko na lang umatend, nagi-isip na nga ako ng dahilan at mga paraan para hindi na ako makadalo like mabalian ako ng buto, ma-aksidente, ma-ospital, or something worst.
"Wow! Ang ganda nito! Bilis, isukat mo na!" hindi pa man natitignan ay inabot na agad sa 'kin ni Zai ang sports wear ko na naka lagay sa maliit na box.
"Tapos aralin na rin natin ang pag rampa. Isukat mo na 'yan, magse-search lang ako." wala na akong magawa kung hindi pumasok sa cr at isukat ang susuotin ko para sa sports wear.
Sa loob ng dalawang linggo ay si Zai ang nag-asikaso at nag-encourage sa 'kin na magpatuloy. Dalawang araw na lang ay intrams na namin at magkakaalaman na nga. Gagawin ko 'tong lahat para kay Zai, para hindi masayang yung effort niya.
Noong araw na iyon ay nag-focus lang kami ni Zai sa kung paano ang tamang paglalakad.
"Okay na! Pagod na 'ko," hinihingal akong humiga sa kama ang kalahati ng katawan ay nasa lapag at may suot na 7 inches na pumps.
"Bukas ulit tapos practice ulit nung talent mo, ah?" umupo ako para tanggalin ang pumps ko at nakitang namumula ito.
"'Wag na kaya? Baka magsugat yung paa ko tapos sumakit sa monday," saad ko habang hinihimas ang namamagang paa.
"Hala, oo nga! Sige, practice na lang tayo ng talent mo bukas ah! BYE~" Tinapik-tapik niya ang likod ko at lumabas ng kuwarto ko.
Itinabi ko na ang heels na gagamitin ko sa gilid ng kabinet ko at iika-ikang bumaba ng naka paa.
"Saktong-sakto! Kyla! Tara kain na tayo!" sinilip pa ako ni Zai mula sa pintuan ng kusina, mabagal akong naglakad papunta sa kusina para kumain.
"Oh, anong nangyari sa 'yo?" nilingon ko si Izzy na pababa na rin ng hagdan. Marahil ay napansin ang mabagal na paglalakad ko.
"Namamaga yung paa ko dahil sa heels," paliwanag ko pa.
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasía"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...