PROLOGUE

4K 79 3
                                    

“What kind of mess is this Ryuu?!" Rinig na rinig kaagad ang sigaw ni mommy pagkapasok sa aking office. Napahilot nalang ako sa sentido at binitawan ang hawak na ballpen.



“Mom! Marami akong papers na hinahabol." Tinuro ko ang mga papel na nagkalat na sa sahig at sa table ko. Hindi ko nga din alam kung bakit gan'to kadami ang tatapusin ko.



“Where's your secretary?! Siya dapat ang tumutulong sa'yo!" Bulyaw niya at napairap pa. Mas lalo lang akong napasimangot dahil sa sinabi niya.



“She's also busy, mom. Kailangang humabol ng company ko sa mga nagtataasang ibang company sa Pilipinas."



Hindi naman ako nagpabaya or anything else pero naghihirap ako ngayon. Nawala pa ang isang shareholder ng company! Nakaka stress!


Napasandal nalang ako sa aking swivel chair habang pinagmamasdan si mommy na pinupulot ang ibang kalat at binabasa iyon.



“What is this?!" Pabagsak na inilagay niya sa aking table ang isang paper na naglalaman ng mga importanteng bagay. 



Sinulyapan ko iyon at napagtantong iyon ang ikinasasakit ng ulo ko. “Inalis ni Mr. Felix ang 10% share niya sa company?!"



”“Mom!" Napatakip nalang ako sa aking tenga. “Lower down your voice! Busy din ang ibang employee sa labas!" Baka naririndi na rin sila sa kakasigaw ni mommy.


“Answer me Yophiel Ryuu! What is this?!" Wala na akong nagawa dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko.



Umayos ako ng upo at kinuha ang isa pang papel na kapipirma ko lang. “Hindi na gano'n kalaki ang sales na nakukuha ng kompanya dahil sa mga magagandang projects na nakukuha ng ibang company." Paliwanag ko. “So, kinailangang umalis ni Mr. Felix dahil sa inaakala niyang babagsak ang kumpanya ko."


Well, hindi ko na siya pinigilan dahil pakiramdam ko ay minamaliit niya ang kakahayan ko. Hindi ko kailangan ng gan'ong tipo ng ka-bussiness partner.



Kahapon lang din siya umalis at dahil malaki din ang shares niya kaya gan'to nalang ang reaksyon ni mommy.


“Pero bakit hinayaan mo siyang mawala? 5% or 10% are very important, Ryuu! Hindi madaling makahanap ng magiging bagong shareholders!"



“I know, mom. Kaya nga humahanap na si Clea ng bagong papalit." Clea is my secretary and bestfriend since College. Malaki ang tiwala ko na kukuha siya ng mataas na magiging bagong shareholder ng company.



“Siguraduhin mong walang magiging problema, Ryuu." Tuluyan na nitong binitawan ang papel at inayos ang sarili.



Tumango naman ako at muling ibinaling ang atensyon sa pagpirma ng mga papers. “Yes mom."



Hinawakan nito ang bag at muling nagsalita. “Mauuna na ako."



Sinulyapan ko siya saglit at tumango. “Take care of yourself, mom." Hindi ko na nasundan ang huling mga nangyari. Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto bago muling balutin ng katahimikan ang buong paligid.



“Oh my gosh! Sir Ryuu!" Muntik ko ng maibuga ang iniinom na shake ng tumili si Clea pagkakita palang sa akin.


Pinunasan ko ang gilid ng aking labi bago nakataas ang kilay na tumingin sa kan'ya. “What?!"


Kaagad akong lumapit sa pwesto niya ng sumenyas siya. Wow ha! Ako ang boss dito pero kung makapag utos siya!



“This is very important sir!" May tinype siya sa laptop at lumabas ang files na naglalaman ng shares ng company.



Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon