🥧 37 🥧

8 6 0
                                    

Kyla Sanchez's P.O.V.

Siya ang unang humiwalay sa yakap, walang lingong tinalikuran ako at naglakad paalis na parang walang nangyari.

"Tara, h'wag mo muna--"

"So, this is your plan?" walang emosyong pagputol ko sa sinasabi niya.

"Yeah, but--" muli ko na naman pinutol ang sasabihin niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin para napaghandaan ko naman?" lumingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Kasi baka hindi ka pumayag saka ito naman ang gusto mo, 'di ba? Ang malaman nila ang totoo. Tutulungan kita, Kyla. Dala ko ang lahat ng ebidensiya!" tinitigan ko lang ito dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Tama siya, ito nga ang gusto ko.

"Saka nakita mo ba yung ginawa ni Izzy? Niyakap ka niya!" natutuwang sabi niya. "Means hindi ka niya kayang tiisin! Makikinig siya sa lahat ng sasabihin ko and boom! Pwede na kayong magsimula ulit," nagsimula na kaming maglakad papasok dahil aalis na ang cruise ship para huminto sa gitna ng karagatan.

"Sino-sino pa ang inimbita mo?" tanong ko at hindi inintindi ang huling sinabi nito.

"Actually, hindi ko alam sa kanila dahil ang sabi ko ay mag sama sila na hindi lalagpas sa 20 pero mukhang mas maunti ang sinama nila dahil wala man lang tayong nakasalubong."

"Baka ayaw lang nila akong makita," wala sa sariling sabi ko.

"Kyla, hindi na sila galit sa 'yo. Nandito nga sila para pakinggan yung totoo, 'di ba? Saka deserve mong makalaya sa kung nasaang madilim na parte ka, deserve mong makalaya sa kulungan dahil hindi mo naman ginawa ang kasalanan na ibinibintang nila, kusa kang pumasok sa kulungan at nandito ako para ilabas ka."

Sinundan ko si Ralff sa pinasukan niyang kuwarto. H'wag niya sabihing matutulog kaming dalawa dito?

Aber kahit awkward pa kami ni Zai ay hahanapin ko siya at makikitulog!

"I'll just leave my things here tapos sa kabilang kuwarto ako matutulog. But..." sinadya niyang hindi tapusin ang sasbihin kaya hinintay ko siyang ipagpatuloy.

"Yung good night kiss ko muna?" Lumapit ito habang nakanguso at akmang hahalikan nga ako.

"EHEM!" Sabay kaming lumingon sa nakabukas na pinto. Mas nanlaki ang mata ko ng si Izzy iyon at malamig na nakatitig kay Ralff.

"Sumunod ka sa 'kin," wika nito at umalis na kaya nagmamadaling tumayo si Ralff. "Sasabihin mo na ba sa kaniya?" pigil ko dito.

"Alam kong iyon lang din ang pag uusapan namin but no, not yet. Matulog ka na," tinapik pa ako nito sa likod bago pumunta sa pinto.

"Kyla," tawag nito habang nakadungaw ang kalahati ng katawan. "Nananapak ba si Izzy kapag galit?"

"Ha?"

"Never mind, just pray for me, OKAY?" hindi na nito hinintay ang sagot ko at tuluyan ng umalis. Sinarado ko naman ang pinto at muling naupo sa kama.

Sundan ko kaya? Nacu-curious ako! Paano kung bigla na lang itulak ni Izzy si Ralff sa dagat? Kawawa naman si Ralff, siya na nga ang nagbayad nitong cruise ship tapos itatapon lang siya sa dagat.

Nagpalit lang ako ng pang-itaas bago mahiga. Mula dito ay tanaw na tanaw ang buwan na napapaligiran ng bituin. Ang ganda, hindi nakakasawang titigan.

Ilang minuto na 'kong nakatitig sa buwan ngunit hindi naman ako makatulog knowing na kasama ko sa iisang lugar sila Izzy. Sila na unang tumalikod sa 'kin.

At saka iniisip ko yung mga maaaring mangyari bukas, wala akong alam kung kailan niya kakausapin sila Izzy but I'm ready. I don't have a choice, though.

Nakakailang baling na rin ako rito sa higaan ngunit hindi man lang ako makaramdam ng antok kaya umupo ako at huminga ng malalim.

Baka nagugutom lang kaya hindi ako makatulog.

Bumangon ako at nagsuklay na hindi ko na dapat ginawa dahil halos sumama na ang lahat ng buhok ko sa suklay.

Dahan-dahan akong lumabas at tahimik na umakyat sa second floor kung saan matatagpuan ang mga pagkain at inumin.

Mukhang wala namang tao dahil madaling araw naman na at siguradong tulog na silang lahat.

Umakyat pa rin ako ng dahan-dahan at nang buksan ang pinto ay bumungad sa 'kin si Charles na nakatagilid at nagsasalin ng inumin sa baso.

Hindi ako nakagalaw nang magkatitigan kami, natanggal lang ang tingin niya sa 'kin ng mapuno at matapon ang sinasalinan niyang shot glass.

Mabilis naman akong pumasok at dumakot na lang ng pagkain. Hindi talaga sumasang ayon si universe dahil nahulog pa ito mula sa kamay ko, wala akong choice kun'di mabilis na yumuko at kuhanin ito saka ako nagmamadaling lumabas.

"Kyla," bago ako lumabas ay tinawag ako nito na siyang nagpahinto sa 'kin.

"Sorry," hindi ako lumingon, hindi ko rin alam ang sasabihin ko kaya kinagat ko ang pang ibabang labi saka nagpatuloy sa pagbaba.

Hindi pa pala ako ready! Si Charles pa lang 'yon ah. Paano kapag sila Zai na?

Pagbaba ko sa first floor ay nakarinig ako ng naggigitara, walang kumakanta kaya naisipan kong sumilip at nakita lang si Izzy na nakaharap sa dagat at nakatalikod sa 'kin.

I didn't know that he can play guitar, hindi nga lang siya kumakanta para itong fingerstyle kaya pinakinggan ko iyon hanggang sa mapamilyaran ang lyrics na nanggagaling sa gitara.

'Say something, I'm giving up on you'

'I'm sorry that I couldn't get to you'

'Anywhere I would have followed you'

'Say something, I'm giving up on you'

Tumigil ito at tila naramdaman ang presensiya ko kaya bago pa siya makalingon ay tumakbo na ako paalis habang nagpapahid ng luha.

Huli na nga ba ang lahat?


Enjoy!
-Imaginary Girl

Pie in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon