CHAPTER 11

652 33 3
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


“Fuck!" Nakasimangot akong umupo sa aking kama at naiinis na ginulo ang aking buhok. Ano bang nangyayari?! Nagkita lang kami ng lalaking 'yon pero ngayon ay hindi na ako makatulog!



Napatingin ako sa orasan na nasa pader, 11:00 pm. Napapikit nalang ako, may klase pa ako bukas pero hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang diwa ko.



Akmang hihiga akong muli ng marinig ko ringtone ng phone ko. Kaagad ko iyong kinuha sa may nightstand.


Martin.



“Hello?" Sagot ko pagkapindot ng answer button.



“Hello! Ryuu?" Bungad niya, pabulong na sigaw din iyon na tila nag iingat siyang h'wag gumawa ng kahit anong ingay. “Nasaan ka?"



Napahikab naman ako bago sumagot sa kan'ya. “Nasa bahay, matutulog na sana. Bakit?"



“Great!" Napakunot naman ang aking noo. Anong great? Great taste white?



“Ha? May kailangan ka ba?" Anong oras na. Imposibleng tumawag sa'kin si Martin sa alanganing oras dahil maaga siyang natutulog.



“Nag aya kasi 'yung mga tropa ko, ngayon nalang sila may free time para makipagsaya dahil busy sa school. Susunduin sana kita. Free ka ba?"



Makipagsaya?



Ngayon na mismo?



“Saan ba tayo pupunta? May nakabukas pa bang mall? Pwede namang sa susunod na araw, ah?" Nagtatakang tanong ko.



Narinig ko naman ang malakas na pagtawa niya mula sa kabilang linya. “Baliw ka talaga! Sa tingin mo ba may matinong taong maggagala sa mall ng gan'tong oras?!"



Napakamot nalang ako sa aking buhok. “Saan nga kasi tayo pupunta?"



“Edi saan pa? Sa bar malamang!"



Napasinghap naman ako dahil sa sinabi niya at mabilis na nagsalita. “Ha?! Ayoko! Kayo nalang!" Hindi ako pwedeng lumabas ng gan'tong oras, mahuhuli ako ng mga tauhan ni daddy.




“Hindi kana pwedeng tumanggi, nandito na ako sa harap ng kwarto mo." Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa direksyon ng kwarto ko.



“Martin! Ayoko nga!" Pagtanggi ko, ayokong sumuway kay daddy, anong oras na din. Magagalit 'yon kapag nalamang tumakas ako.



“Ryuu, please? Samahan mo lang ako, ayokong magpunta ng mag isa don. Please? Please?!"



Napapikit nalang akong muli, mukha na akong nai–stress sa mga nangyayari. Hindi ko na alam!



Napabuntong hininga nalang ako bago pinatay ang tawag at bumaba sa aking higaan. Naglakad ako patungo sa pintuan at binuksan ito.



Bumungad sa akin si Martin na kasalukuyang nakatingin sa kan'yang cellphone, nasa bulsa naman ng suot na jacket ang isa pang kamay habang nakasandal sa pader.



Kaagad naman siyang napaayos ng tayo at masayang tumingin sa'kin. Mukhang natutuwa siya na pumayag ako sa kagustuhan niya.




"Ryuu!"




“Saan bang bar 'yan?" Tanong ko habang nagd–drive ng kotse. Tinakas namin ang isa sa kotse ni daddy, hindi naman niya 'to halos nagagamit kaya ayos lang.



Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon