Kyla Sanchez's P.O.V.
"Mommy," parehas lumingon ang mommy namin ni Izzy kay Izzy, ngunit ang paningin niya ay nasa mommy ko.
"Ah, mommy na rin pala ang tawag?" nanunuyang saad ni Tita Ilona.
"Pwede bang matulog si Kyla sa kwarto ko?" nakangiting tanong ni Izzy na siyang nagpatahimik sa paligid.
It's new years eve at umuwi na naman sila mommy to celebrate with us. Sobrang dami naman nilang pera para magpabalik-balik dito?
"Pwede naman," walang pag aalinlangang sagot ni mommy.
"...pero sa sala ka matutulog," nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagnguso sa idinugtong ni mommy.
Noong gabing iyon ay hinayaan nila akong matulog sa kuwarto ni Izzy, pero nasa guest room si Izzy kasama si Harvey.
His room is very manly, karamihan sa gamit niya ay itim habang ang pintura ng kuwarto niya ay puti. Mayroon din isang malaking lalagyan na naglalaman ng mga trophy at medals.
▪▪▪
"Isang linggo pa bago ang pasukan nating, 'di ba?" panimula ko matapos uminom ng tubig. Narito kami sa sala namin para sabihin ang magandang balita.
"Oo, may surprise ba kayo sa 'min? Gala? Swimming or what?" na-eexcite na sabi ni Zai.
"It's a trip to Paris, France," nakangiting anunsyo ni Izzy.
Saglit na natahimik ang tatlo bago magsigawan at umalis para ihanda ang dadalhin.
Noong gabi ring iyon ay umalis kami sa pilipinas kasama ang magulang namin. It's a three days vacation kaya wala na kaming sinayang na pagkakataon.
"Paalam ko sa magulang ko ay tatlong raw akong magii-sleep over. Hindi nila alam nakapunta na 'kong France!" sabi ni Matte habang naglalakad kami palabas ng airport.
"Nagpaalam kayo?" tanong ni Zai.
"Wait, hindi ka nagpaalam? Kahit sa kuya mo?" tanong ni Dariel.
Pagdating namin sa France ay kumain kaming lahat doon sa kinainan din namin noon sa La Ciel de Paris Restaurant.
Sadly ay hindi gabi at hindi na naman namin masasaksihan kung gaano kaganda rito kapag gabi pero gaya nga ng sabi nila...
"Marami pa namang susunod."
Kinabukasan, kahit gusto na nilang pumunta sa eiffel tower ay ititira namin iyon sa huling araw namin dito. Pumunta na muna kami sa Arc de Triomphe at sa mga outdoor places na maaari naming puntahan.
"Bakit ba sumama pa tayo? Para ano? Maging third wheel?" bitter na saad ni Matte habang kinukuhanan kami ni Izzy.
"Pre, alam mo na ang pakiramdam! Yes, hindi na ako nag-iisa sa mundo!" sigaw ni Harvy na nagpalingon sa mga dumadaan.
Noong sumunod na araw ay pumunta kami sa dalawang museum. It was the best feeling, ang saya-saya ko to the point na hindi ko na inisip ang susunod na kahiinatnan nito.
I will cherish this moment, just in case.
"Pre, may nagpakilala sa 'kin! Ito oh, binigyan pa ako ng calling card niya," humahangos na sabi sa 'min ni Matte.
"Kaya pala ang tagal mo! Wala bang kasama? Sana pinakilala mo ako sa kaibigan," nagbulungan na sila ni Matte doon kaya hinayaan na namin.
BINABASA MO ANG
Pie in the Sky
Fantasía"If it is a dream, don't wake me up." Kyla Sanchez is a girl with a simple yet unimaginable dream. She wanted friends... with specific people. For a reason, she had a coma for 10 months. After she recovered, Kyla started to think and ask about her...