CHAPTER 22

499 23 2
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


Tahimik lang ako habang nakatingin sa paligid. Malamig at presko din ang hangin na nalalanghap ko, malayo sa mainit at hindi preskong pakiramdam sa syudad.


Hanggang ngayon din ay nahihiya pa akong magsalita dahil sa nangyari kanina. Parang wala lang din iyon kay Levi dahil nakatitig pa siya sa'kin.


Hindi ko talaga inaasahan na iyon ang sasabihin niya kanina. Akala ko ay nagbibiro lang siya o pinagti–tripan niya lang ako sa bagay na 'yon.


“Ryuu?"


Kaagad akong napaiwas ng tingin. “Y–Yes?" Hindi ko siya magawang kausapin ng deretso. Hindi ko alam pero ako ang nahihiya.


“Are you okay?"


“H–Ha? Oo! Ayos lang ako."


“Really?"


“Oo, bakit?"


“Look at me." Mas lalo akong nahiya at namula dahil sa sinabi niya. Ano daw?


“Ha?"


“I said, look at me." Seryosong aniya. Bahagya naman akong kinabahan dahil napaka pamilyar non.


Unti unti akong humarap sa kan'ya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kan'yang mga mata kaya ibinaba ko iyon sa kan'yang labi.


“Yeah?"


Mas lalo akong nahiya ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Are you blushing?" Kaagad akong napailing. “Hindi ah! B–Bakit naman ako mamumula?"


Don't act like a girl Ryuu!


“Really? Then, ano 'yan? Mainit ba?" Ngisi niya. Napakagat nalang ako ng labi at nag iwas ng tingin. “Kidding."


“Ano nga pala yung sasabihin mo?"


“Nothing, I just want to ask if you're okay." Sumandal siya sa bench na kinauupuan namin bago tumingin ng diretso sa paligid. “Do you still want to buy this property?"


Mahina akong napatawa. “Hindi! Nagbibiro lang naman ako kanina..." Hindi ko din naman alam kung saan ko gagamitin o anong gagawin ko sa kulang 'to.


“Then, that means ayaw mo din sa condition ko?" Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kan'ya.


“HA?! A–Akala ko nagbibiro ka lang 'di ba?"


“I'm serious here." Binalik niya ang seryosong mukha at tumitig sa akin. “What can you say about that?"


“U–Uh... Ano, ano bang sinasabi mo?" Napaigtad ako ng maramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi. Marahan niya iyong hinaplos at itinabi sa gilid ang buhok na humaharang doon.


"𝘊𝘢𝘯'𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘮𝘦?" Kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa ibinulong niya.


“W–What do you mean?"


Kaagad siyang umiling at binitawan ang mukha ko. “Nothing, nevermind." Umiwas siya ng tingin at bahagyang lumayo sa'kin.


What's wrong with him?


Akala ko ay mababawasan na ang stress na nararamdaman ko ngunit hindi pala. Mas lalo lang naguguluhan sa kan'ya.


Nalayo nga ako kay Gaius siya naman ang pumalit. Karma ko ba 'to? O sinasadya lang talaga ng tadhana?


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon