CHAPTER 31

522 25 2
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪                

Kasalukuyan akong pababa ng hagdan habang may kagat kagat na chocolate bar. Nakita ko lang 'to sa table kanina kaya kinuha ko at kinain, masarap naman.

Simpleng blue t-shirt at pants lang din ang suot ko. Maliligo pa naman ako bago gawin ang mga activities ko at matulog.


“Rosh! Ayusin mo nga 'yang mga gamit mo! May bisita tayong dadating." Bungad ko sa kapatid ko na nanonood ng tv habang nagkalat sa paligid niya ang mga libro, laruan at plastic.

Tumingin naman siya sa'kin at sumimangot. “Later kuya." Aniya 'saka mas humiga sa sofa. Prente pa siyang sumandal at kumain sa pop corn na hawak.

Napakamot nalang ako sa aking buhok. Kahit kailan talaga ang kakulitan ng isang 'to. Habang lumalaki ay mas lalong nagiging makulit.

Walang nagawang pinulot ko nalang ang mga kalat niya at inilagay sa malaking plastic. Wala din ang mga maid ngayon dahil abala sila sa kusina at ang iba naman ay may kan'ya kanyang ginagawa.

“Pakitaas po 'yang paa mo." Ngumisi naman siya 'saka itinaas ang paa 'saka nagpatuloy sa pinapanood. Napailing nalang ako dahil sa ugali niya.

Kinakain ko pa din ang chocolate habang nililinis ang paligid. Ayoko sa makalat at nakakahiya din sa dalawang bisita namin mamaya na maaabutan nilang magulo ang bahay.





It's already 7:00 pm nang dumating si kuya kasabay si Gavin, as always. Kailan ba naghiwalay ang dalawang 'to? Parang hindi nila kakayanin kapag naghiwalay sila ng landas.

Nagpalit muna si kuya sa itaas habang si Gavin naman ay naupo sa tabi ko since nasa harap si Rosh, sa tabi niya si kuya at sa gitna si dad habang katabi si mommy.

Ang set up, magiging katabi ko ang dalawang damuho.

Napasimangot nalang ako habang iniisip ang mga posible nilang gawin at ipang inis sa'kin. Bakit ba ayaw akong palayuin ng tadhana sa kanila?

Maya maya lang ay dumating na din si Lexus na maw malawak na ngiti. Nagmano siya kila mommy at daddy 'saka nakipag fist bump kay Rosh. Kailan pa naging close ang dalawang 'to?

Simpleng V-neck grey shirt at pants lang ang suot niya habang si Gavin naman ay long sleeve na tinupi hanggang siko at pinarisan ng pants.

Ngayon ko lang din napansin ang dala ni Gavin na box of chocolate, it's a Ferrero Rocher. Habang si Lexus naman ay 3 boxes of cupcakes. Nakalagay din doon ang pangalan ng restaurant nila.

“Good evening Mr and Mrs De Viste." Magaling niyang ani. Ngumiti naman sa kan'ya si mom. “This is for you po, i'm the one who baked this cupcakes."

Mas lalong napangiti si mommy. “Oh my ghod! Thank you for this, ijo. Come, have a seat." Tumango naman ito at ngumiti pagkakita sa'kin.

Kaagad siyang naupo sa tabi ko, tinanguan din niya si Gavin na seryoso lang na nakamasid sa amin.

“Good evening babe." Bati niya 'saka matamis na ngumiti sa'kin. Bahagya pa niyang inayos ang kan'yang buhok.

“Good evening." Ngumiti din ako sa kan'ya. To be honest, ang gwapo niyang tignan ngayon lalo na't hindi nakakainis ang binibigay niyang ngiti.

“How about me, hon?" Napaigtad naman ako sa gulat ng may bumulong sa tenga ko. Kaagad kong hinarap si Gavin na nakasimangot pa.


“W–What?" Napataas ang kilay ko at naguguluhang tumingin sa kan'ya.


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon