CHAPTER 38

384 13 4
                                    


[Papunta palang tayo sa exciting part]


Ryuu


Napasimangot nalang ako habang hawak hawak ang tumbler ko. Nasa likod ko naman si Gavin at Lexus. Hawak ni Lexus ang bag ko habang si Gavin naman ay deretso lang na naglalakad.


Pagkatapos kasi ng pangyayari kanina ay hinatak na nila ako paalis. Wala naman ng next game dahil bukas pa iyon. Nagyaya nalang ako na kumain sa labas since it's already lunch time.



“Saan niyo gustong kumain?”




“Anywhere, babe." Simpleng sagot ni Lexus.



“Anywhere?" Napaisip naman ako 'saka tumingin sa paligid. Marami na ding tao since maraming estudayante ang nandito para manood kaya marami din ang makikita sa food court.


Napangiti nalang ako ng makita ang paborito kong pagkain. Kaagad ko naman silang hinatak papunta doon. Ipinasa ko nalang kay Gavin ang tumbler ko, excited na ako!


Ngumiti naman ako sa nagtitinda 'saka tumingin sa mga niluluto niya. Geez! Namiss kong kumain ng mga ganito since naging busy ako lately.


“Manong, can i have a kweyk kweyk po?" Tanong ko, para tuloy akong bata na excited kumain no'n kahit na hindi ako sure sa tamang pronunciation.


Bahagya namang natawa si manong 'saka tumango sa'kin. “Sige iho, sampo 'yang malaki at tres naman 'yang maliit."




“Hey, what's that food?" Pigil sa'kin ni Lexus. Napatingin naman ako sa kanila 'saka ngumiti.



“Look at this," tinusok ko ang hawak kong stick sa kweyk kweyk 'saka iyon isinawsaw sa sauce bago hinipan. “Try this, masarap 'to, promise."



Napakunot naman ang noo niya 'saka umiling. “No, is it safe for us?" Tanong niya. Napataas naman ang isang kilay ko.



“If this is not safe, bakit humihinga pa ako ngayon? Dali na! Try this." Siya ang gusto kong unang makatikim dahil mas madali siyang pilitin kaysa sa kapatid niyang maarte.



Nag aalanganin pa siyang tumingin sa'kin bago tumango 'saka iyon sinubo. Napangiti nalang ako bago punasan ang gilid ng labi niyang nalagyan ng kaonting sauce.


Alam kong sensitive sila sa gan'tong pagkain dahil puro galing sa restaurant ang foods nila lalo na si Lexus since owner siya ng mga famous restaurant sa iba't ibang part ng Philippines.



“How is it?" Napatango naman siya 'saka iyon nginuya.



“Good, not bad."



“Gusto mo pa?"




“Yep, give me more."




“Hey, what about me?" Singit ni Gavin habang nakatingin sa'ming dalawa. Napangisi naman ako 'saka kumuha pa ng isang stick.



“Here, make sure na kakainin mo 'yan ha? Lunukin mo." Banta ko sa kan'ya 'saka ginawa ang kasalukuyang ginagawa ni Lexus habang hawak ang sarili niyang stick.


Parang bata naman siyang tumango 'saka lumapit sa'kin, humawak pa ang isang kamay niya sa bewang ko 'saka binuksan ang bibig. Ayaw niya talagang magpatalo sa kapatid niya.



“How is it?"



“Good," ngumiti siya at humalik sa labi ko na kaagad kong ikinagulat. “But i love your lips more."



Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon