CHAPTER 17

540 28 2
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


“So, how's your studies iho?"


Ngumiti ako dito. “Ayos naman po, maayos naman po ang grades ko." Hindi ako pwedeng bumagsak ngayon, naiisip ko din ang mga paalala nila mommy.


“That's good." Humigop siya sa tsaa na hawak bago bumaling sa katabi kong si Gavin. “My son, Gavin. Matataas ang grades niya since college, sobrang saya ng daddy niya dahil doon. Malaki din ang tiwala namin sa kan'ya na hindi niya sinayang." Proud na aniya.


“Nag iisa lang po ba siya?" Tila nagulat ito sa aking tanong dahil bahagya itong natahimik. Akmang babawiin ko na sana iyon ng magsalita siya.


“No, tatlo silang magkakapatid, lalaki lahat." Napatango namna ako. Hindi ko kasi talaga alam kung ilan sila, sa balita kasi ay laging si Gavin ang pinapakita.


Natahimik nalang ako, may dumating din na kasambahay at nilapag ang dalang mga pagkain. “Thank you Anne." Kinuha ni tita ang isang box ng cookies. “Try this iho, i'm the one who baked that."


Kumuha naman ako doon, amoy palang ay mukhang masarap na. “Thank you po." Kumuha din siya doon at kinain ito.


Tinikman ko na din iyon. Napangiti nalang ako sa lasa nito. Hindi iyon sobrang tamis, tama lang din ang pagkaka–baked. “Ang sarap po!" Masayang papuri ko.


“Really?" Tumango tango ako bago muling kumagat doon. Mas lalong napangiti si Mrs Montevio bago kumuha ng isa pang box. “Sa'yo na 'to. You should visit our house next time if you have some free time, I'll baked more cookies for you."


“Sure po."


“Huwag ka din matakot kay Gavin, he's a good guy." Tawa nito.



“Mom!"


...


“Mag iingat kayo! Ayusin mo ang pagd–drive Gavin." Kumaway sa'min si tita. Ngumiti din ako sa kan'ya at kumaway pabalik.


“Kayo din po, bibisita nalang po ako kapag may libreng oras."


“Aasahan ko yan."



Nakangiting sumakay ako sa kotse. Saglit lang kaming nagkausap ni tita since kailangan ko ding umuwi ng mas maaga, ayokong mag alala pa sila daddy.


Sumakay din sa drivers seat si Gavin, tahimik lang ito simula kanina, hindi ko na din naiisip ang ginawa niya.



“Mom is so happy to see you." Napatingin ako sa kan'ya. Deretso lang ang tingin niya sa daan.


“Ah, oo nga. Masaya din naman akong makita siya ulit." Nakangiting sagot ko.


“How about me?" Kaagad na napataas ang isang kilay ko dahil sa tanong niya.


“Ha?"


“How about me?" Tumingin ito sa'kin. “Aren't you happy to see me?" Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at umiwas ng tingin.


“H–Ha?! H–Hindi, ah! Bakit naman ako matutuwa?" Ano bang iniisip ng lalaking 'to?! Hindi ko naman siya type para matuwa ako sa presensya niya.



Mahina siyang napatawa. “Kidding." Palihim nalang akong napairap. Bipolar ba ang isang 'to? Ang hirap niyang intindihin!




“Baliw ka ba?"



Kaagad namang sumeryoso ang kan'yang mukha. “No." Malamig na sagot niya. Bahagya naman akong napausog palayo sa kan'ya.


Nagalit ko ba siya? Nagtatanong lang naman ako 'saka ang hirap kasi niyang intindihin. Mayroon siyang mga sinasabing hindi ko inaasahan.


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon