𝙍𝙮𝙪𝙪
Nahihirapan na binitbit ko papasok ng bahay ang mga hawak ko. Bulaklak na may iba't ibang uri, malaking teddy bear at ang mga pagkaing binili niya para sa'kin.
Marahan nalang akong napangiti habang iniisip ang kung ano mang dahilan ng pagbibigay niya ng bagay na 'to. Wala akong kahit isang ideya.
Pero, nagpapasalamat pa din ako. Sobrang na appreciate ko ang binigay niya. First time ko ding makatanggap ng gan'to mula sa ibang tao. Palagi kasing may binibigay na teddy bear o bulaklak sa'kin si Kuya o kaya si daddy.
Tutulungan pa sana ako ni Manong guard kanina pero tumanggi na ako. Madami din siyang ginagawa kaya ayokong makaabala pa.
Napahinto ako sa harap ng pinto, kaagad na nangunot ang noo ko ng makitang may ibang kotse sa parking lot. May bisita kami?
“Manang!" Pagtawag ko. Hindi ko kayang buksan ang pinto, marami akong hawak kaya hindi ko mahahawakan ang doorknob. “Manang!" Pagtawag ko ulit.
Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto. “Iho? Ryuu! Jusko, ano 'yang bitbit mo?" Akmang tutulungan pa ako ni manang ng umiling ako.
“Ayos na po, ako nalang po ang magdadala." Mukhang galing ding kitchen si manang dahil sa suot niyang apron. “Nasaan po sila mommy?"
“Nasa office ng daddy mo. Lida, pakitawag na nga dila ma'am." Pagtawag nito sa isa pang kasambahay.
Binuksan nalang ni manang ng malaki ang pinto. Dumiretso nalang ako sa sala na sana pala ay hindi ko nalang ginawa.
“Ryuu?" Napatingin ako kay kuya. Nilapag ko muna ang dala kong paper bag na may lamang pagkain.
“Good evening kuya." Napasimangot nalang ako ng makita ang isang asungot sa tabi niya. Ano nanamang ginagawa ng lalaking 'yan dito?! Balak ba niyang bwisitin ang araw araw na pamumuhay ko?
“Ano yan?" Baling ni Kuya sa mga hawak ko. Ngumiti naman ako. “A gift."
“A gift? Ang aga naman ng Valentine's mo." Napatawa naman ako. Ang bango din ng mga bulaklak na hawak ko.
“From?"
Napataas ako ng isang kilay. “Vince." Maikling sagot ko kay Gavin. Yes, nandito nanaman ang lalaking 'to. Kung hindi lang siya kaibigan ni Kuya ay matagal na ko na siyang pina–block dito sa subdivision.
“Vince?" Tanong ni Kuya.
Ngumiti naman ako sa kan'ya. “A friend of mine." Pinakahawakan ko ang mga dala. “I'll go upstairs now kuya." Tumango naman siya.
Inirapan ko lang si Gavin na nakatingin din sa'kin. Hindi pa tayo tapos! Sana lang din ay umalis na 'to mamaya sa bahay.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Nilapag ko sa kama ang bulaklak at teddy bear. Magpapalit muna ako para makapag pahinga muna ako saglit.
Mabilis akong naligo at nagsuot ng manipis na gray shirt at pajama. Hindi gan'on kalamig ngayon kahit November na next week.
Nilagay ko sa table ang bulaklak, mamaya ko nalang ilalagay sa vase. Kinuha ko nalang ang teddy bear at niyakap iyon.
“Ano kayang magandang pangalan mo?" Mas magandang may pangalan siya, yung bagay sa cute niyang hitsura.
Kulay puti ang teddy bear na ito, may scarf pa siya sa leeg na kulay asul. Malambot ang balahibo niya at mabango ang amoy, may maliit din siyang buntot.
BINABASA MO ANG
Unexpected Desire (On Going)
Teen FictionABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well -known clan in the Philippines. De Viste's group of companies. But dreamed of being a successful by h...