CHAPTER 18

586 23 4
                                    


𝙍𝙮𝙪𝙪

“Ingat sa byahe hon!"


Kumaway pa ako kay mommy bago sumakay sa kotse ni dad. Wala daw ang driver namin dahil may emergency na nangyari kaya kailangan nitong umalis ng isang linggo para mag stay sa probinsya.


“Wala kana bang nakalimutan Rosh?" Baling ko kay Rosh na tahimik lang sa likod. Umiling naman ito.


“Let's go." Si daddy muna ang magiging driver namin ngayon. Susunduin din daw niya kami mamayang hapon.


Naging tahimik lang ang byahe namin, wala din naman akong masasabi dahil wala naman masyadong naging ganap ngayonng week.


“How's your grades Ryuu?"



Kaagad akong napalingon kay daddy. “Ayos naman po, wala naman pong sinasabing problema ang mga prof."


“That's good." Ngumiti pa ito. Daddy is always like this. Tatanungin niya ang grades ko kung mataas ba o mababa, hindi ko pa nararanasan ang makakuha ng bagsak na grade pero palagi niyang sinasabi na ayos lang naman 'yon.


Palagi din niyang sinasabi na naka suporta lang sila sa plano ko kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila, hindi na rin ako sumusuway at pinagbubutihan ang pag aaral.


“How about Gavin?" Napatigil naman ako dahil sa tanong niya.


“Gavin?"


“Yes, Gavin Montevio."



“What about him dad?" Bakit biglang napasok sa usapan namin ang isang 'yon? Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga masasamang nangyari noong kasama ko siya.


“I'm just curious, he's a good guy kaya sa tingin ko ay makakasundo mo siya." Muntik na akong masamid sa sariling laway ng marinig iyon.


“What?! Dad! He's not—" Kaagad akong napatigil at napabuga ng hangin. “He is, pero hindi ako pwedeng makipag kaibigan sa kan'ya dad, he's a busy person, madami siyang business na hinahandle."


Hindi ko pa rin pwedeng sirain ang image niya kay daddy. Hindi ko pwedeng sabihin na ang lalaking 'yon ang kumidnap at muntik ng gumalaw sa akin.


“I know, pero makakatulong 'to sa'yo habang nasa College ka pa. You can ask him about business, pwede ka din niyang i–guide kung nahihirapan ka."


Napailing nalang ako. “I'm still in College dad, marami pa akong pagdadaanan bago pumasok sa pagma–manage ng company."


Napabuntong hininga nalang ito. “Fine, but if you need some help you can call him."


“Yes dad." Wala din naman akong choice. Hindi na ako umaasa na tutulungan ako ni Kuya dahil sa sobrang busy niya.





“Bye dad!"


“Don't forget to eat your lunch Ryuu!"


“Opo!" Kumaway pa ako dito bago pumasok sa gate. Nauna naming hinatid si Rosh since malapit lang naman siya. Hindi ko din kasabay si Martin dahil mas nauna siya sa'king pumasok, may gagawin daw kasi siya.


“Ryuu!" Napatigil ako sa paglalakad, lumingon ako sa likod at doon bumungad ang hinihingal na dalawang lalaki.


“Theo, Calix!"


Lumapit sila sa'kin at nakipag apir. “Sup, dude!" Maangas na bati ni Theo. Napailing nalang ako, feelingero din kasi ang isang 'to.



"Good morning." Bati naman ni Calix na kasalukuyang inaayos ang kan'yang buhok.


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon