CHAPTER 23

503 20 1
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪

Nakasimangot na naglalakad ako sa gitna ng magulo at maingay na hallway. It's Monday again, parang ang bilis lang lumipas ng panahon.


Wala din akong kasamang magulong Theo at Calix. Hindi ko alam kung nasaan sila. Dati kasi ay bubungad nalang sila sa gate habang hinihintay ako. Maaga ba ako o late sila?


Wala din si Martin, maaga daw siyang umalis kanina kaya ako lang ang hinatid ni Manong. Hindi ko nga alam kung umiiwas ba siya sa'kin o ano man.


May problema ba? Wala naman akong natatandaan na may pinag awayan kaming dalawa dahil ayos pa kami noong huling pag uusap namin.


“Aww!" Napatigil ako sa pag iisip ng may biglang bumangga sa'kin. Dahil sa lakas non ay napaupo ang nakabunggo ko. Nagkalat din ang librong hawak niya sa sahig.


“O–Oh my god! Sorry! Sorry!" Aniya habang pinupulot ang mga libro. Bahagya pa niyang inaayos ang kan'yang buhok dahil sa pagkagulo non.


Niluhod ko naman ang isang tuhod at tinulungan siyang magpulot ng libro. “I'm sorry, hindi ko nakita." Paghinga ko din ng tawad. Pinulot ko din ang salamin na sa tingin ko ay sa kan'ya.


“T–Thank you..." Nahihiyang aniya at sinuot iyon. Ngayon ay mas malinaw ko na din siyang natititigan. “Sorry ulit."


Tinulungan ko siyang makatayo at hinawakan ang mga libro para makapag–pagpag siya ng uniform.


Nag angat siya ng tingin at nahihiyang kinuha ang libro mula sa pagkakahawak ko. Napatigil naman ako nang bumungad ang kan'yang mukha.


Nahihiya siyang ngumiti at bahagyang iniayos ang buhok na humaharang sa kan'yang mukha. “Thank you again Mr?"


“Ryuu, it's Ryuu." Tumango tango siya 'saka niyakap ang mga libro. Makakapal iyon at halatang mabigat din.


"I'm Lo— HEYYY!" Napatigil siya ng may babaeng tumawag sa kan'ya mula sa hindi kalayuan. Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng kaharap ko. “Sorry sa nangyari! Mauna na ako Mr Ryuu." Kaway niya habang tumatakbong papalapit sa babaeng nakatingin lang sa'kin.


Napakunot nalang ang noo ko ng sumama ang timpla ng mukha nito bago tumingin sa babaeng nakabanggaan ko. “Let's go." Rinig kong aniya. Tumingin pa siya saglit sa'kin bago kinuha ang mga libro sa babae.


What's wrong with her?



Napailing nalang ako, napatingin nalang ako sa relong suot. Mabuti nalang ay 7:00 palang at 7:20 ang klase ko. Akmang maglalakad na sana ako ng may makitang papel sa bandang paanan ko.


Yumuko naman ako para kunin iyon. Maliit na piraso iyon ng papel. May nakasulat din doon na pangalan at note.



𝘈𝘪𝘷𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘋𝘦𝘭𝘢 𝘊𝘳𝘶𝘻.

       𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘪𝘴 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘶𝘴.
                                                      
                                                         — 𝘓𝘰𝘷𝘦.


Napangiti nalang ako. Mukhang inlove ang isang 'yon. Tinupi ko nalang iyon at nilagay sa aking bulsa. Kung sakaling magkikita kami ulit ay ibabalik ko nalang 'to, baka kasi importante sa kan'ya.


“Thank you Mr De Viste." Nagpalakpakan naman sila habang nakatingin sa'kin. Ngumiti naman ako at naglakad papunta sa aking upuan. “Okay, next."


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon