𝙍𝙮𝙪𝙪
Napakusot nalang ako ng mata habang humihikab pababa ng hagdan. Sobrang aga pa pero kinailangan ko ng bumaba dahil kanina pa ako tinatawag ni mommy.
Napatakip nalang ako ng bibig 'saka nagpatuloy sa pagbaba. Naka uniform na ako at tanging medyas lang din ang suot ko sa aking paa.
“Son!" Salubong ni mommy pagkakita niya sa'kin. Sinalubong ko naman siya at humalik sa kan'yang pisngi.
“Good morning mom."
“Good morning ijo." Kaagad na napataas ang isang kilay niya ng makita ang hitsura ko. Hinawi niya papunta sa gilid ang basa ko pang buhok 'saka bahagyang inayos ang aking neck tie.
“Will Kuya go to work early this morning?" Tanong ko. Hindi naman siya ganito maagang pumasok, hindi ko din siya nakasalubong noong pababa ako.
“No honey." Kumunot ang noo ko at akmang magtatanong pa nung may matanaw ako mula sa sala. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng makilala kung sino iyon.
“Mom? Anong ginagawa nila dito?" Napangiti naman siya 'saka ako hinatak palapit sa mga bisita namin.
Anong ginagawa ng mga 'to dito?
Si Gavin ay prenteng nakaupo habang may hawak ba kape, si Lexus naman ay kasalukuyang nakatingin sa cellphone niya habang prente din ang pagkakaupo.
“Mga ijo." Kaagad naman silang napatingin sa direksyon namin. Sumilay ang malawak na ngiti nila pagkakita sa'min. “I'm sorry kung mabagal kumilos si Yophiel."
“Mom!" It's too early, napuyat din ako kagabi kaya hindi ko ine-expact na kailangan kong gumising ng maaga ngayon.
“It's okay tita, we understand." Sagot ni Lexus 'saka ipinatong ang cellphone sa table. May kape din siya doon, may mga cupcakes din na sigurado akong si mommy ang may gawa.
“What are you guys doing here?" Tanong ko. Napasimangot nalang din ako 'saka naupo sa isang couch.
Ngumiti naman sila. “Visiting you," sagot ni Gavin 'saka ibinaba ang hawak niyang kape. Ngayon ko lang din napansin ang iba pang bagay na nasa lamesa.
“Y–You have some suitors mom?" Gulat na tanong ko. Mayroong tatlong bouquet of red roses doon, may mga notes din na nakalagay.
Napatawa naman si mommy 'saka ako mahinang hinampas sa braso. “What are you talking about son? Sa tingin mo ba ay papayagan sila ng daddy mo?"
Napakamot nalang ako ng batok. “Kung gan'on, para kanina po 'yan?"
“Para sa'yo 'yan, son," tawa ni mommy. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko 'saka napatingin sa dalawang lalaking nakatingin din sa'kin. “That one is mine habang ang dalawa naman ay para sa'yo."
“Para saan 'to, Gav? Lex?" Tanong ko sa kanila. Mas lalong lumawak ang ngiti nila.
“Well, babe," ani Gavin. “We asked tita if you have a girlfriend or a boyfriend then, she said you have been single since birth."
Napasimangot naman ako. Kasalanan ko bang hindi ako nagkaroon ng girlfriend simula noon? Saka...
“Boyfriend?"
“Yes, right." Tumango si Lexus 'saka tumingin sa'kin. “So, we asked her about something."
“A–Ano 'yon, mom?" Baling ko kay mommy na malawak pa rin ang ngiti habang nakikinig sa amin.
“Tinanong nila ako kung pwede ka nang pumasok sa isang relasyon, then," ngumisi siya.
“We are here to court you, Ryuu."
BINABASA MO ANG
Unexpected Desire (On Going)
Ficção AdolescenteABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well -known clan in the Philippines. De Viste's group of companies. But dreamed of being a successful by h...