𝙍𝙮𝙪𝙪
Muli kong pinagmasdan ang aking sarili sa malaking salamin na nasa aking harapan. Inayos ko ang polo ko at ngumiti, ang gwapo ko na!
It's already 6:45 pm at 7:00 pm ang start ng family dinner namin, based din sa narinig ko sa mga maid ay may iba kaming bisita na for sure bagong ka-bussiness partner ni daddy.
Kailangan ay maayos ang suot ko. Hindi naman ako mapili sa damit, ako din ang nagbabagay ng mga isusuot ko.
Nakasuot ako ngayon ng long sleeve polo na tinupi hanggang siko, sky blue na may halong purple din ang kulay nito. Nakahawi din ang buhok ko, hindi pa ako nakakapagpagupit kaya medyo mahaba pa.
“Sir." Napatigil ako sa pag aayos ng marinig ang sunod sunod na pagkatok. “Bumaba na daw po kayo sabi ni senyora."
“Opo! Susunod na."
Minadali ko na ang pag aayos. Kinuha ko sa table ang nilabas kong bagong pabango. Well, iisa lang din naman ang amoy ng pabango ko. Sweets.
In–spray ko iyon sa suot ko hanggang likod, pati na din ang leeg at palapulsuhan ay mayroon.
“Ang gwapo!" Papuri ko sa sarili. Ngumiti akong muli sa salamin bago lumabas ng aking silid.
Mula sa hagdanan ay kitang kita ang mga abalang maid, marami silang ginagawang paglilinis at pag aayos ng mansion.
“Sir, nand'on na po sila senyora." Tumango ako kay nanay Lilia at tinungo ang dining.
Pagkapasok sa loob ay bumungad kaagad ang pamilya ko. Masayang nag uusap si mommy at daddy na magkatabi lang. Si Kuya naman ay abalang nagt–type sa kan'yang cellphone habang si Rosh ay kumakain lang ng gummy bears.
“Good evening, mom, dad." Bati ko sa kanila. Naagaw ko naman ang kanilang atensyon.
“Oh, good evening too son." Lumapit ako sa kanila at binigyan ng tig isang halik sa pisngi.
“Good evening Kuya, Rosh." Humalik din ako sa pisngi ni Rosh. Ngumiti naman siya sa'kin at itinapat sa bibig ko ang gummy bears.
“Kuya, eat." Natatawang kinagat ko naman ito at nginuya. He's already 8 years old pero masyado pa rin siyang malambing sa amin.
Tumango lang din si Kuya sa'kin at itinabi ang kan'yang phone sa bulsa. Kagaya ni daddy ay busy din siya, kung hindi papers ang kaharap niya ay laptop at phone naman.
Naupo ako sa tabi ni Rosh at nakipag usap sa kan'ya, maya maya pa daw ang bisita. Hindi ko din kilala ang binanggit na apilido ni daddy pero sigurado akong kilala ang pamilya na ito.
Montevio.
“Madame, sir." Napatingin kami sa kasambahay na kapapasok lang. “Mr and Mrs Montevio are already here."
“Let them in." Tumango ito bago lumabas. Hindi ko alam pero sa mga oras na ito ay bigla nalang nanlamig ang mga kamay ko, hindi ko naman iniinda ang lamig ng aircon dahil sakto lang ang lamig nito. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
“Vanessa! Josh!" Napatingin kaming lahat sa mag asawang papalapit sa amin. Kaagad namang tumayo si mommy at sinalubong ng yakap ang babaeng tumawag sa kanila.
Mukhang kaedad lang din sila ni mommy at daddy dahil sa mukha nila, maganda at gwapo din sila kaya for sure maganda ang lahi ng mga 'to.
BINABASA MO ANG
Unexpected Desire (On Going)
Fiksi RemajaABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well -known clan in the Philippines. De Viste's group of companies. But dreamed of being a successful by h...