𝙍𝙮𝙪𝙪
Tahimik na nililigpit ko lang ang mga kalat sa aking silid. Tahimik lang din naman ang lalaking kasama ko habang nakatitig sa ginagawa ko.
Kinuha ko ang mga librong nakakalat sa lamesa 'saka iyon nilagay sa bookshelf. Itinabi ko nalang din sa gilid ang mga notes ko.
“Saan ka matutulog?" Baling ko sa kan'ya 'saka ko pinag krus ang aking braso. Hindi porket pinatuloy ko siya dito ay ayos na kami.
Ngumiti naman siya 'saka nagtungo sa aking kama 'saka nahiga doon. Nanlaki naman ang mga mata ko.
“Hoy!"
Kaagad akong lumapit sa kan'ya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “What? Nagtatanong ka." Umusog pa siya at niyakap ang unan ko. “It smells so good."
Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinubukang hatakin patayo. “Umalis ka! Doon ka sa couch matulog." Ngunit mas binigyan niya lang ang kan'yang katawan.
“No. I'll sleep besides you."
“What?! No way! Get out!"
“No." Napabuga nalang ako ng hangin at pabalang na binitawan ang kamay niya. Kung ayaw niyang umalis, pwes, ako nalang!
Masama ang loob na naglakad ako papunta sa closet. Binuksan ko iyon at kinuha ang extra kumot ko.
“What are you doing?"
“It's none of your business." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “Shut up!"
“Hey, chill." Napaigtad nalang ako sa gulat ng maramdaman ko ang kan'yang hininga sa aking leeg. Kaagad naman akong nakaharap sa kan'ya.
“Lumayo ka nga!"
“Hmm?" Ngumisi siya bago isinara ang closet. Mas lalo akong nagulat ng itulak niya ako doon at iniharang ang kan'yang braso.
“H–Hoy!"
“Shh..."
Napatingin ako sa kamay niya ng bumaba ito sa kamay ko. Kaagad na nangunot ang noo ko ng kuhanin niya ang hawak kong kumot.
“You will going to sleep besides me."
“Ayoko nga! Kung gusto mo sa kama, don nalang ako sa couch." Malaki naman iyon, h'wag lang sana ako magsisisi kapag sumakit ang likod ko.
Napabuntong hininga nalang ito bago lumayo sa'kin. “Fine, sleep well." Ngumisi pa siya bago nahiga sa aking kama.
Napairap nalang ako bago nagtungo sa couch. H'wag na talaga siyang magpapakita sa'kin dahil baka mapatay ko na talaga siya. Grr.
Pinatay ko nalang ang ilaw bago magtungo sa couch at mahiga doon. Inayos ko din ang kumot. Nakabukas naman ang aircon at may liwanag din galing sa bintana, h'wag na sana siyang mag inarte.
Tumingin nalang ako sa ceiling, madami pa pala akong bagay na aayusin. Hindi ko din alam ang nangyayari kay Martin, hindi pa daw siya umuuwi noong tinanong ko siya kay manong.
Akala ko pa naman ay matatahimik ako sa araw na 'to pero hindi pala. Bumaling ako sa kama, nakatalikod siya sa'kin. Tulog na ba siya? Mabuti naman.
Napapikit nalang ako. “Goodnight." Bulong ko bago ibinalot ang kumot sa akin. Sana lang ay h'wag sumakit ang likod ko.
Nagising nalang ako dahil sa hindi komportableng pakiramdam. Bahagya akong umusog at niyakap ang unan na nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Desire (On Going)
JugendliteraturABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well -known clan in the Philippines. De Viste's group of companies. But dreamed of being a successful by h...