CHAPTER 15

656 26 2
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪

“U–Uhm, t–this is our library. There are complete tools and books here. You can also borrow a book in case you need it. Almost all the students also come here during break time."


Napalunok nalang ako pagkatapos magsalita. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko habang nakatingin sa library ng school, nakapamulsa pa ang kan'yang mga kamay.


“Hmm.." Tumango tango siya bago bumaling sa'kin, napaiwas naman ako ng tingin. Napansin niya siguro ang pagkailang ko kaya mahina siyang natawa. Mas lalo tuloy akong nahiya! “Are you okay?"


Mabilis akong tumango. “O–Opo! Ayos lang po." Ngumisi siya lalo. “Okay, then. I'm just curious."


Napataas ang isa kong kilay. “Tungkol saan po?"



Saglit siyang tumingin sa library bago muling ibinalik sa'kin. “Do you like reading books?" Bahagyang nanlaki ang mga bata ko bago sumagot sa kan'ya.



“Ah, Opo!" Baka mamaya isipin nito na hindi ako mahilig at ibig sabihin non ay nagpapabaya ako.



“That's good." Muli kaming naglakad, tahimik lang siya habang ako ay nagsasalita habang tinuturo ang mga nadadaanan namin.



“This one is our cafeteria. No one has been around since class hours. 10:00 am is our break time and 12:00 is our lunch time." 10:30 na kaya balik na sa room ang lahat.



“Are the foods they sell nutritious?" Napaisip ako. “Yes but still, it's the student's choice. They will buy whatever food they want, just like drinks." Paliwanag ko.


Tumango naman siya. Kaya niya siguro 'yon natanong dahil may experience siya sa pagmamanage ng gan'to. Owner siya ng hotels at tungkulin din nila na mag serve ng masasarap at masustansyang pagkain.


Napatingin siya sa kan'yang relo. “It's been 15 minutes. You want some drinks?" Kaagad naman akong napailing. “Okay lang po ako."


Umiling siya at naunang maglakad. “Follow me, you also need to rest." Walang nagawang sumunod nalang ako sa kan'ya. Pumasok siya sa cafe, open naman 'yan anytime.


“Welcome sir!" Bati ng mga tao doon. Ngumiti naman ang kasama ko bago lumapit.


“What drinks do you have here?" Ngumiti naman ang babae sa counter. Halatang kinikilig din siya dahil sa taong nasa harapan niya.


“We have softdrinks, shakes, water and any flavor of juice po." Napatango naman siya bago tumingin sa'kin.


“What do you want?" Bahagya akong nailang dahil sa mga tingin na binibigay nila lalo na ang mga gulat na babae.


“K–Kahit ano po." Nakakahiya naman kung magsasabi ako ng gusto ko. Hindi din naman ako nagugutom.


“Give me 2 bottled water and 2 strawberry juice." Aniya. Kaagad namang kumilos ang mga nand'on.


Nanatili lang ako sa kan'yang gilid. Hindi man ako komportable pero pinipilit ko nalang um–acting na ayos lang lahat, matatapos din naman 'to.


“Here sir, ₱70 po." Nag abot siya ng 100 pesos. “Keep the change." Tumango naman ang babae at binalik ang sukling ibabalik niya sana.



“Thank you sir! Enjoy your drinks!"




Kaagad kong tinanggap ang inabot niyang isang tubig at juice, nahihirapan din siyang bitbitin iyon dahil baka tumapon.


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon