CHAPTER 49

832 23 10
                                    

Ryuu

Parang sobrang tagal lumipas ng mga araw. Parang sobrang tagal at sobrang hirap makalimot. Pakiramdam ko nga ay kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sariwa pa sa isip ko.

Napatulala nalang ako habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko para libangin ang sarili. Masiyado ng ukopado ang utak ko, masiyado na akong maraming iniisip, masiya na akong naguguluhan.

Bumabalik-balik dito ang dalawa pero hindi ako lumalabas. Si mommy ang nakakausap nila. Sinasabi nalang sa ’kin ni Rosh na galing dito ang dalawa. Wala naman akong... pakialam. Wala akong pakialam dahil ayoko munang silang makita, ayoko muna silang makausap.

And why are they doing that? Kung noong umpisa palang ay sana tinigil na nila. Sana noong umpisa palang ay nilubayan na nila ako.

May girlfriend sila, may girlfriend sila pero nagawa pa rin nila akong patulan, nagawa pa rin nila akong paglaruan at ipamukha sa ’kin na ako lang ang mahal nila.

Sobrang unfair. Sobrang unfair dahil ako ang kawawa sa huli. Sobrang tanga ko rin ba sa part na naniwala ako sa kanila? Sobrang tanga ko ba dahil kaonting motibo, kaonting galaw, kaonting salita lang nila ay nagpapadala na ako?

Sa tingin din ba nila ay kakausapin ko sila pagkatapos ng ginawa nilang iyon? Akala ba nila ay madali akong makalimot at magpatawad? Akala ba nila ay.. madadala nila ako sa sorry nila?

Hindi madaling magpatawad lalo na kung nag-iiwan ng marka sa puso ng isang tao ang ginawa nila. Masakit. Masakit ang ginawa nila. Nakakatakot na tuloy magtiwala sa iba. Nakakatakot ng maniwala sa mga salita ng iba.

Napapunas ako sa luhang dumadaloy sa ’king mga mata. Umiiyak nanaman ako. Umiiyak nanaman ako na hindi ko magawang pigilan. You're so weak, Ryuu. You're weak. Ang hina-hina mo.

Bakit ba ang hirap maging malakas at matatag?

Bakit ba ang hirap makalimot?

Napatingin ako sa tiyan ko. I am crying again. Umiiyak nanaman dahil sa ama ng dinadala ko. Makakaya ko kaya kapag wala sila? Makakaya ko kayang maging ama?

Masakit pala.

Sobrang sakit.

Bakit ba ganito?

“Kuya?" Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at bumungad doon si Rosh. Ngumiti ako rito.

“Yes, baby?"

“Mom told me to call you, Kuya. We're now making fruit salad." Ngumiti ako lalo rito at hinawakan ang kamay niya upang sabayan ito sa pagpunta sa kitchen.

Noong makababa ay dinig na dinig kaagad ang ingay nila. Abala ang lahat sa pag-aayos. Mayroon ding mga nagluluto ng kung ano-ano. December 31. They're preparing for New Year's Eve.

“Ryuu." Lumapit ako kay mommy. She's currently mixing something.

“What can I help, mom?"

“Mango graham, Ryuu." Napatango naman ako. Lumapit din sa akin si Rosh, helping me. Kapag mayroon kaming niluluto o inaayos ay gustong-gusto nitong tumutulong. Hinahayaan naman namin dahil maayos naman siyang gumawa, hindi makalat at hindi nakikigulo lang.

“Sweet?"

Tumango ito sa ’kin. Noong makumpirmang maayos na ang minimix ko ay sinimulan na naming mag layer ng mga crackers. Siya muna ang hinayaan ko roon habang naghihiwa ako ng mangga, kumukuha rin ako roon para kainin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon