𝙍𝙮𝙪𝙪
Bahagya kong inayos ang aking buhok na humaharang sa aking mata. Kinuha ko ang suklay at inayos iyon, nilagay ko 'yon sa gilid.
“Gwapo." Ngumiti pa ako. Kumuha din ako ng tint, hindi ko alam pero gusto kong naglalagay nito dahil maganda sa labi.
Inayos ko pa ang suot bago tumalikod sa salamin. It's already 7:45 am, kagaya ng sinabi ni Sir Levi ay susunduin niya ako around 8:00 am.
Mabuti nalang din ay wala ng asungot sa buhay ko. Sabay na umalis si Kuya at Gavin kanina. H'wag nalang sanang bumalik dito si Gavin.
Kinuha ko nalang ang wallet ko na may konting cash at kasama na din ang phone ko.
“Ryuu?" Ngumiti ako kay mommy pagkababa ko sa hagdan. Nakaupo siya sa couch habang inaayos ang maliit na halamang nasa table.
“Good morning mom." Lumapit ako sa kan'ya at humalik sa kan'yang pisngi. Binitawan naman niya ang gunting na hawak at pinunasan ang kamay.
“Good morning Ryuu." Tumingin ito sa akin at sa suot ko. “Where are you going?" Bahagya pa niyang inayos ang polo ko.
“Nag aya lang po 'yung kaibigan ko. Gusto niyang i-try ko ang mga pagkain sa bagong open nilang restaurant." Hindi naman daw iyon gan'on kalayo. Maganda din daw ang pagkaka–pwesto ng restaurant nila.
“A friend? What is your friend's name? Do I know him or her?" Umiling naman ako. Kilala kasi halos lahat ni mommy ang mga kaibigan ko dahil madalas ko silang imbitahan dito sa bahay.
“No, mom. Uhm... He's Levi, Lexus Vince."
“Lexus Vince?" Tumango tango ako. Mukhang hindi din iyon kilala ni mommy. “I don't know him pero familiar ang pangalan niya. I will ask your dad later." Muli siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. “Take care, don't be late huh?"
Mahina naman akong napatawa. “Mom! I'm not a kid anymore." Mahina din siyang natawa at kinurot ang pisngi ko. Palaging pinaparamdam sa'min ni mommy na parang bata pa rin kami. Ayaw ni Kuya sa gano'n kaya ako ang bini–baby ni mom.
“Why? Naaalala ko pa kung paano ka lumaki. Makulit at sobrang tabang bata mo pa noon."
“Mom!"
“Kidding HAHAHA." Inayos nalang niya ang buhok ko. “Tawagan mo nalang ako kapag may problema okay?" Tumango ako.
“Sir, nandito na po ang sundo niyo." Napatingin naman kami kay manang na kakapasok lang. Ngumiti naman ako sa kan'ya at tumango.
“Alis na ako mom." Humalik akong muli sa kan'yang pisngi. “Don't get too tired mom." Paalala ko.
“Hmm."
Binati ko pa ang ilang maid na nakasalubong ko bago lumabas ng bahay. Deretso akong naglakad papunta sa main gate.
“Good morning manong." Bati ko sa guard na nagbabantay. Napatingin naman ito sa'kin bago ngumiti.
“Good morning sir Ryuu." Aniya bago binuksan ang gate.
“Thank you po."
Pagkalabas ay bumungad kaagad sa akin ang magandang kotse. Kulay pula iyon at halatang bagong bili lang.
“Ryuu." Napangiti naman ako at kumaway kay Sir Levi, nakasandal siya doon habang hinihintay ako.
“Sir Levi." Lumapit ako sa kan'ya. “Good morning po." Mahina naman siyang napatawa at napailing pa.
BINABASA MO ANG
Unexpected Desire (On Going)
Teen FictionABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well -known clan in the Philippines. De Viste's group of companies. But dreamed of being a successful by h...