🥧 3 🥧

35 15 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V


"NAGUGUTOM NA KAMI! Ang tagal mo naman Kyla!" Nanlaki ang mata ko at nawala ang antok.


Shet! Nakalimutan ko iba na pala kasama ko sa bahay.

"Oh? Anong tinatayo-tayo mo dyan? Kanina pa kami nagugutom."sabi ni Izzy.



Huminga na lang ako ng malalim at walang nagawa kundi magluto ng pwedeng almusalin. Wala akong gana na patulan ang mga pagsusungit nila..sa ngayon. Pasalamat kayo at wala akong sa mood kung hindi pare-parehas tayong papasok ng gutom.


"Tahimik ka ba talaga??" Tanong ni Harvy kaya inirapan ko lang siya at hindi sinagot ang tanong.



"Kaya ayoko kitang kasama sa umaga eh! Napaka-hyper mo!" Singhal ni Izzy.


"Mahal din kita, babe!" Hinaplos pa ni Harvy ang kamay ni Izzy na nasa lamesa.

"Yuck! Kadiri ka talaga!" Ipinunas pa ni Izzy ang kamay na hinawakan ni Harvy sa polo shirt niya.


Tumawa ng malakas si Harvy saka tumayo at nilagay sa sink ang pinagkainan.


"Oh? Hugasan mo 'yang pinagkainan mo!"sabi ko at tumayo na rin.


"Ikaw na tutal tapos ka na rin naman eh..pasabay ahh thanks."sabi nya at mabilis na lumabas.


Huminga na lang ako ng malalim at inilagay sa sink ang pinagkainan saka bumaling kay Izzy na sarap na sarap sa niluto ko.




"Alam mo ba na ang rules namin dito ay kung sino ang huling matapos kumain ay siyang maghuhugas ng pinggan?" Nakangiting sabi ko.


"Hindi." Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya kung hindi lang siya umiling.



"Ngayon alam mo na. At ito nga pala ang susi ng bahay, walang duplicate iyan kaya huwag mong iwawala. Bye!" Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.


Pagdating ko sa parking lot ay napansin ko si Harvy na nakasandal sa kotse na itim ang alam ko ay gray ang kotse na dala nila kahapon??


Lumabas ako ng kotse at didiretso na sana papuntang room ng hinawakan ni Harvy ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.


"Pwede bang--Teka..Nasaan si Izzy?" Takang tanong ni Harvy.


"Pinaghugas ko muna ng pinggan?" tumingin-tingin pa sya sa paligid.


"Yon?napaghugas mo ng plato?maniwala?" Hindi siya makapaniwala? Halatang mga tamad ah.


"Tanungin mo sya," tumalikod na ako at naglakad na papunta sa room.



Pagpasok ko sa room ay wala pa si Zai kaya umupo na lang ako at inilabas ang phone habang naghihintay. 10 minutes pa naman bago magsimula ang klase.



"Papasok na kaya sila?"


"Oo pre, nakita ko sa parking lot!"


"Jusko ayan na naman si Harvy! Sino kaya ang malas na taong kukulitin niya ngayong umaga?"


"Baka yung transferee sawang-sawa na iyon sa pagmumukha natin eh." At nagtawanan pa sila.


Umingay ang paligid noong may pumasok, pinagkaguluhan siya ng mga lalaki kaya kahit anong haba ng leeg ko ay hindi ko makita kung sino iyon.

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon